NOEL FERRER
Nag-kick off activity na ang MMDA/MMFF sa Philippine Consulate at sa Pilipino Workers Center sa Los Angeles, California, na tinawag nilang "Jeep ng Bayan: Driving Our Community Forward."
May pag-turnover ito ng jeepney sa Pilipino Workers Center mula kay MMDA/MMFF chair Atty. Don Artes, assisted by the Consul General Adel Cruz.
Parang logo rin lang ng MMFF, tuloy ang pag-usad at pagtulong natin para mapaunlad ang industriya ng pelikulang Pilipino, pati na ang buhay ng mga kababayan natin saan mang panig ng mundo.
Read: MIFF 2025 at Konsyerto Para Sa Filipino sa U.S., star studded
The program was hosted by Ruby Rodriguez, na isa nang empleyado ng Philippine Consulate sa Los Angeles, California.
STARS ARRIVE IN CALIFORNIA
Pagkatapos nito ay bumuhos na ang pagdating ng mga Filipino artists sa MMFF50 sa California.
Nauna nang dumating sina Enchong Dee at Jervi Wrightson aka Kaladkaren, na mag-isa.
Sumunod sina John Arcilla, Sylvia Sanchez, at MTRCB Chair Lala Sotto.
Sinundan naman sila nina Piolo Pascual, Iñigo Pascual, at Cedrick Juan.

Marami pang stars ang parating, at lahat sila ay shouldered ng MMFF50.
Matatandaang nagkaroon din ng special concert sa Malacañang noong Disyembre 2024 in connection with the MMFF's 50th celebration.
Read: Konsyerto Sa Palasyo: highlights and sidelights

Ito’y magiging handog din natin sa ating mga kababayan nang LIBRE sa March 8 sa Cerritos Center of Performing Arts sa Cerritos, CA.
Kailangan lang kunin ang tickets from the Philippine Consulate or representatives ng authorized organizations.
Ngayon pa lang ay dagsa na ang preparasyon at pagre-request at pagdi-distribute ng tickets na talaga namang much anticipated.
Hayaan ninyo, makakaasa ang mga PEP Troika followers natin ng updated news ukol sa activities sa Los Angeles.
And I’m sure marami tayong sources na makapagpapatotoo ng malalaking nangyayari sa Los Angeles.
Read: Ruby Rodriguez gives a glimpse of her life in Los Angeles
GORGY RULA
Mukhang malaki nga ang delegation na sinagot ng MMDA/MMDA dahil balita namin ay parating din sina Lorna Tolentino, Janice de Belen, Arjo Atayde, Maine Mendoza, Ruru Madrid, Sofia Pablo, Francine Diaz, Seth Fedelin at MJ Lastimosa.
Ano kaya ang nangyari kay Alexa Miro? Totoo bang nag-backout siya o may iba siyang kasama?
Aabangan natin iyan.
Parating din sina Boots Anson Roa-Rodrigo at Dingdong Dantes, pati na ang mga top performers natin na sina Jaya, Jed Madela, Joey Albert at Junior New System.
Pati na ang stars ng bagong Star Cinema movie na My Love Will Make You Disappear na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.
MANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL 2025
Kung ang mga artistang ito ay pumunta sa L.A. on the account of MMDA/MMFF, ano na lang kaya ang sinagot ng Manila International Film Festival 2025?
Nagtatanungan daw ang mga tao sa venue kung anu-ano ang mga pelikulang ipapalabas—dahil tanging SURPRISE FILM SHOWING daw ang matutunghayan?
Paano ang bentahan ng tickets?
Meron ding nakakita ng ad ng Combo on the Run: Eraserheads documentary na ang nakalagay ay 'special work-in-progress,' ano ang ibig sabihin niyon?
Tuloy kaya ang pagpapalabas nito?
Read: FDCP, di na tuloy sa MIFF 2025; Isang Himala, walang screening

At bakit kaya 50 percent off na ang selling ng tickets, wala bang masyadong bumibili nito?
Bakit pa kaya itinuloy ang ganitong MIFF kung lukewarm ang reception? Ano kaya ang nangyayari?
JERRY OLEA
Sa unang MIFF ay ipinalabas ang sampung official entries ng 49th MMFF, at nagkaroon ng sariling awards night.
NKKLK ang mga paandar sa nasabing gabi ng parangal, kung saan inisnab ng mga hurado si Christopher de Leon.
Sa 2nd edition ng MIFF ngayong Marso 4-7, 2025, walo lamang sa 50th MMFF entries ang ipapalabas.
May iba pang movies na palabas kabilang ang lumang movies at iyong mga na-reject sa MMFF.
Ligwak sa MIFF 2025 ang rock musical na Isang Himala kung saan may special participation si National Artist Nora Aunor, at Uninvited kung saan bida si Vilma Santos. May mga nabili na noong tiket ang Vilmanians para sa screening ng Uninvited.
May mga taga-ibang lugar na nagpa-reserve ng hotel.
Ngayon ay kailangan nilang mag-refund sa biniling tiket. Sana, ma-refund ASAP, ha, Oliver Carnay?
Buti naman at wala nang awards night ang MIFF.
Ang meron ay Tribute Gala na nakatakda sa Marso 7, Biyernes, sa Beverly Hilton Hotel sa Beverly Hills.
Magpe-perform dito sina Sofronio Vasquez at Deborah Cox.
May bayad ang pagdalo rito!!!

Sa tingin ninyo, magkakaroon pa ng third edition ang MIFF na iyan?
Naku, mas OK kung magkaroon uli ng LIBRENG Konsyerto para sa Filipino next year!!!
Read: Manila International Film Festival sa LA, dapat pa bang ituloy?
