GORGY RULA
Kumalat ang kuwentong pagsugod ng misis ng isang pulitiko habang kasama ang ibinabahay nitong sexy actress.
Ito ay base sa kumalat na report ng police station na malapit sa sosyal na subdivision na kinaroroonan ng bahay kung saan natagpuan ni misis ang kanyang mister kasama si sexy actress.
Sa aming pagtatanung-tanong sa ilang production people na pinagtatrabahuan ni sexy actress, napag-alamang marami na pala ang nakakaalam sa kuwentong ito.
Ayon sa kanila, mayaman at maimpluwensiyang pulitiko ang karelasyon ni sexy actress.
Read: Pretty actress na nasa 20s pa lang, nagpa-facelift na agad
Halata na raw kasi dahil biglang nagmukhang sosyal ang sexy actress dahil sa mga mamahaling gamit at suot nito.
Meron pang pini-flex si sexy actress sa social media account na itinayo niyang negosyo.
Lalong pinag-usapan ang sexy actress dahil sa kumalat na report ng isang police station.
SEXY ACTRESS, BUNTIS?
Ayon pa sa napagtanungan ng PEP Troika, inaalam nila kung totoong nagdadalantao ngayon si sexy actress.
Iyon ang duda ng mga production people na nakatrabaho niya.
Napapanood ngayon si sexy actress sa isang daily show at parang hindi naman daw ito mukhang preggy.
Magkakaalaman daw pagkalipas ng ilang buwan.
Huwag lang daw sanang lumaki pa itong eskandalo na naganap sa isang sosyal na subdivision.
Read: BLIND ITEM: Hunk actor, may something with super-yamang bading?
NOEL FERRER
Sabi naman ng ilang sources ng PEP Troika, matagal na raw hiwalay si pulitiko at ang kanyang asawa.
Hindi nga lang nila ibinubunyag ang tunay nilang kalagayan.
May anak kasi sila, at pinapangalagaan ang kanilang image.
Ang dagdag pang kuwentong nasagap namin, nagkakilala raw sina sexy actress at si pulitiko sa isang dinner date na ibinook ng isang kaibigan.
Hindi lang daw siya sure kung escort service o ano, basta doon daw sila nagsimula na mala-Pretty Woman ang dating.
Nabuo raw ang magandang pagtitinginan at naging sila hanggang ngayon.
Kinokontak daw ng ilang kaibigan itong si sexy actress, pero hindi sumagot sa tawag at text.
JERRY OLEA
Maituturing bang escabeche si sexy actress?
Kung totoo mang hiwalay na si misis at ang pulitiko, kasal pa rin sila at ang image na ipinu-project sa publiko ay buo ang kanilang pamilya.
Kakasuhan ba ni misis ang asawang pulitiko at ang sexy actress, o tuturuan lang ng leksyon?
Bakit nangangalap ng ebidensiya si misis? Ano ang susunod niyang hakbang?
Pray tell me, saang perya kaya pupulutin ang career ni sexy actress sakaling sumambulat ang eskandalong ito?
Read: Beteranang sexy actress, hindi tumalab ang alindog sa hunk actor
