GORGY RULA
Matagal-tagal nang natapos ang teleserye ng isang beautiful actress but, up to now, wala pa kaming nababalitaang follow-up project para sa kanya.
Maraming naka-lineup na projects ang TV network niya pero waley raw sa cast ng mga iyon si beautiful actress.
Naku po!
Bakit ba wala pa tayong nauulinigan na gagawin niyang TV project this year?
Magpapahinga muna ba siya at magliliwaliw sa ibang bansa, or what?
Read: Misis, nahuli ang pulitikong mister kasama ang sexy actress
Ayon sa production staff na nakatsikahan ng PEP Troika, ayaw kunin ng maraming taga-production si beautiful actress dahil sa attitude nito sa set.
Kung meron noong Tulog Queen at Papagong-pagong, ito namang si beautiful actress ay Banyo Queen.
Kapag nasa set si beautiful actress, ilang beses siyang nagbe-break para maligo. As in, ligo nang ligo!
NOEL FERRER
Sa panahon ngayon na ang taas ng heat index, understandable kung gusto ni beautiful actress na laging naliligo.
Pero hindi ganoon kainit noong panahong nagte-taping sila.
E, mula nang umepekto ang Eddie Garcia Law, bilang na ang mga oras sa taping ng TV show at shooting ng pelikula.
Dapat matapos sa takdang oras ang trabaho, or else, dagdag-gastos sa produksiyon.
Kapag nagbe-break daw si beautiful actress ay halos isang oras.
Pagkaligo, burado siyempre ang makeup.
Me-makeup-an uli si beautiful actress, ibo-blower ang buhok.
Sayang ang oras!
Read: Guwapong aktor, pinapalayas dahil hindi makabayad ng upa sa condo
JERRY OLEA
Ang ikinakalukring pa ng production, malaki ang entourage ni beautiful actress na siyempre, babayaran pa. Kailangang pakainin at asikasuhin.
At may attitude din ang entourage, huh?! Sosyalin! Condescending.
Kung makaasta, para bang indispensable sila. Indispensable pala, ha!?
Ending, ayaw nang kunin ng mga taga-production ang beautiful actress.
Kapag may ganyan ka kasing attitude, ang bilis ng word-of-mouth niyan. Iiwasan ka nang maka-work.
Kaya ang ending…. ang beautiful actress kasama ang mga atti at pasosi na aleli abadilla at glam team, nganga!
Read: Tatlong boy toys, nakikinabang sa kani-kanilang benefactors
