GORGY RULA:
Nag-treat si Ivana Alawi sa mga taga-entertainment media bilang pasasalamat sa lahat ng tumulong at naging bahagi sa kanyang showbiz career.
Ginanap itong pa-Thanksgiving party niya sa Vinta Modern Carinderia, Biyernes ng tanghali, March 7, 2025.
Game na game si Ivana sa pagsagot tungkol sa love life niya.
Inamin niyang nakikipag-date siya ngayon. Pero wala pa raw siyang nakakarelasyon. Kaya sakaling puwede na raw siyang makipagrelasyon uli, gusto na niya sa non-showbiz.
“Hindi talaga ako mahilig sa showbiz. Pag showbiz, hindi talaga kami nagwo-work,” saad ni Ivana.
Read: Filipino celebrities who own properties in California
IVANA ALAWI ON DATING CELEBRITIES
Bakit nga ba ayaw na niya sa mga taga-showbiz?
“Ano ka ba! Nakailang date na ako ng mga showbiz, ginagawa akong mama, sugar mama!
“Ako naman, okay ako, split the bill. Pero huwag naman todo-todo na lahat na lang ako,” bulalas niya.
Bukod pa riyan, hindi raw siya handang nakikita ang karelasyon niyang may mga kahalikan sa ginagawa nitong eksena.
“Ayoko yung showbiz na nakikita ko nakikipaglaplapan sa iba, hindi ko kaya. Pero ako puwede, di ba?” natatawang paliwanag pa ni Ivana.
“Sana maintindihan niya. Kung pipili siya ng showbiz, kaya niya ako. Kasi ako, yung mga kissing scenes, bed scenes, so dapat ready siya.
“Ako, hindi ako ready sa kanya. Kaya non-showbiz,” dagdag ni Ivana.
IVANA ALAWI ON BATANG QUIAPO
Pagdating sa karera, nilinaw ni Ivana na walang isyu iyung pag-alis niya sa FPJ’s Batang Quiapo.
“Maayos sobra. The whole production, nag-text silang lahat, maayos.
"Nagulat ako, minention yan ng production, sabi, hindi yan sa amin. Mga fake news yan.
"Sometimes, it really happens, especially when you’re in showbiz.
"Ako naman, siguro yung nagmamahal sa akin, kilala ako," saad ni Ivana.
Read: Jellie Aw posts Jam Ignacio’s message wooing her back
NOEL FERRER:
Hindi man gaanong abala ngayon sa pagiging artista si Ivana Alawi, marami pa rin siyang ginagawa sa mga content niya.
Nagpapasalamat siya na may sapat siyang panahon para sa kanyang pamilya. Iyun daw ang hindi matumbasan ng kahit magkano.
"Yung time with the family, kakain kami, nagluluto kami, tapos kakain nang sabay-sabay. Yun yung mga simpleng bagay na hindi ko mabibili. Pero nae-experience ko at masayang-masaya ako dun.
"Alangan namang lumab-life pa ako, hindi pa ako tapos sa trabaho.
"So, parang yun naman e, work, family, saka date-date ganun, o,” napangiti niyang pahayag.
Inaabala raw niya ang sarili sa vlog at mga pagkakataong nakakapagbigay siya ng tulong sa nangangailangan.
Iyon daw ang paraan niya para magpasalamat sa mga biyayang natatanggap niya mula sa Panginoon.
"Ang nasa utak ko, tumulong muna, bago ako lumab-life, di ba? Bago ako mag-focus sa pag-ibig.
"Mga vendors, magsasaka, yung mga taong nangangailangan talaga ng tulong. Yung mga fishermen natin, yan,” sabi ni Ivana.
Read: Inside Ivana Alawi's Italian-inspired luxury home
NOT INTO POLITICS
Nilinaw din ni Ivana na wala siyang balak pasukin ang pulitika.
"Ano naman ang ilalaban ko sa Pilipinas? Hindi naman yung arte na content creation lang.
"Actually, ang daming nagsasabing, 'Tumakbo ka, tumakbo ka. Grabe ka mamigay.'
"Hindi naman ako namimigay para tumakbo, at hindi mo rin kailangan tumakbo para makapamigay.
"Ang pagtakbo talaga is for the country. Iyung may maganda kang magagawa na batas. Mas mapapaganda mo yung bansa natin.
"Kailangan nating lumaban at lumebel-up no? So yun, hindi talaga ako tatakbo, kasi wala naman akong alam diyan.
"Kung ano ang nasa puso mo, yun talaga," saad ni Ivana.
Read: BB Gandanghari admits she did not like Mariel for Robin before
JERRY OLEA:
Masaya si Ivana Alawi sa mga ginagawa niya lalo na’t marami siyang natutulungan. Pero naisip niyang darating ang araw na mag-focus na siya sa kanyang sarili.
Binigyan niya ang sarili niyang after two years ay baka puwede na raw siyang mag-settle down at bumuo ng pamilya.
“Mga two years, pag treinta na ako. 28 na kasi. Ako mga 30 feeling ko, I think it’s the time for myself and to start focusing on love, on family. Ganun po," pakli niya.
Kung sakaling mag-asawa man siya, bukod sa non-showbiz, mas gusto raw niyang mas mature sa kanya.
"Hindi ako mahilig sa bata, e. Ayoko ng mga 20s o mga 30s. Gusto ko mas mature. Kasi mature na ako mag-isip," sabi ni Ivana.
ON WHAT SHE LOOKS FOR IN A POTENTIAL BF
May mga pulitikong nanliligaw, pero dedma pa raw siya sa ngayon.
"Marami, e. Iba-iba. Dedma, o kaya pagka ano, dedma. Date na non-showbiz,” dagdag ni Ivana.
Madali lang daw siyang ligawan. Pero ang gusto niyang makakasama ay iyung simpleng tao at handang tumulong.
"Hindi mayabang. Hindi mayabang, saka may puso. Yung same heart, gustong tumulong din and all.
"Kasi ang hirap na pareho kami tapos magkaiba yung ugali namin. Yung ayaw niyang tumulong at saka wala siyang puso para sa mga Pinoy at sa mga kababayan natin,” sabi pa ni Ivana.
