PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Family Feud clips ni Melai Cantiveros, milyon ang views

Maging kasing-taas din kaya ang viewership ng PBB Celebrity Collab Edition?
by PEP Troika
Published Mar 9, 2025
Melai Cantiveros, Robi Domingo, Bianca Gonzalez, Gabbi Garcia in Family Feud.
Kuwelang-kuwela ang mga hirit ni Melai Cantiveros (dulong kaliwa) sa paglalaro niya sa Family Feud nung Biyernes, Marso 7, 2025. Pati nga mga kakampi niyang sina Robi Domingo (pangalawa mula kaliwa), Bianca Gonzalez (natatakpan ni Dingdong Dantes, pangalawa mula kanan), at Gabbi Garcia (dulong kanan), hagalpak sa katatawa.
PHOTO/S: Screengrab from Family Feud PH

GORGY RULA

Waging-wagi ang appearance ni Melai Cantiveros sa Family Feud noong nakaraang Biyernes, March 7, 2025.

Naglaro siya kasama ang iba pang hosts ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at Gabbi Garcia.

Nakalaban nila ang naging PBB housemates na sina Kazel Kinouchi, Axel Torres, at ang kambal na Fourth at Fifth Solomon.

Kuwelang-kuwela ang mga patawa ni Melai na ikinatuwa ng televiewers at netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng mga taga-Family Feud, kapo-post lang nila sa Facebook account ng clips ni Melai, pero wala pang limang oras ay mahigit dalawang milyong views na ito.

Nakita nga namin ang iba pang clips na kuha sa Family Feud, halos isang araw pa lang, mahigit 9M views na.

Melai Cantiveros Family Feud reels views, milyun-milyon ang bilang!
Melai Cantiveros Family Feud reels views, milyun-milyon ang bilang!
Photo/s: Screenshot from Family Feud Facebook page
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana raw, ganun din kataas ang rating sa free TV ng Family Feud. Sa Lunes, Marso 10, pa malalaman.

Inaasahan na ring magte-trending ang PBB Celebrity Collab Edition na magsisimula ngayong gabi, Marso 9, dahil inaabangan kung sino ang first batch ng mga taga-Sparkle at Star Magic na ipapasok sa Bahay ni Kuya.

Abangan natin ngayong Linggo, 6:15 ng gabi sa GMA-7, at meron ding online sa Kapamilya Channel at TFC.

NOEL FERRER

May pressure din kaya sa Kapuso hosts na sina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi na bago pa lang sa naturang reality show?

Sabi ni Gabbi sa nakaraang media conference ng PBB: “I’ll be part of the PBB Updates. That’s every day, Mondays to Fridays. We have three minutes na umaga at ng hapon.

“I’ll also be part of some of the primetime, from Mondays to Fridays, also the weekend shows. I’ll be part of that.

“Siyempre super exciting. Mabigat na task and I’m looking forward to learn from my co-hosts.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bilang paghahanda ay nag-aral din si Gabbi kay Kuya Boy Abunda kung ano ang magandang atake ng hosting niya sa PBB Celebrity Collab.

“I was a student of Tito Boy. So, I’ve been talking to him constantly.

“Actually, we had a phone call the other night. He’s been telling me to go to him na, so we can study na the materials,” sabi pa ni Gabbi.

Gabbi Garcia at Mavy Legaspi, ipapasok din sa Bahay Ni Kuya?
Gabbi Garcia at Mavy Legaspi, ipapasok din sa Bahay Ni Kuya?
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

May usap-usapan namang isa sa Sparkle artists na ipapasok ay si Ashley Ortega.

Kaya malay natin baka pati si Mavy ay bigla na lang ipasok ni Kuya.

Reaksiyon ni Mavy: “Siguro sasabihin ko naka-ready na yung luggage ko, e. Hinihintay ko na lang yung boses ni Kuya na ‘Pumasok ka na sa Bahay Ni Kuya' ngayon pa lang!’

“I’m excited, but at the same time, nakakakaba rin. Pero, sabi naman parang retreat lang. That’s what they say.”

“Be careful what you wish for,” hirit naman ni Melai.

Kahit si Gabbi ay pinaghandaan na rin daw na baka papasukin din siya sa Bahay Ni Kuya.

“I’m also familiar with the tradition na yung mga hosts nga, pinapapasok sa Bahay ni Kuya. So ako, follower lang ako sa task ni Kuya.

“Ngayon ang task sa akin ni Kuya mag-host, magho-host ho ako. Hindi ko alam kung ano yung following task. So, Kuya, ikaw na po yung bahala sa akin,” napapangiting pakli ni Gabbi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuwelang-kuwela ang mga hirit ni Melai Cantiveros (dulong kaliwa) sa paglalaro niya sa Family Feud nung Biyernes, Marso 7, 2025. Pati nga mga kakampi niyang sina Robi Domingo (pangalawa mula kaliwa), Bianca Gonzalez (natatakpan ni Dingdong Dantes, pangalawa mula kanan), at Gabbi Garcia (dulong kanan), hagalpak sa katatawa.
PHOTO/S: Screengrab from Family Feud PH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results