GORGY RULA
Ang taas ng expectations namin sa pagsisimula ng Pinoy Big Brother Celebrity (PBB) Collab Edition nitong Linggo ng gabi, Marso 9, 2025, na unang beses mapapanood sa GMA-7.
Ipinakilala kung sinu-sino ang first batch ng Kapuso at Kapamilya stars na ipinasok sa Bahay ni Kuya.
Tamang-tama ang pa-thanksgiving ni Ivana Alawi dahil meron pala siyang special participation sa sikat na reality show.
Read: Kapamilya, Kapuso housemates for PBB Celebrity Collab Edition revealed
SCENE STEALERS
Nagsisimula naNG magtaray ang karamihan sa netizens sa kanilang komento tungkol sa housemates.
May mga panlalait, pero meron meron ding kinikilig sa ilang housemates kagaya ni River Joseph na napansin agad ang pagiging cute nito.
Kamukha raw ito ng aktor na si JM de Guzman.

Kaabang-abang din kung magiging successful ba si Ivana Alawi sa task na ibinigay sa kanya ni Kuya.

Ano kaya ang kadramahan ng real-life sweethearts na sina Ashley Ortega at Mavy Legaspi sa loob ng Bahay Ni Kuya?

Ang kapansin-pansin pa sa loob ng Bahay Ni Kuya ay ang daming produktong nakabalandra.
Sabi nga ni Alexa Ilacad, ang dami raw products na gustong mag-sponsor kaya dapat consistent itong mag-hit para maganda ang exposure nila.
RATING OF PILOT EPISODE OF PBB CELEBRITY COLLAB
Medyo na-disappoint lang kami nang slight dahil naka-8.6% lang sa ratings ang pilot episode ng PBB Celebrity Collab, at ang sumunod ditong Bubble Gang ay 9.7% pa.
Pero trending pa rin ang PBB Celebrity Collab Edition hanggang sa second day nito ngayon. Ibig sabihin, mas marami ang nakatutok dito online.
Tingnan natin kung tataas pa ang rating nito.
Ang The Voice Kids at The Clash na napanood sa timeslot na iyon ay nagdo-double digit ang ratings.
Read: PBB Celebrity Collab hosts at housemates, handa na sa bashers
JERRY OLEA
Team Michael Sager ako!
Nasa My Ilonggo Girl si Michael, nasa PBB Collab pa!
Siyempre, abang-abang tayo sa pagpapakatotoo ng housemates, partikular ni Brent Manalo.
Anong tandem kaya ang unang mabubuo sa edisyong ito ng PBB?
NOEL FERRER
Nagtaka ang Gen Z followers ng online show nina Esnyr at Brent Manalo na Highschool TOTGA kung bakit tinapos na iyon.
Iyon pala, pasok sila sa PBB Collab.
Read: ABS-CBN, GMA-7 join forces for PBB Celebrity Edition Collab

