GORGY RULA
Ang dami pa ring nakakarating na kuwento sa PEP Troika tungkol sa mga naganap sa Manila International Film Festival (MIFF) 2025 sa Los Angeles, California, noong March 4-7, 2025.
Isa sa ikinagulat ko ay meron pala silang awarding ceremony na audience choice lang pala.
Wala raw kamalay-malay ang mga artistang nominado sila sa popularity division na ito.
Read: Seth Fedelin wagi sa MIFF 2025
MONTY MANIBOG LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD
Napataas din ang kilay ko sa Monty Manibog Lifetime Achievement Award na iginawad kina Ricky Lee, Boots Anson Roa-Rodrigo, at ng yumaong si Mother Lily Monteverde na tinanggap ng kanyang anak na si Roselle Monteverde.
Read: Mother Lily Monteverde, gagawaran ng pagkilala sa MIFF 2025
Ginambala ko ang ilang kaibigan na dumalo sa MIFF 2025 para alamin kung sino si Monty Manibog.
Ayon sa Hollywood correspondent na si Oliver Carnay: “He was the first Filipino American and the first Asian American to be elected to a city council in 1972, and eventually served as Mayor of Monterey Park, California.
“Formerly a Philippine national wrestling and gymnastic champion.
“He represented the Philippines in the 1952 Summer Olympics in Helsinki, Finland, and later won a gold medal for three consecutive years in the California Senior Olympics in the California Senior Olympics in the 1990s held in Alhambra, California.”
Siya raw ang kauna-unahang Fil-Am na nakapasa sa bar exam sa U.S. pagkatapos nitong mag-graduate ng Law noong 1961.
Marami raw siyang natulungang Fil-Ams sa Filipino communities sa California.
Siya rin ang ama ni Bb. Pilipinas-International 1982 Liza Manibog.
Pero hindi ko pa rin siya maikonek sa local movie industry.
Read: Former Bb. Pilipinas titleholders, muling nasilayan ng publiko
TABLES FOR SALE AT TRIBUTE GALA?
Gusto ko lang malaman kung collaboration ba talaga itong Manila International Film Festival sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na in-organize ng Metropolitan Manla Development Authority (MMDA).
Ayon sa ilang nakausap ko, sa nakaraang Tribute Gala ng MIFF na ginanap sa The Beverly Hilton, Beverly Hills, CA, noong Marso 7, Sabado, hindi man lang daw in-acknowledge ang mga taga-MMDA na may hawak ng MMFF.
Di ba, ang mga artistang dumalo sa naturang event ay dahil sa MMFF?
Di ba, ang MMDA ang sumagot sa pagdalo roon ng dalawang representative ng bawat MMFF movie na kasali?
Ayaw ng Espantaho star na si Lorna Tolentino na palakihin pa ito kaya hindi niya ako sinagot kung totoo bang hindi man lang in-acknowledge ang MMDA sa naturang pagtitipon.
Narinig pa namin, ang mga artista raw ay pinaupo sa magkakaibang tables.
Ang buong akala nila, magkakasama sa iisang table ang mga artista ng bawat pelikula. Hindi pala!
Totoo bang ibinenta ang bawat table ng tigpa-five thousand US dollars para makasama nila ang artistang imbitado?
Alam kaya ito ng mga artistang dumalo na parang commodity sila sa Tribute Gala na yan?
Hindi maganda ang feedback sa events na binuo ng mga taga-MIFF. Hindi pa nila na-promote nang maayos.
Tinanong ko ang ibang kaibigan kong taga-LA, wala raw silang kaalam-alam tungkol sa MIFF.
Dahil dito, magkakainteres pa kaya ang mga taga-MMDA na dalhin ang MMFF movies nila sa pangatlong edition?
Siguro naman, magsisilbing leksiyon na ito sa mga taga-MMDA.
Makakapag-isip-isip sila kung sasali pa ba sila sa MIFF sa susunod na taon.
Read: Lorna Tolentino, bakit inabot ng 17 years bago bumalik sa USA?
JERRY OLEA
Parang iginisa ang MMFF at MMDA sa sarili nilang mantika.
Hindi man lang sinabihan ang MMDA at MMFF na ang mga MMFF stars ay paghihiwa-hiwalayin at ite-table sa mga bumili ng tiket sa Tribute Gala.
Nagmistulang commodities doon ang mga artista.
Take note na sagot ng MMFF at MMDA ang pamasahe ng MMFF stars na kabahagi sa Konsyerto Para Sa Filipino, na dumalo na rin sa MIFF Tribute Gala.

Tapos, hindi man lang pahahalagahan ng MIFF ang MMDA, ang MMFF, at ang concurrent chairman ng MMDA at MMFF ExeComm na si Atty. Don Artes?
Read: Konsyerto Para Sa Filipino, ready na; MIFF, handa na rin ba?
AUDIENCE AWARD
At bakit nag-audience award-award pa sa entries ng 2nd MIFF na tig-iisa lang ng screening? Di ba, Tribute Gala na lang dapat iyon?
Nang makausap ko before si Atty. Artes, sinabi niya sa aking wala nang labanan for awards ang MMFF entries sa MIFF.
Kaya nakakalokah na “ipinilit” ang mga audience award na iyan.
Popularity votes, tapos sasabihing best ganito, best ganyan?!
Humakot ng awards sa MIFF 2025 ang Song of The Fireflies: best picture, best actress (Morissette Amon), best supporting actor (Noel Comia), at best supporting actress (Rachel Alejandro).
Hindi nakasama sa Top 10 official entry ng MMFF 2024 ang Song of The Fireflies.
Ang My Future You, na official entry sa MMFF 2024, ay nanalong best actor (Seth Fedelin) at best director (Cristanto Aquino).
At least, ang Regal, nang i-post nila ang pagkapanalo nina Seth at Direk Crisanto, malinaw na audience best actor at audience best director ang ipinagkaloob sa kanila, respectively.
Hindi misleading!!!

NOEL FERRER
Sa kabilang banda, nag-enjoy naman daw ang mga artista sa Konsyerto Para sa Filipino na in-organize naman ng MMDA at MMFF.
Talagang major-major hit at good reviews!!!
Masaya ang First Lady na si Liza Marcos sa nasabing free concert at hanggang sa after event ay nagpunta siya.
Mabilis na naubos ang libreng tickets for Konsyerto Para sa Filipino, na dinumog at sinuportahan ng ating mga kababayan.
Read: MIFF 2025 at Konsyerto Para Sa Filipino sa U.S., star studded

OPM ARTISTS IN KONSYERTO PARA SA FILIPINO
Ang maganda lang, sobrang saya ng mga kababayan natin sa ginawang culminating activity na Konsyerto Para Sa Filipino na dinumog talaga ng mga Pinoy audience sa Cerritos Center for Performing Arts.
“I’ve done many shows in the past, but this one with our kababayans was simply magical,” sabi ni Jed Madela, who earned a standing ovation sa kanyang performance.
View this post on Instagram
Sabi rin ni Joey Albert, “The Konsyerto was really very special. I felt the warmth and the love of the Pinoy audience once more — and there’s nothing like it, really.”
View this post on Instagram
Si Jaya naman ang nagsabing, “Bongga talaga! Nakakapanindig balahibo kasi naman tayong mga Pinoy, ramdam natin ang isa’t isa kapag mahal natin, di ba?”
View this post on Instagram
At si John Arcilla, ang sabi, “Ito ang parte talaga ng pagpunta namin sa U.S. ko naramdaman ang purpose ng aming pagiging actors, entertainers, artists. Ang saya lang talaga ng konsyerto.”
View this post on Instagram
Tungkol naman sa MIFF, ang sabi lang ng ibang artista at producer from MMFF na nakausap namin — na feeling nagamit sa fundraising sa gala dinner at sa nomination pa ng kung anik-anik na audience awards na misleading talaga sa ilang artcards — “mukhang last na itong ganito.”
Ed's Note: Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng organizers ng Manila International Film Festival 2025 sa isyung ito.
