PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VP Sara Duterte, dismayado sa pagkaaresto ni ex-President Duterte

VP Sara Duterte, lumipad patungong Netherlands para tulungan ang ama.
by PEP Troika
Published Mar 12, 2025
sara & rodrigo duterte
Vice-President Sara Duterte on arrest of her father and former President Rodrigo Duterte: “Nakikita niyo kung ano ang nangyari sa ating bayan. Puro lang propaganda sa panggigipit. Nahihiya ako bilang isang Pilipino sa nangyayari sa ating bayan ngayon.”
PHOTO/S: ABS-CBN News / X (Twitter)

GORGY RULA

Nakapanayam sa aming radio program na Showbiz Talk Ganern sa DZRH si Vice-President Sara Duterte noong Martes ng gabi, March 11, 2025.

Nasa labas ng Villamor Airbase sa Pasay City si VP Sara dahil hindi sila pinayagang makapasok sa loob.

Noong oras na iyon ay nasa loob na ng eroplano ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na ililipad sa The Hague, Netherlands, para harapin ang kasong crime against humanity na isinampa laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

Read: Former President Rodrigo Duterte arrested on ICC warrant over drug killings

Ayon kay VP Sara, wala siyang kaalam-alam kung ano ang kalagayan ng ama sa loob ng eroplano.

“Wala pa po kaming balita dito sa labas kung ano ang nangyayari dito sa loob dahil hindi po kami pinapapasok, at hindi po kami binibigyan ng mga update kung ano ang nangyayari doon sa loob,” saad niya.

Hindi rin daw sila gaanong magkaintindihan ng kanyang ama nang nagkausap sila sa telepono dahil nawawala-wala raw ang signal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maaring naka-jam ang linya kaya hindi raw sila nakapag-usap nang maayos.

Pagbabahagi ni VP Sara: “Binigyan ko siya ng instructions galing sa abogado at sinabi niya sa akin na umuwi na lang daw muna ako.

“Pero sinabihan ko siya na kailangan ko din na i-meet yung mga abogado niya doon kung saan man siya pupunta.”

VP SARA DUTERTE ON EFFORTS TO STOP HER FATHER'S FLIGHT TO THE HAGUE

Nang makausap ng DZRH is VP Sara, naghahanda na ang paglipad ng chartered jet na maghahatid sa dating Pangulo patungong The Hague.

Sinisikap daw nilang hindi matuloy ang paglipad o maibalik sa bansa ang kanyang ama.

rodrigo duterte jet
Photo/s: Kitty Duterte Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni VP Sara: “Kailangan pa po namin mag-meeting ng mga lawyers at pag-uusapan kung ano ang gagawin sa mga susunod na mga araw.

“Ang ginagawa namin ay nag-iisip tayo dito ng paraan kung paano hindi makaalis…. hindi mapaalis si President Rodrigo Duterte.

“Ang susunod ngayon ay makipag-usap sa kanyang mga abogado kung saan man.”

Read: VP Sara Duterte nagbitiw bilang DepEd secretary

VP SARA SUSPECTS POLITICKING BEHIND FORMER PRESIDENT'S ARREST

Sabi pa ni VP Sara, nakakahiya itong nangyayari ngayon dahil pamumulitika raw itong ginawa sa kanyang ama.

“Sa tingin ko naman kasi lumalakas na kasi ang mga kandidato ng PDP Laban... mukhang mananalo. Baka hindi kayanin ng dayaan.

“So, kailangan nilang tanggalin ang pinakamalakas na campaign manager ng PDP candidates, at siyempre ilihis yung usapan kung ano man yung totoong problema ng bayan natin, tulad ng pagtaas… sobrang taas ng presyo ng pagkain, wala nang kinakain ang mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi na maayos yung kanilang araw-araw na pagkain, at problema… nakita niyo naman yung kinuwestiyon na budget ng PhilHealth, nakita niyo naman nung kinuwestiyon na mga blangko doon sa ating budget.

“Nakikita niyo kung ano ang nangyari sa ating bayan. Puro lang propaganda sa panggigipit."

Dagdag pa niya, “Nahihiya ako bilang isang Pilipino sa nangyayari sa ating bayan ngayon.”

Pagkatapos ng aming panayam kay VP Sara sa DZRH, eksaktong 11:03 ng gabi ay lumipad na ang eroplanong Gulfstream G550 lulan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama niya sa eroplano si dating executive assistant Salvador Medialdea, isang nurse, at isang taga-PNP.

Lumapag ang eroplano sa Dubai ng pasado alas-otso ng umaga ngayong Miyerkules, March 12, para sa refueling.

Pagkatapos nito ay didiretso na sila sa Netherlands.

rodrigo duterte arrest
Former President Rodrigo Duterte with former executive secretary Salvador Medialdea aboard the Gulfstream G550 that will take them to The Hague, Netherlands.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ngayong Miyerkules, 7:40 ng umaga, ay lumipad na rin si Vice-President Sara Duterte patungong Amsterdam, Netherlands.

Hindi sila magkasabay umalis ng kapatid niyang si Davao City representative Paolo Duterte.

ATTY. PANELO SUBMITS PETITION FOR A WRIT OF HABEAS CORPUS

Naglabas naman ng pahayag si Atty. Salvador Panelo na magpa-file sila ng kanyang anak na si Atty. Salvador Panelo Jr. ng petition for a writ of habeas corpus laban sa Marcos administration.

Nakasaad dito: “I and my son, Atty. Salvador Panelo Jr., will be filing a petition for writ of habeas corpus, March 12 against the Philippine government for detaining a Filipino citizen, former President Rodrigo Duterte, kidnapping him, and surrendering him to a foreign institution.

“The petition will ask the Supreme Court to compel the government to bring him back, and for it to account for its constitutional transgressions on the rights of PRRD, and its unpatriotic and abject surrender of the country’s sovereignty to ICC, that has no jurisdiction over the former.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The petitioner will be Veronica A. Duterte, the former president’s daughter.”

Read: Kitty Duterte on fighting mode after ex-President Rodrigo Duterte's arrest

HEIGHTENED ALERT

Ngayon ay itinaas na ng PNP sa heightened alert ang buong bansa.

May ilang nagpo-post na magkakaroon daw ng hunger strike ang ilang supporters ng dating Pangulo, pero hindi pa ito kumpirmado.

Nakabantay na rin ang mga kapulisan sa EDSA.

NOEL FERRER

Hay Pilipinas, kailan ka matututo?

Nakikita na, pumipikit ka pa…

Nabuwag na ang UniTeam.

Sayang ang pagkakataong mapabuti natin ang bansa natin.

Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Magmasid at maging mapanuri ngayon.

Itong mga bumibida ngayon ang gugustuhin ninyo sa susunod na eleksyon?

Read: FULL COPY: ICC Warrant of Arrest for Mr. Rodrigo Roa Duterte

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice-President Sara Duterte on arrest of her father and former President Rodrigo Duterte: “Nakikita niyo kung ano ang nangyari sa ating bayan. Puro lang propaganda sa panggigipit. Nahihiya ako bilang isang Pilipino sa nangyayari sa ating bayan ngayon.”
PHOTO/S: ABS-CBN News / X (Twitter)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results