PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mon Confiado, nasaksihan ang pag-e-evolve ni Heaven Peralejo

Mon: "Gamay na gamay na namin ni Heaven ang isa’t isa."
by PEP Troika
Published Mar 12, 2025
mon confiado heaven peralejo lilim
Mon Confiado, pinuri ang pag-arte ni Heaven Peralejo: "Dito sa Lilim, pinakita niya na talaga. Siya ang lead actress dito, and napakagaling. Pati mga nuances, at yung emotions niya, ang ganda. Ang galing ni Heaven!"
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Apat na beses nang nagkatrabaho sina Heaven Peralejo at Mon Confiado.

Una ay sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022 entry na Nanahimik Ang Gabi, na tinampukan din ni Ian Veneracion, sa direksiyon ni Shugo Praico.

Sumunod ay sa The Fisher ni Direk Paul Soriano na ipinalabas sa international film fests, sa teleserye ng TV5 na Lumuhod Ka Sa Lupa, at sa horror film na Lilim na idinirek ni Mikhail Red.

Read: Mon Confiado at Ian Veneracion, nanghihinayang na hindi nanalong Best Actress si Heaven Peralejo

"Gamay na gamay na namin ni Heaven ang isa’t isa," sabi ni Mon.

Nakapanayam si Mon matapos ang premiere screening ng Lilim nitong Marso 10, 2025, Lunes, sa The Block ng SM North EDSA, Quezon City.

"Nakakatuwa na every time na magkasama kami ay maganda ang kinakalabasan ng project.

"I’m so honored na makatrabaho si Heaven uli."

Nakita ni Mon ang improvement ni Heaven, ang pag-e-evolve nito bilang aktres, though sa Nanahimik Ang Gabi ay nagpakitang-gilas na ito at kinilala ang kahusayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-ayon ni Mon, “Oo, actually, sa first film pa lang namin, nakita ko na talaga na meron talaga siya, e.

"Dito sa Lilim, pinakita niya na talaga. Siya ang lead actress dito, and napakagaling. Pati mga nuances, at yung emotions niya, ang ganda. Ang galing ni Heaven!"

Lilim starring Heaven Peralejo

LILIM

Ang setting ng Lilim ay taong 1983, sa isang lugar sa Northern Luzon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang noong Agosto 21, 1983 in-assassinate si Ninoy Aquino paglapag ng eroplano niya sa bansa.

Sa istorya ng Lilim, pinatay ni Issa (karakter ni Heaven) ang abusadong ama.

Isinama ni Issa ang kapatid na si Tomas (Skywalker David) upang magtago.

Sina Mon Confiado at Rafa Siguion-Reyna ang gumanap bilang mga imbestigador na tumugis sa magkapatid.

Nasa cast din ng Lilim sina Ms. Eula Valdes, Ryza Cenon, Nicole Omillo, Phoebe Walker, at Gold Aceron.

Ayon sa X account ng Viva Films, palabas ang Lilim umpisa ngayong Marso 12, Miyerkules, sa 157 sinehan nationwide — 50 sa Metro Manila, 67 sa Luzon, at 40 sa VisMin.

Read: Heaven Peralejo recounts a haunting experience at former condo unit

NOEL FERRER

Heaven Peralejo is mothering in Lilim, the scariest movie this summer. Hanash iyan ng ilang nakapanood na ng pelikula.

May dayalog si Heaven sa movie na, “My brother is not a pig!”

Classic line iyan ni Nora Aunor sa protest drama film na Minsa’y Isang Gamu-gamu (MMFF 1976), na idinirek ni Lupita Aquino-Kashiwahara.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Direk Lupita ay sister ni Ninoy Aquino.

Sa istorya ng Lilim, gumanap sina Ms. Eula Valdes, Ryza Cenon, Nicole Omillo, at Phoebe Walker bilang mga madre sa Helping Hand Orphanage.

Members sila ng kulto na sumasamba sa Ina, kay Lilith. Sa Mesopotamian and Jewish mythology, si Lilith ay isang she-demon na unang asawa ni Adan.

Sinasabing pinalayas si Lilith sa Hardin ng Eden dahil hindi niya sinunod ang kanyang asawa. Ang karakter ni Lilith ay in-explore sa mga aklat, pelikula, TV shows, musika, anime, manga, at games.

Pitong foreign movies ang kasabay ng Lilim na nag-open ngayong Marso 12 sa ating mga sinehan — Ne Zha 2, Novocaine, The Day The Earth Blew Up, You Are the Apple of My Eye, ang exclusive sa Ayala Malls cinemas na Bonhoeffer: Pastor. Spy. Assassin, at ang exclusive sa SM cinemas na 404, at Babygirl.

Movies showing in cinemas on March 12, 2025
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Heaven likens invisible string theory to relationship with Marco

GORGY RULA

Sunud-sunod ang pagpapalabas ng projects ni Mon Confiado.

Noong Pebrero 18 ay nag-streaming for free sa YouTube ang pelikula niyang The Expat, na idinirek ni Alexander G. Segal.

Nag-sign off ang karakter niyang Marcus Soldado sa teleseryeng Lumuhod Ka Sa Lupa ng TV5 noong Marso 4.

Noong nakaraang Miyerkules, Marso 5, ipinalabas sa local cinemas ang pelikulang In Thy Name kunsaan gumanap siya bilang Abu Sabaya.

Mon Confiado scenes in In Thy Name
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Miyerkules, Marso 12, showing naman sa mga sinehan ang Lilim kunsaan gumanap siya bilang imbestigador na si Fred.

Co-star si Mon nina Kylie Padilla at Sharmaine Arnaiz sa Magpakailanman episode na "From Hooker to Housekeeper" sa Marso 15, Sabado ng 8:15 P.M., sa GMA.

Coming soon din sa GMA ang episode niyang "Lihim ni Kap" sa Wish Ko Lang.

Ikinakasa na ang streaming ng pelikulang Bansa (Motherland) kung saan pumapel siya bilang Balleteros, lider ng PNP SAF na minasaker noong Enero 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao del Sur.

MON CONFIADO AS EMILIO AGUINALDO

Sa susunod na linggo ay magsu-shoot na si Mon sa pelikulang Quezon kunsaan bida si Jericho Rosales. Ang papel niya ay si Hen. Emilio Aguinaldo (1869-1964).

Read: Mon Confiado, kinilabutan kay Jericho Rosales bilang Quezon

“Sa trilogy ng bayaniverse from Heneral Luna to Goyo: Ang Batang Heneral and now yung Quezon, si Emilio Aguinaldo yung parang common denominator nung mga pelikulang yon,” sabi ni Mon sa isang hiwalay na panayam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatsikahan namin si Mon sa private screening ng Bansa (Motherland) sa The Secret Garden, Mandaluyong City.

"Dahil sa haba ng buhay ni Aguinaldo! Ilang presidente ang nadaanan niya!”

Siyempre, similar ang buhok niya sa tatlong pelikula sa bayaniverse ng TBA Studios, sa direksiyon ni Jerrold Tarog.

mon confiado as emilio aguinaldo
Mon Confiado as Emilio Aguinaldo
Photo/s: TBA Studios
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, di ba, kung mapapansin mo, itong buhok ko, parang puma-flat tops na, uma-Aguinaldo na,” sambit ni Mon.

“Nag-look test kasi kami nung nakaraan, pero hindi pa ako nagpu-full blast as Emilio Aguinaldo.

“Actually, eto na, may tinapos lang akong pictorial para sa ine-endorse kong coffee shop and starting tomorrow, magpe-prepare na ako for Emilio Aguinaldo for Quezon.

“Kasi kakaibang Emilio Aguinaldo yung execution dito. For one, mas matanda na si Aguinaldo. Hindi na siya general.

“By this time, 66 na siya. 1935 setting, 66 na si Aguinaldo. So ibang Aguinaldo ito.”

Read: Mon Confiado reveals struggle in "de-roling" after shooting Nanahimik ang Gabi

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mon Confiado, pinuri ang pag-arte ni Heaven Peralejo: "Dito sa Lilim, pinakita niya na talaga. Siya ang lead actress dito, and napakagaling. Pati mga nuances, at yung emotions niya, ang ganda. Ang galing ni Heaven!"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results