PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBB Celebrity Collab: Ivana Alawi, "kinukuyog" ng male housemates

My Ilonggo Girl, tumataas ang rating mula nang magsimula ang PBB.
by PEP Troika
Published Mar 13, 2025
pinoy big brother celebrity collab
EYE CANDIES INSIDE THE PBB HOUSE: (Left) Ivana Alawi; (inset, top) River Joseph and Dustin Yu; (inset, bottom) Josh Ford, Ralph de Leon, and Will Ashley.

GORGY RULA

Mukhang nakatulong ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition sa My Ilonggo Girl dahil tumaas ang viewership nito nang nagsimula ang reality show na collab ng GMA-7 at ABS-CBN.

Noong Lunes, March 10, 2025, ay naka-5.1% ang PBB, at mukhang inaabangan ito ng marami.

Sa My Ilonggo Girl pa lang ay marami na ang nanood, kaya naka-7.9% ito.

Noong Martes, March 11, ay 4.8% ang PBB, ang My Ilonggo Girl ay 8.1%, at ang Saving Grace ay 5.4 percent.

Read: Kapamilya, Kapuso housemates for PBB Celebrity Collab revealed

HAPPENINGS INSIDE BAHAY NI KUYA

Pinag-uusapan nang husto sa social media ang mga nagaganap sa Bahay ni Kuya.

Kinukuyog ng boys si Ivana Alawi.

Pati ang pagbibigay ni Mavy Legaspi ng tubig sa seksing aktres ay may isyu sa netizens.

ivana alawi pbb celebrity collab
Ivana Alawi takes a shower outside the PBB house
Photo/s: Kapamilya Channel
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May drama rin si Ashley Ortega, at may isyu rin ang closeness nina Brent Manalo at Esnyr.

esnyr & brent manalo pbb celebrity collab
Esnyr and Brent Manalo

Pero kilig-kiligan pa rin ang kabadingan kina River Joseph, Josh Ford, Dustin Yu, at pati kina Will Ashley at Ralph de Leon.

river joseph & dustin yu pbb
River Joseph and Dustin Yu
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
josh ralph will pbb celebrity collab
Josh Ford, Ralph de Leon, and Will Ashley

Narito ang ratings ng iba pang programa sa primetime noong Martes, March 11...

Ang 24 Oras ay 14%, ang Lolong: Bayani ng Bayan ay 9.3%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 17.1%.

Kasunod ang Mga Batang Riles na 8.7%, at ang Incognito at 10.7%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Sinu-sino ang agaw-pansin sa Day 1 ng PBB Celebrity Collab?

NOEL FERRER

Narito ang iba pang TV ratings noong Lunes, Marso 10...

Ang TiktoClock ay naka-2.6%.

Ang It’s Showtime ay 6.4%, at ang Eat Bulaga! ay 3.5%.

Ang Prinsesa ng City Jail ay 6.3%, ang Mommy Dearest ay 6.6%, at ang Binibining Marikit ay 5.9%.

Less than 1% ang ratings ng replay ng Huwag Kang Mangamba at Viral Scandal.

Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 4.1%. Ang Wil to Win ay 1.0%.

Ang Perfect Marriage Revenge ay 3.0%.

Pinakamalakas muli sa mga programa sa hapon ang Family Feud na naka-7.6%.

Naglaban sa nasabing episode ang cast ng Liwanag sa Dilim musical at ang Sugarcane.

Ang nagbalik na Meteor Garden ay 1.1%, at ang Frontline Pilipinas ay 2.4%.

JERRY OLEA

Abang-abang ang mga accla at inday badidang sa mga pa-Felix Bacat ng boys sa PBB Collab. Pinapakalat ang mga iyon sa TikTok!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukhang nadaragdagan ang supporters ni Michael Sager dahil sa exposure niya sa PBB.

mchael sager pbb celebrity collab
Michael Sager

BATANG QUIAPO CONTINUES REIGN

Samantala, patuloy ang pamamayagpag ng FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

Iyong taxi na nasakyan ko kahapon, paulit-ulit na pinapanood o pinapakinggan sa kasagsagan ng trapik ang highlights sa recent episodes ng FPJ’s Batang Quiapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga panghapong drama series ng Kapuso Network ay consistent na weakest link ang Binibining Marikit.

Dapat sigurong “magbago” ang Lolong: Bayani ng Bayan at Binibining Marikit, o tapusin na ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Read: Binibining Marikit, hindi pa humahataw nang todo sa ratings

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
EYE CANDIES INSIDE THE PBB HOUSE: (Left) Ivana Alawi; (inset, top) River Joseph and Dustin Yu; (inset, bottom) Josh Ford, Ralph de Leon, and Will Ashley.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results