PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Glaiza de Castro handa nang magka-baby sa asawang si David Rainey

Glaiza de Castro, espesyal para sa kanya ang pelikulang Sinagtala.
by PEP Troika
Published Mar 13, 2025
glaiza de castro & david rainey
Glaiza de Castro on having a baby with husband David Rainey: “Ayoko naman din i-pressure yung sarili ko, i-pressure kaming dalawa ni David. Kasi ang hirap din ng sitwasyon namin na paganun-ganun din kami. Pero nananalig ako na kapag dumating yun, si Lord yung nagbigay nun. Siya ang nakakaalam kung kailan darating yung order ko.”
PHOTO/S: @glaizaredux on Instagram

GORGY RULA

Kasisimula pa lang ng media conference ng pelikulang Sinagtala noong Martes, Marso 11, 2025 sa Seda Vertis North hotel ay naging emotional na si Glaiza de Castro.

Hindi niya napigilang maluha nang napag-usapan ang kahalagahan ng musika sa kanilang buhay.

Nagulat din kami nang bigla na siyang napaluha, na sinabi niyang baka nag-PMS (pre-menstrual syndrome) lang siya.

Biniro ko ang Kapuso actress na baka may something na sa sinapupunan niya kaya iba ang mood niya at naging emotional siya.

Hindi naman daw, sabi ng singer/actress.

Read: Glaiza de Castro reacts to Ken Chan facing syndicated estafa raps

GLAIZA AND DAVID ARE NOW READY

Pero sakaling bibiyayaan na raw silang mag-asawa ng baby, handa na rin daw sila ni David Rainey at gusto na rin naman daw nila.

“Ready na kami. Pinagpi-pray lang namin kung kailan,” bulalas ni Glaiza.

“Isa yan sa hinihiling ko rin kay Lord. Pero kung kailan Niya ibigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayoko naman din i-pressure yung sarili ko, i-pressure kaming dalawa ni David.

"Kasi ang hirap din ng sitwasyon namin na paganun-ganun din kami. Pero nananalig ako na kapag dumating yun, si Lord yung nagbigay nun.

“Siya ang nakakaalam kung kailan darating yung order ko.”

Noong bagong kasal pa lang kasi si Glaiza ay sinasabi niya noon na ayaw muna nilang magka-baby para may sapat pa silang panahon sa isa’t isa.

Pero ngayon ay handa nang maging mommy si Glaiza.

Read: Glaiza de Castro, hindi pa handang maging isang ina

glaiza de castro husband david rainey
Glaiza de Castro and husband David Rainey
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Iba ang dating kay Glaiza de Castro ng pelikulang Sinagtala na idinirek ni Mike Sandejas kaya siguro nagiging emotional siya kapag pinag-uusapan ito.

Kasama niya rito sina Rhian Ramos, Rayver Cruz, Matt Lozano, at Arci Muñoz.

Ginagampanan nila rito ang members ng isang banda na tinawag nilang Sinagtala.

Si Glaiza gumaganap bilang leader ng kanilang banda.

sinagtala cast
Sinagtala cast: (from left) Rayver Cruz, Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Arci Munoz, and Matt Lozano
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko alam talaga kung anong meron sa pelikulang ito at napaka-emotional,” sambit ni Glaiza.

“Pero ayun nga, dahil siguro maraming mga moments ng movie na ito na talagang nakaka-relate ako. Kasi katulad ni Rhian, music talaga is outlet po talaga sa akin.

“Sobrang grateful ako na sa industriya na ito, nakakagawa ako ng kanta, na-share ko din sa mga followers ko. Pero hindi rin po talaga ako ng tipo ng tao na bumibirit, e.

“Ang dami ko ring insecurities pagdating sa boses ko, kaya kong gawin as a singer.

"Pero dahil nga mahilig kami sa pamilyang kumanta at bata pa lang ako ay na-train na akong kumanta.

“Parang feeling ko lang…dumating na rin ako sa age na niyakap ko rin yung boses ko.

“And through this film, parang nagkaroon ako ng bagong purpose sa life as a band leader. Wow!” bulalas pa ni Glaiza.

Read: Arci Munoz, ilang beses iniligtas ng K-pop group na BTS

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Proud si Glaiza de Castro sa pelikulang Sinagtala, na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan umpisa Abril 2, 2025.

“Proud ako sa mga kasama ko dito. Kasi, hindi po ito parang… mineant talaga ni Lord na mabuo kaming lima,” pahayag ni Glaiza.

“Maraming na-consider for the roles, pero siguro, talagang si Lord yung nag-orchestrate na kami yung mabuo.

“Kasi ang hirap po nung mga schedule namin! Parang ang surreal pa ring isipin na kasama ko sila sa pelikula na ito.

“Kasi hindi ito normal na nangyayari, na kaming lima po ay magkasama-sama.

“Siguro nung mga bata pa kami, yan sina Rayver. Kumbaga, parang si Arci, matagal ko na siyang kakilala pero ngayon lang tayo nagkasama sa pelikula.

“Si Matt, nakatrabaho ko na rin pero sa pelikula. So, sobrang proud po ako dito sa pelikula na ito.

“And I’m also proud kay Direk Mike Sandejas. Kasi, napakapersonal po ng kuwento na ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung matatanong niyo po siya, matagal na po niya itong naisulat. Pero ngayon, may ibang meaning na ang pelikulang ito.

“At sana po, iyong meaning na yun ay mangusap din sa inyo pag napanood ninyo.”

CHASING YOUR DREAMS

Base sa trailer ng Sinagtala, tungkol ito sa pag-chase ng dreams.

Paano siya naka-relate sa story ng movie?

“Hindi lang dun sa pangarap, e, kundi dun sa purpose. Di ba? Nandun yung message kanina ng purpose dun sa trailer,” pagmamatwid ni Glaiza.

“Kasi hindi naman natatapos yung mga pangarap natin, e. Kahit na, nung mga bata tayo, ang pangarap lang natin, gusto nating maging artista, or astronaut.

“Ganun or whatever, doktor. Tapos nung naging artista ka na, nag-iba naman na yung pangarap mo.

“Nag-asawa ka, nag-iba ulit yung pangarap mo. Pero yung pangarap na yun, may kaakibat na purpose.

“Kasi kung ang pangarap mo ay pansarili lang, parang walang fulfillment.

“Parang siguro sa akin, hinahanap ko through this film, hinahanap ko yung, ano yung purpose ko ulit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi may mga bago akong pangarap pero ano yung purpose ng mga pangarap na yun? Bakit ko siya gustong makamit?

“Bakit ko siya gustong pag-effort-an? Kasi nandun yung fulfillment para sa akin. So, dun siguro nangusap yung pelikula sa akin.”

Read: Glaiza de Castro's message to single ladies who are looking for "The One"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro on having a baby with husband David Rainey: “Ayoko naman din i-pressure yung sarili ko, i-pressure kaming dalawa ni David. Kasi ang hirap din ng sitwasyon namin na paganun-ganun din kami. Pero nananalig ako na kapag dumating yun, si Lord yung nagbigay nun. Siya ang nakakaalam kung kailan darating yung order ko.”
PHOTO/S: @glaizaredux on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results