JERRY OLEA
Nanguna ang Guilty Pleasure sa listahan ng Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix.
Kahapon, Marso 12, 2025, Miyerkules, nag-umpisa ang streaming ng nasabing Regal movie na pinagbidahan ni Lovi Poe.
Ang dalawang leading men niya rito na sina Jameson Blake at JM de Guzman ay parehong may butt exposure.

Nasa cast din ng Guilty Pleasure si Dustin Yu, na isa sa housemates ng PBB Celebrity Collab.
Read: Lovi, Jameson, JM mapangahas ang mga eksena sa Guilty Pleasure
Ilang araw kayang mananatili sa top spot ang Guilty Pleasure?
Nag-umpisa nang mag-streaming today sa Netflix PH ang pelikulang Crosspoint starring Carlo Aquino and Takehiro Hira.

Sa Marso 20 naman ang streaming ng Mujigae, kung saan tampok sina Alexa Ilacad, K-drama actor Kim Ji-soo, Richard Quan, and introducing child star Ryrie Sophia.
Nasa cast din sina Rufa Mae Quinto, Kate Alejandrino, Donna Cariaga, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala, at Peewee O'Hara.

Iyong Sosyal Climbers nina Maris Racal at Anthony Jennings ay nine consecutive days na No. 1 movie sa Netflix PH — mula Pebrero 28, Biyernes, hanggang Marso 8, Sabado.
Ang Balota ni Marian Rivera ay naligwak sa Top 10 Movies list noong Marso 4.
Read: Maris-Anthony movie at TV show, parehong No. 1 sa Netflix
TOP 10 MOVIES ON NETFLIX
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Guilty Pleasure
- Plankton The Movie
- Eye for An Eye
- Delicious
- Sosyal Climbers
- Demon City
- Terminator Salvation
- Just Go With It
- Counterattack
- Venom: The Last Dance
NOEL FERRER
Three-consecutive days na nanguna ang sci-fi action series na HALO sa talaan ng Top 10 TV Shows sa Netflix Philippines — mula Marso 6, Huwebes, hanggang Marso 8, Sabado.
Kinabog iyon ng South Korean limited series na When Life Gives You Tangerines, na No. 1 mula Marso 9, Linggo, hanggang ngayon, Marso 13, Huwebes.
Bida rito sina IU at Pak Bo-gum.

Iyong comedy special ni Alex Calleja na Tamang Panahon ay naligwak na sa Top 10 noong Marso 11, Martes.
Read: Hello Love Again at Tamang Panahon, parehong No. 1 sa Netflix
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- When Life Gives You Tangerines
- Incognito
- Sakamoto Days
- The Healer Who Was Banished From His Party, Is, In Fact, The Strongest
- HALO
- Solo Leveling
- Medusa
- The Potato Lab
- Connection
- Running Point
GORGY RULA
Netflix ang kasagutan para makabawi-bawi ang producers na patuloy pa rin sa paggawa ng pelikula.
Marami na akong alam na mga gumigiling na pelikula para sa Netflix at wala pa silang balak magkaroon ng theatrical release.
Pero hindi pa puwedeng i-disclose, at gusto ng Netflix na sila ang unang mag-announce.
Meron akong dinaluhang story conference ng isang movie project na pagsasamahan nina Paolo Contis at Beauty Gonzalez.
Kukunan ang kabuuan ng pelikula sa Vietnam na ididirek ni Sid Pascua.
Ang 3:16 Media Productions ang producer nito na mas naka-focus na ngayon sa mga pelikulang pang-Netflix at iba pang streaming service.
May mga pelikula pa rin tayong nakatakdang ipalabas sa sinehan, pero nakipag-deal na rin ang producers nito sa Netflix para kahit paano ay kumita naman sila.
