PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, weekly ka-bonding sina John Lloyd at Patrick

Paolo Contis, papasok sa cast ng Mga Batang Riles.
by PEP Troika
Published Mar 13, 2025
Paolo Contis with John Lloyd Cruz and Patrick Garcia bonding moment at unnamed location
Paolo Contis (center) on friendship with John Lloyd Cruz (left) and Patrick Garcia (right): "Pero hindi kami nagkikita dahil ang purpose namin ay magtrabaho na magkakasama, di ba? Parang ang saya-saya na nakapagkita kami, nakakuwentuhan ng mga bagay-bagay.”
PHOTO/S: @paolo_contis Instagram

GORGY RULA

Papasok na sa Mga Batang Riles ang karakter na gagampanan ni Paolo Contis, bilang si Jackson Romano na lider ng isang sindikato.

Read: Paolo Contis says he's now single amid breakup rumors with Yen

Kontrabida siya rito at talagang matindi raw ang kabuktutan ng karakter niya.

Makakasagupa niya ang mga batang riles na ginagampanan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, at Anton Vinzon.

Ilang araw na rin siyang nagte-taping, pero si Bruce Roeland pa lang ang nakakaeksena niya.

Wala raw siyang problema sa mga batang bida ng Kapuso primetime series.

"Very professional, always wiling to learn, always listens naman. Baka this week ko makakatrabaho ang buong cast.

"Nakatrabaho ko naman sila, si Miguel, si Kokoy. Si Anton ang first time kong maka-work.

"Pero I’m sure... I’ve heard good things about him," saad ni Paolo.

PAOLO'S MOVIE WITH BEAUTY GONZALEZ

Nakatsikahan ko si Paolo sa meeting niya sa 3:16 Media Productions kasama si Beauty Gonzalez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited si Paolo sa proyektong pagsasamahan nila ni Beauty, at ididirek ni Sid Pascua.

Finally, matutuloy na rin daw ang tambalang "Beauty-Contis."

Light lang daw ang project na isu-shoot nila sa Vietnam.

Paolo Contis and Beauty Gonzalez to pair up in a movie to be shot in Vietnam.
BEAUTY-CONTIS TANDEM: Paolo and Beauty
Photo/s: Gorgy Rula

Pangalawang pelikula na ito ni Paolo sa 3:16 Media.

Ang una niyang ginawa ay ang Lost and Found, na dinirek ni Louie Ignacio, at kinunan sa New Zealand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natutuwa si Paolo dahil kinuha siya uli ng produksiyon, at nagkasundo sila rito ng producer na si Ms. Len Carillo.

Kuwento ng aktor: "Naging kaibigan ko sila sa New Zealand. Sobrang maalaga naman ang 3:16 Media.

"That’s why when they called me para gawin itong pelikula sa Vietnam with Beauty Gonzalez, I was very excited.

"Nabasa ko na ang script, it’s fun, it’s light. I’m very thankful na kinuha nila ako ulit," pakli ng Kapuso actor.

Paolo Contis and Beauty Gonzalez to pair up in a movie to be shot in Vietnam.
Cast of the movie: (L-R) Mon Mendoza, Kelley Day, Paolo, Beauty, Yurii Choi, and Charles Kumar
Photo/s: Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagpapasalamat din si Paolo sa GMA-7 dahil tuluy-tuloy na ang trabaho niya.

Bukod sa ilang pelikulang nagawa niya, regular ang taping niya sa Mga Batang Riles at ang gag show nilang Bubble Gang.

Read: Paolo Contis afraid of daughters dating someone like him

NOEL FERRER

Marami na rin ang nakakapansin sa madalas na pagkikita ni Paolo Contis at ng mga kaibigan niya sa Tabing Ilog na sina John Lloyd Cruz at Patrick Garcia.

Ang Tabing Ilog ay ang weekly drama show ng ABS-CBN na pinagbidahan nina John Lloyd, Paolo, Patrick, Baron Geisler, Kaye Abad, Jodi Sta. Maria, at Desiree del Valle mula 1999-2003.

Meron ba silang pinag-uusapang project na pagsasamahan nilang magkakaibigan?

"Hindi mawawala yung plano," pag-amin ni Paolo.

"Ang sa amin, siyempre napapag-usapan, we always think that we want to do something.

"Ngayon, pag mag-materialize, bakit hindi? Yun naman yun.

"Pero hindi kami nagkikita dahil ang purpose namin ay magtrabaho na magkakasama, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, naging maganda yung weekly nagkikita kami. Parang ang saya-saya na nakapagkita kami, nakakuwentuhan ng mga bagay-bagay.”

Paolo Contis with John Lloyd Cruz and Patrick Garcia
Patrick, John Lloyd and Paolo's photo at a get-together last January
Photo/s: @paolo_contis Instagram

Read: Paolo at Patrick, tahimik tungkol sa isyu sa nawalay na mga anak

JERRY OLEA

Pero may binabalak bang pelikula o TV show sina Paolo, John Lloyd, at Patrick?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes. We’re hoping na may magawa kami na sana matuloy,” sambit ni Paolo.

“We will see. Of course, marami yan, e. Puwedeng movie... May napapag-usapan kaming project, hindi mawawala yan, e.”

Mukhang handa naman si Lloydie na magpaka-active uli sa pag-arte.

"Alam mo, si John Lloyd, hindi mawawala yung pagiging aktor, yung pagiging artist niya," ani Paolo.

"I think, we will just take the right project, the right cast, for him to want to really work. Hindi mawawala yun.

"Nasa dugo na ni John Lloyd ang pagiging artista. I think siyempre sa dami ng mga nagawa na niya, ang gusto naman niya, iba-iba."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis (center) on friendship with John Lloyd Cruz (left) and Patrick Garcia (right): "Pero hindi kami nagkikita dahil ang purpose namin ay magtrabaho na magkakasama, di ba? Parang ang saya-saya na nakapagkita kami, nakakuwentuhan ng mga bagay-bagay.”
PHOTO/S: @paolo_contis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results