GORGY RULA
Nakakalungkot pa rin ang resulta ng mga pelikulang nag-showing ngayong linggo.
Ang horror film ng viva Films na Lilim ang only local film na nagbukas noong Miyerkules, Marso 12, 2025.
Ayon sa aming reliable source, halos PHP800,000 ang kinita nito sa first day of showing.
Tingnan natin kung tataas pa ito this weekend, dahil maganda naman daw ang pelikula.
Inaalam pa namin kung nagpa-block screening ba ang fans ni Heaven Peralejo para sa pelikulang ito.
Read: Eula Valdes on ghost sightings: "Nasanay na lang ako."

BLOCK SCREENING
Nakakagaan sa pakiramdam ng ilang producers kapag merong mag-sponsor ng block screening.
Kahit paano, may nababalita tungkol sa pelikula nila na sinusuportahan ng mga malalapit na kaibigan.
Kagaya ng pelikulang Everything About My Wife, kinumusta ko ang direktor nito na si Real Florido, kinumpirma niya sa aming may mga nakatakda pa raw na release sa ibang bansa pagkatapos itong magkaroon ng screening sa Manila International Film Festival.
Mabuti at may nagpapa-block screening pa ng pelikula nila, kagaya ng ini-sponsor ng Beautederm CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan noong March 6 sa SM City Telebastagan, Pampanga.
Dinagsa ito ng mga Kapampangan fans na ikinatuwa nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Sam Milby.

“I’ve been part of Beautederm for over three years, and ever since, napakabait talaga ni Miss Rhea.
“Napaka-supportive niya at super thankful kami for the support she’s given us para sa movie namin,” sabi ni Sam.
“Basta proud ako sa mga Beautederm babies ko,” bulalas ni Ms. Rhea Tan.
Si Dennis Trillo pala ay malapit na ring ilunsad bilang Belle Dolls ambassador.
Read: Jennylyn Mercado: "Yung cheating, di ko yun tatanggapin."

JERRY OLEA
Si Tutok To Win party-list representative Sam Versoza naman ay nangakong magpapa-block screening din siya ng pelikulang Sinagtala, kung saan isa sa bida rito ay ang kanyang girlfriend na si Rhian Ramos.
Kasama rin sa cast sina Glaiza de Castro, Rayver Cruz, Arci Munoz, at Matt Lozano.
Magpapa-block screening daw siya sa ilang sinehan sa Maynila.

WORD OF MOUTH
Sa April 2 na ang showing ng Sinagtala at kampante ang direktor nitong si Mike Sandejas na tatangkilikin ito dahil sa word of mouth.
Naniniwala siyang madadala ito ng lead stars niya.
“These kids are really popular,” bulalas ni Direk Mike Sandejas sa mediacon.
“Hindi siya musical na alam mo yung parang Broadway musical, no? So, they’re band. They play music, but it’s a drama.
“It talks about... it talks about life. It’s something relatable.
“You have this five, sa Instagram followers lang ng mga ito, ilang milyon na yan.
“Pangalawa, yung music po namin, I can say we have one of the best musical soundtracks in Philippine cinema history.
“I think the story itself, is something that you know anyone can relate to. And it’s very relevant.
“And there are a lot of twists and turns in the film as well, that people will hopefully will talk about.
“As long as we get some enough people to go in the first day, I think we have the word of mouth.
“I think we have all the elements of a good film,” saad ni Direk Mike.
Read: Arci Munoz, ilang beses iniligtas ng K-pop group na BTS
2N2 PUREGOLD CINEPANALO FILMFEST
Samantala, umpisa na ngayong Biyernes, Marso 14, ang 2nd Puregold Cinepanalo filmfest sa anim na sinehan ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.
Tatagal ito hanggang Marso 25 ito.
Ang halaga ng tiket for each movie or set of short films ay PHP250 (regular price) at PHP200 (students, PWDs, senior citizens, Aling Puring members) — at may kasama na iyong sandamukal na grocery items.

Tatlo ang block screening today ng Co-Love sa Gateway Mall 1.
Bida sa Co-Love sina Alexa Ilacad, KD Estrada, Kira Balinger, at Jameson Blake.
Naglabas na ng nominees ang CinePanalo 2025 sa Facebook page ng Puregold.
Read: Docu film sa West Philippine Sea, pasok sa 2nd CinePanalo

NOEL FERRER
Napag-alaman din ng PEP Troika na ang pelikulang Mananambal nina Nora Aunor at Bianca Umali ay naka-PHP4M daw ang overall na kinita nito.
May ibang sinehan na nag-showing uli ng naturang pelikula.
Read: Kumusta ang pelikula nina Nora Aunor at Bianca Umali sa takilya?

Marami pa ang naka-lineup na local films na makipagbanggaan sa Hollywood films.
Todo na sa pagpo-promote ang ilan at may advance selling of tickets na tuwing nagpapa-mall show sila.
Pero nabalitaan din naming nadismaya raw ang direktor ng isang pelikulang malapit na ring mag-showing sa mga sinehan.
Nang napanood niya ang kabuuan ng pelikula, hindi siya natuwa dahil mukhang pinakialaman daw ng mga taga-production ang pelikula niya.
Okay lang kung pinakialaman, basta maganda ang kalalabasan.
Pero ang komento raw ng mga nakapanood, hindi raw napaarte nang mabuti ang mga bidang artista sa pelikulang ito.
Magagaling pa naman ang mga artistang ito, pero hindi raw sila napiga nang mabuti.
Naku! Naku! Abangan natin iyan!
