PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Journeyman, tribute sa mga boksingero at kay Jaclyn Jose

“Yung ending ko po dito ay tribute ko kay Ms. Jaclyn Jose,” sambit ni JC.
by PEP Troika
Published Mar 15, 2025
JC Santos, Jaclyn Jose
Bukod sa mga boksingero, tribute din daw ni JC Santos (kaliwang larawan) ang pelikulang pinabibidahan niya na "Journeyman" sa multi-awarded actress na si Jaclyn Jose (kanang larawan). Yumao si Jaclyn nung March 2, 2024.
PHOTO/S: Puregold CinePanalo 2025 / GMA Network

JERRY OLEA

“Professional loser” ang boksingerong si Angelo “El Maso” Heresano, ang karakter na ginampanan ni JC Santos sa pelikulang Journeyman.

Ang nasabing pelikula ay isa sa pitong full-length films na nagko-compete sa 2nd Puregold CinePanalo filmfest na nag-umpisa kahapon, Marso 14, 2025, Biyernes, sa Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City.

First time mapanood ni JC at ng kanyang wife ang Journeyman sa 9:30 PM screening nito kahapon sa Cinema 17 ng naturang mall.

JC Santos bilang Angelo “El Maso” Heresano sa
JC Santos bilang Angelo “El Maso” Heresano sa "Journeyman."
Photo/s: Puregold CinePanalo 2025
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Super-happy!” bulalas ni JC nang usisain ko ang pakiramdam niya matapos mapanood ang pelikula.

“Super-proud ako sa lahat ng mga naging part ng pelikulang ito. And I knew that the hard work will pay.

“Ngayon nakita ko yung reaction ng wife ko, sobrang happy niya nung napanood niya yung pelikula. And I’m happy too with that.”

Isa si JC sa walong nominadong Panalong Aktor sa CinePanalo 2025.

Si Jasmine Curtis-Smith na gumanap bilang wife niya ay isa sa anim na nominado bilang Panalong Pangalawang Aktres.

JC Santos at Jasmine Curtis-Smith sa isang eksena sa
JC Santos at Jasmine Curtis-Smith sa isang eksena sa "Journeyman."
Photo/s: Puregold CinePanalo 2025
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Raffy Tejada na gumanap bilang handler niya ay isa sa limang nominado bilang Panalong Pangalawang Aktor.

Hopia ba si JC na mag-win bilang best actor ng Puregold CinePanalo 2025?

Mabilis ang tugon ni JC, “Ay! Hindi po! Hindi po! Ako, ako ano, parang… enjoy ko yung festival, e. Enjoy ko yung mga Cinemalaya.

“Nami-miss ko yung CineFilipino, nami-miss ko yung Cinema One Originals. So enjoy ko ito na nakikita ko yung ibang mga festivals at iba’t ibang mga artista.

“Ako for me, ibigay nyo na sa mga bata yung awards para sila na yung magkaroon ng mga bagong career!

“Nag-enjoy po ako sa pelikula ko and for me, this is my award enough.”

Isa ako sa mga pumalakpak matapos ang screening ng Journeyman. Yung huling eksena ni JC ay merong pagpupugay.

“Yung ending ko po dito ay tribute ko kay Ms. Jaclyn Jose,” sambit ni JC.

JC Santos at CinePanalo 2025
JC Santos sa harap ng poster ng pinagbibidahan niyang CinePanalo 2025 entry na "Journeyman."
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Handog ni JC sa mga boksingero ang Journeyman na idinirek nina Christian Paolo Lat at Dominic Lat.

“This is my tribute for all the boxers, the athletes of the Philippines, and also sa mga family man,” sambit ni JC. “So our movie is about family.”

May nakilala ba siyang boksingero na kagaya ng karakter niyang si Angelo “El Maso” Heresano?

“Yes, madami. Actually yung isa ko pong kalaban dun, yung nangyari sa aking eksena, nangyari sa kanya yun. Ginawa niya yun,” pagtatapat ni JC.

“So it’s a well-researched project talaga.”

Markado ang cameo ng boxing legend na si Gerry Peñalosa sa movie.

“Yes! Si Sir Gerry Peñalosa! I hope manood siya,” saad ni JC.

Kasabay nito, tampok din si JC Santos sa The Foxrot, isang dula sa Virgin LabFest na kasama sa Offering ng Theater Titas sa Mirror Theater Studio 2 sa Makati City from March 29 to April 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakabilib si JC sa galing at gaganda ng projects niya.

GORGY RULA

Matindi ang labanan sa kategoryang panalong aktor sa Puregold CinePanalo 2025.

Maliban kay JC Santos ng Journeyman, nominado sina Allen Dizon ng Salum, Enzo Osorio ng Sepak Takraw, RK Bagatsing ng Fleeting, Khalil Ramos ng Olsen’s Day, ang paslit na si JP Larroder ng Tigkiliwi, at sina KD Estrada at Jameson Blake ng Co-Love.

Limampu’t dalawa (52) na ang awards ni Allen bilang best actor, at labintatlo (13) sa mga ito ay mula sa international film festivals.

Allen Dizon mula sa pelikulang
Ang multi-awarded actor na si Allen Dizon mula sa pelikulang "Salum," isa sa mga kalahok sa Puregold CinePanalo 2025.
Photo/s: Puregold CinePanalo 2025
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Allen ang Pinoy actor na may pinakamaraming international award.

Best actor si Enzo sa Cinemalaya 2024 para sa pagganap niya bilang binatilyo na hinalay ng pari sa pelikulang The Hearing.

Enzo Osorio ng pelikulang
Enzo Osorio ng pelikulang "Sepak Takraw," kabilang sa mga nominado sa kategoryang Panalong Aktor sa Puregold CinePanalo 2025.
Photo/s: Puregold CinePanalo 2025
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlo lamang ang nominado bilang panalong aktres — Ruby Ruiz na inakalang aswang sa Tigkiliwi, Janella Salvador ng Fleeting, at Christine Mary Demaisip ng Salum.

Janella Salvador, isa sa tatlong nominado para sa kategoryang Panalong Aktres sa Puregold CinePanalo 2025.
"Fleeting" actress Janella Salvador, isa sa tatlong nominado para sa kategoryang Panalong Aktres sa Puregold CinePanalo 2025.
Photo/s: Puregold CinePanalo 2025

Tampok din si Ruby bilang suporta sa Journeyman at Sepak Takraw pero hindi siya nominado para roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina KD at Jameson ang mga bida sa Co-Love, at suporta lamang sa kanila sina Alexa Ilacad at Kira Balinger.

Nominado rin sa kategoryang Panalong Aktor ng Puregold CinePanalo 2025 filmfest ang mga bida sa
Nominado rin sa kategoryang Panalong Aktor ng Puregold CinePanalo 2025 filmfest ang mga bida sa "Co-Love" na sina KD Estrada (kaliwa) at Jameson Blake (kanan).
Photo/s: Puregold CinePanalo 2025

Ang mga nominado bilang pangalawang panalong aktres ay sina Sherry Lara at Che Ramos ng Olsen’s Day, Gabby Padilla ng Tigkiliwi, Jasmine Curtis-Smith ng Journeyman, at sina Alexa at Kira ng Co-Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kabilang sa nominado sa kategoryang Pangalawang Panalong Aktres ng Puregold CinePanalo 2025 ang
Kabilang sa nominado sa kategoryang Pangalawang Panalong Aktres ng Puregold CinePanalo 2025 ang "Co-Love" actress na si Alexa Ilacad.
Photo/s: Puregold CinePanalo 2025

Ang mga nominado bilang pangalawang panalong aktor ay sina Romnick Sarmenta at Bodjie Pascua ng Olsen’s Day, Jeffrey Jiruma at Nathan Sotto ng Tigkiliwi, at Raffy Tejada ng Journeyman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ini-reveal ang full-length acting nominees sa unang araw pa lang ng Puregold CinePanalo 2025.

They were selected from the festival’s seven feature films by a distinguished jury that includes directors Jeffery Jeturian and Mae Cruz-Alviar, writer and producer Moira Lang, Estonian festival director of Tallinn Black Nights Film Festival Tiinna Lokk, Republic Creative Creations Inc.’s representatives Sonny Bautista and Lyle Gonzales, festival director Christopher Cahilig, and festival chair Ivy Hayagan-Piedad.

Ang awards ceremony ay sa Marso 19, Miyerkules ng 6:00 PM onwards sa The Elements at Eton Centris, Quezon City.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa mga boksingero, tribute din daw ni JC Santos (kaliwang larawan) ang pelikulang pinabibidahan niya na "Journeyman" sa multi-awarded actress na si Jaclyn Jose (kanang larawan). Yumao si Jaclyn nung March 2, 2024.
PHOTO/S: Puregold CinePanalo 2025 / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results