JERRY OLEA:
“Half-half” ang ikinubli at ipinasilip ni Martin del Rosario sa press preview ng dulang Anino sa Likod ng Buwan, noong Pebrero 8, 2025, sa Arete, Ateneo de Manila University, Quezon City, samantalang si Ross Pesigan ay pwetmalu.
Read: Anino Sa Likod ng Buwan opening night, star-studded
Sa opening night ng dula noong Marso 1 sa PETA Theater Center, New Manila, QC, “kala-kalahati” pa rin ang paandar ni Martin, at si Ross ay pinag-hello ang “ulo ng mga nagbabagang balita.”
Sa mga sumunod na pagtatanghal, aba, “full-full” na raw ang pa-junior ni Martin, at ewan kung nainggit si Ross kaya buong-pusong ibinuyangyang na rin niya ang kanyang “espada”?
Good-bye, kahihiyan! Hello, kaligayahan!

ROSS PESIGAN ON FRONTAL NUDITY
Natawa si Ross nang makatsikahan namin matapos ang matinee ng dula nitong Marso 15, Sabado, kunsaan tampok ang understudies na sina Edward Benosa, Denise Esteban, at Vincent Pajara.
“Noong una, nangangapa pa lang. Nangangapa pa lang! He! He! He!” paghalakhak ni Ross.
“Na-realize ko lang, mas nabibigyan kasi ng malisya kapag tinatago.
"So, e, di bulatlat ko na lang! Di ba? Kasi napansin ko, kapag buo ko siyang hinubad, mas naaano sila… yung hindi nila mabigyan ng malisya, e.
"Kasi nagbibihis siya. Kitang-kitang pinupunasan niya yung putik sa katawan niya, ganun.
"Kaya na-realize ko, mas OK pala ito, ituloy ko na hanggang ending."
Kaya lang, noong Sabado night ay manonood daw ang mga kapamilya niya?
Natawa muli si Ross, “Ha! Ha! Ha! Ha! E, ano, OK lang. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
ANINO SA LIKOD NG BUWAN SCHEDULE
Kasama nina Ross at Martin sa Anino sa Likod ng Buwan si Elora Españo.
Ang dula ay idinirek ni Tuxqs Rutaquio, mula sa panulat ni Jun Robles Lana.
Ang mga natitirang pagtatanghal sa PETA Theatre Center: Marso 16, Linggo, 3:00 P.M. at 8:00 P.M. Marso 21, Biyernes, 8:00 P.M. Marso 22, Sabado, 3:00 P.M. at 8:00 P.M. Marso 23, Linggo, 3:00 P.M. at 8:00 P.M.
Read: Elora Espano, "nag-orgasm" pagkatapos ng Anino sa Likod ng Buwan
NOEL FERRER:
Dito ba sa Anino sa Likod ng Buwan ang una niyang pagpo-frontal nudity?
“No, no, no! Ang una kong frontal sa theater ay noong nasa college pa ako,” pagtatapat ni Ross.
“Ang Nawalang Kapatid. It’s a musical. 2013, 2014. Written by Floy Quintos, dinirek ni Sir Dexter Santos. Sa UP pa noon, sa Guerrero. Twenty years old pa lang ako noon.”
Nangako si Ross na makikipagsabayan kina Martin del Rosario at Elora Españo sa pagtatalop hanggang sa huling pagtatanghal ng dula.
“Na-greenlight na yon ni Sir Tuxqs,” pakli ni Ross.
Maaalalang sa pelikulang Anino sa Likod ng Buwan (2015), iyong Nardo character na ginampanan ni Anthony Falcon — at character ngayon ni Ross — ang nagbuyangyang nang buong ningning.
Sa nasabing pelikula ay hanggang butt exposure lang ang Joel character ni Luis Alandy, na siyang ginagampanan ngayon ni Martin.
Kumusta kaya ang sales ng dula? Nakatulong ba ang sexy projection sa bentahan sa takilya? Ang daming magkakasabay na dula ngayon: Othello, Liwanag Sa Dilim, Kisapmata, Para Kay B at heto ngang Anino sa Likod ng Buwan.
Alin sa kanila ang pinaka-hit sa box office?
Read: Martin del Rosario nagpasilip ng "tangkay" sa entablado
GORGY RULA:
Ano ang reaksyon ng mga kaibigan at kakilala niya na nakapanood ng pagpo-frontal niya? Hindi nila ine-expect?
Tumango si Ross Pesigan, "Hindi nila ine-expect, oo. Natawa na lang sila."
Keri ba niyang mag-VMX (dating Vivamax)? O mas gusto niyang sa teatro maghubad at makipagharutan?
"Hmm, pag-iisipan ko pa. Kasi wala pa akong… Actually, hindi pa ako nagkakaroon ng intimate scene talaga,” pagsisiwalat ni Ross.
“So, wala pa akong idea kung paano ba yan. Kung naghuhubad kasi ako sa theater, more on ano lang talaga.
"Sa Ang Nawalang Kapatid, patay na ako, di ba? Papunta na akong nirvana, ganun. Dito naman, nagpupunas ng ano.
"So in the context of having an intimate scene, with another person, wala pa. So hindi ko pa alam.”
Ano pa ang mensahe niya para sa mga manonood ng Anino sa Likod ng Buwan na magtatapos na next weekend?
Napabuntong-hininga si Ross, "Siguro yung masasabi ko lang, sa mga hindi pa nakakapanood, sana mapanood nila.
"Kasi timely pa rin siya dahil sa mga recent events na nangyari, especially yung may The Hague na ano!
"Na intervention. Na-remind tayo na yung patayan, yung may nadadamay na mga inosenteng tao, hindi pa rin natatapos.
"So ano lang ito, parang going back to memory lane. Na nangyayari siya dati, nangyayari siya ngayon."
Ang Anino Sa Likod Ng Buwan ay hindi lang basta kuwento na may love triangle, kundi tinatalakay din nito ang isyu sa "internal refugees" na naiipit sa gitna ng bakbakan sa pagitan ng militar at mga rebelde.
