GORGY RULA:
Nag-sponsor ang Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ng special screening ng Chinese animated film na Ne Zha 2 sa VIP Premier Cinema ng Fisher Mall noong Sabado, March 15, 2025.
Nakatsikahan namin doon ang president ng FFCCCII na si Dr. Cecilio Pedro.
FFCCII PRESIDENT ON FAKE NEWS ABOUT LIZA MARCOS
Isa si Dr. Pedro sa nagsalita tungkol sa kumalat na isyu kay First Lady Liza Araneta-Marcos na diumano’y na-detain daw ito sa Los Angeles, California.
Sinagot na rin naman ito ng Malacañang na hindi raw ito totoo.
Dumating na raw si FL Liza noong Lunes, March 10, mula sa dinaluhan niyang Manila International Film Festival sa LA, California.
Noong Huwebes, March 13, dumalo naman ang buong taga-FFCCCII sa Malacañang kunsaan nag-host ng dinner si FL Liza para sa sisimulan nilang Pasig River at Manila Chinatown beautification project.

Mabilis ang sagot ni Dr. Cecilio Pedro na "fake news" iyung balitang na-detain sa Amerika ang First Lady ng bansa.
“Fake news yan! Kitang-kita naman ninyo nandun din ako, no!” bulalas ng FFCCCII President.
Iyun daw ang isa sa kalaban ng taong-bayan ngayon, itong mga kumakalat na fake news.
Kaya mag-ingat daw sa mga nakikita natin sa social media.
“The key here is iwasan natin yung mga fake news, yung mga siraan. Yung mga nagsisira ng kung anu-ano ng kinabukasan natin.
"Ayaw namin yun. Gusto natin tuluy-tuloy umunlad ang bayan. Kailangan natin stability. Kailangan natin yung tunay na tulong,” dagdag niya.
FFCCII COLLAB WITH MALACANANG
Maganda raw ang pag-uusap nila sa dinner na iyun sa Malacañang dahil marami raw silang gustong gawin para sa pagdiriwang ng 50th anniversary ng Philippines-China Diplomatic Relations.
Magkakaroon daw sila ng malaking selebrasyon sa June 9 para sa golden anniversary nito.
“Ang ginawa namin sa Malacañang, nag-gather ang Chinese, enterpreneurs, pati yung mga Taipans, to help clean up Pasig River.
“Very soon! We will clean up Pasig river, we will decorate Chinatown to make it the best Chinatown in the world,” sabi pa ni Dr. Cecilio.
JERRY OLEA:
Mainit pa ring pinag-uusapan ang isyung paglilitis sa dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC sa The Hague, Netherlands.
Read: VP Sara, Robin, Roque nasa The Hague para suportahan si Duterte
Apektado ba ang mga negosyo ng mga Chinese sa pangyayaring ito?
“Kasi kami, ayaw namin yung gulo…negosyante. Gusto namin may stability, may predictability.
“Ito’y medyo uncertain, e, na nakulong o naaresto yung past president natin na si Duterte. So, may apprehension yan. Ano ba ang mangyayari dito sa atin?
“Alam natin na may support si [former] President Duterte dun sa Mindanao, sa Visayas. E, paano naman tayo, e, gusto natin walang gulo, di ba?
“Yun ang worry namin. Pero at the same time, I believe that ICC will give him a day in court, so to speak.
"Bibigyan siya ng panahon to defend himself," saad ni Dr. Cecilio Pedro.
Pero wala raw magagawa ang Fil-Chinese businessmen, kundi ipagdasal ang bayang Pilipinas.
"Tuloy pa rin ang negosyo. E, dumaan kami sa dami ng challenges, di ba? Maliit pa ako, may challenges na, e. Dumaan pa tayo sa martial law, kung anu-ano… sa rebolusyon. Dinaanan na namin yun, e. Wala yan sa amin,” napangiti niyang pakli.
“Negosyo lang sa amin, basta tuluy-tuloy ang negosyo, tuluy-tuloy ang paniniwala ng Pilipino na ang China o Tsino, tulad namin Pilipino-Tsino ay tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong namin para umunlad ang ating bayan.
"Anong magagawa namin, wala naman kaming magagawa, kundi ang magdasal lang.
"Ang dasal namin sa Panginoon na maawa sa bayan natin, para umunlad tayong lahat,” sabi ni Dr. Cecilio Pedro.
Read: Honeylet Avancena, hindi sasampahan ng reklamo ng PNP
NOEL FERRER:
Ang special screening ng Ne Zha 2 na ini-sponsor ng FFCCCII ay bahagi ng ipinagdiwang nilang Philippines-China Friendship and Cultural Unity.
Ang Chinese animated film na ito ay ranked as the world’s no. 1 animated box-office hit, at 5th highest-grossing film in cinematic history.
“Ne Zha 2 is a triumph not just for China, but for all of Asia.
“Its universal themes of courage, family, and overcoming adversity resonate deeply with Filipino values.
“This success of this film should inspire us in the Philippines,” bahagi ng talumpati ni Dr. Cecilio Pedro.
