JERRY OLEA
Masigabo ang hiyawan at palakpakan sa matinee ng dulang Anino sa Likod ng Buwan noong Marso 15, 2025, Sabado, sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
Nag-perform doon ang tatlong understudy na sina Edward Benosa bilang Joel, Vincent Pajara bilang Nardo, at Denise Esteban bilang Emma.
Mapangahas ang dulang idinirek ni Tuxqs Rutaquio mula sa panulat ni Jun Robles Lana. For adults only.
Umaatikabo ang paghuhubad ng VMX (dating Vivamax) star na si Denise, maging ang pakikipaglampungan kay Edward.
Theater debut ito ni Denise, pero parang hindi siya first-timer! Ang galing!
Read: Anino Sa Likod ng Buwan opening night, star-studded
“Salamat po. Siguro nailagay ko na rin po, nai-apply ko po yung mga napag-aralan ko sa pag-arte,” nakangiting reaksiyon ni Denise.
“And sobrang sarap pong mag-perform. Ang sarap sa puso! Nakakaiyak!”
Maraming mahahabang linyahan si Emma. Doon ba siya nahirapan o na-challenge?
Tumango si Denise: “Siguro, doon din po ako nahirapan nung umpisa, yung sa lines.
“Kasi pagkabigay po ng script sa akin, sabi ko, ‘Wala akong labas dito. So, kailangang i-memorize ko kaagad ito nang biglaan.’
“Nahirapan po ako na i-memorize siya. Kasi isang buong script. Tapos nalaman ko po, yun nga po, ang sabi nila, unti-unti mo siyang mame-memorize hangga’t pag-ano ng rehearsal, rehearsal.
“Unti-unti mo siyang mame-memorize hanggang sa doon po, na-memorize ko siya, biglang nagulat din ako sa sarili ko na na-memorize ko siya!”

DENISE ESTEBAN'S SUPPORTIVE MOTHER
Anong feeling niya na pinanood ng kanyang ina ang mapangahas na pagganap siya sa entablado?
Natatawang tugon ni Denise, “Ano pong feeling niya? Ha! Ha! Ha!
"Nung natanggap po ako dito sa Anino, sinabi ko na po sa kanyang, ‘Merong ano, Ma. Merong ganito, ha? Ganyan.’
“Pero hindi na rin naman po siguro bago. Kasi, nasa Vivamax din po ako. So, nakikita na rin ng parents.
“Napanood na rin ng mama ko yung movies ko.”
Wow! Nanonood ng VMX ang kanyang ina?!
“Si Mama lang po, kasi proud siya. Ang comment niya sa mga ganung movies, ‘Yung anggulo mo, iganito mo. Kasi mas malaki yung boobs mo pag ganyan!’
“Very supportive. Tapos sinabi ko, parang, ‘O, Ma. Alam mo na yung mangyayari mamaya pagpunta mo dun. May mapapanood ka. Kung gusto mong mag-CR, mag-CR ka na.’
“Pero hindi raw siya nag-CR! Tapos yun, OK naman daw. Ang galing daw!” bulalas ni Denise.
Nanood din ang mga kabarkada niyang VMX stars, pati ang direktor na si Roman Perez Jr.
Kabilang sa VMX projects ni Denise ang Kara Krus, Star Dancer, Haslers, Doblado, Hiraya, Palipat-lipat, Papalit-palit, Secrets, Stag, Hosto, Japino, F-buddies, Belyas, Hiram na Sandali, Serbidoras, at Wow Mani.
Natapos na siyang mag-shoot ng VMX movie na Pihit kung saan pole dancer ang papel niya.
Read: Vivamax star Denise Esteban na-trauma nang hinarang sa immigration
NOEL FERRER
Mas mahirap ba o mas madaling maghubad sa teatro kumpara sa pagtatalop sa shooting ng pelikula?
Natigilan sandali si Denise Esteban bago sumagot, “Para sa akin po, hindi siya mahirap, e. Kinakabahan po ako nang malala sa mga ganung bagay.
“Hindi na po siguro maawawala yun. Pero kitang-kita ko po kasi dito sa play na ito, hindi ka basta pinaghubad lang!
“Kasi kasama siya sa kuwento.
"Ganun din po sa Vivamax na hindi kami naghuhubad nang basta-basta lang.
“Kasi kasama po siya sa kuwento. Hindi mabubuo ang kuwento nang walang sex.
“So, same lang po ang napi-feel ko, pero andun pa rin yung kaba, siyempre. Hindi mawawala yung kaba.”
Ramdam ba niya iyong respeto ng live audience sa pagtatanghal ng dula?
Ang VMX projects kasi, pinapanood sa TV set, laptop, desktop computer, tablet o cellphone. Iba sa shooting.
“Pag nagsu-shoot naman po — ang nanibago lang siguro ako — pag nagsu-shoot kami, ang naiiwan lang kasi minsan sa set, isa, dalawa, ganun,” pagtatapat ni Denise.
“Tapos siyempre, open na kaming maghubad, ganun. Tapos dalawang lang ang nasa loob ng set.
“Dito po kasi [sa theater], maraming audience. Pero ni-ready ko na rin po yung sarili ko dun sa kaba na yun.
“Parang wala po, nilamon talaga ako kanina sa stage. Wala akong masyadong makita.
“Nandun na po ang utak ko sa set, sa dampa. Andun na ang utak ko.”
Teka teka, iisa lang talaga ang playdate ng alternate cast? Wala na bang iba pa?
Hindi ba sayang naman ang haba ng ensayo sa iisang performance lang?
Read: Martin del Rosario nagpasilip ng "tangkay" sa entablado
GORGY RULA
Kumusta ang dalawang leading men ni Denise Esteban na sina Edward Benosa at Vincent Pajara?
“OK naman po, mabait silang dalawa. Sobrang gentleman nung dalawa,” malumanay na sabi ni Denise.

Pa-tweetums sina Edward at Vincent kumpara kay Denise. Hindi tinapatan ng dalawang lalaki ang pagiging bold and daring ng VMX actress.
“Yun nga, sabi ko nga, aalisin din nila, e! Ayaw nila, e! Ha! Ha! Ha! Pero OK lang po,” sambit ni Denise.
“Kasi naipakita din namin yung characters talaga kahit hindi sila naghubad nang totally hubad.
“Naipakita namin nang maayos ang characters namin.”
ON COMPARISON TO ELORA ESPAÑO
Ang mga bidang sina Martin del Rosario, Elora Españo, at Ross Pesigan ay pawang walang kiyeme latik sa hubaran.
Natakot ba siya considering na ang hirap ng ginawa ni Elora, na baka hindi niya iyon kayanin?

Pag-amin ni Denise: “Medyo nagda-doubt din po ako sa sarili ko kung magagawa ko ba siya ng katulad ng ano, pero hindi po pala dapat ganun.
“Hindi dapat magkatulad. Kailangan iba ang ipapakita ko dito, kasi ito ang pagkakaintindi ko.
“Hindi ko kailangang gayahin yung kay Ate Elora. Pero sobrang galing po ni Ate Elora.
“Nanghihingi rin po ako ng tulong sa kanya, ‘Ate, paano itong eksena na ito? Hindi ko alam kung ano ang mapi-feel ko dito. Hindi ako nadadala.’
“Tapos sasabihin niya sa akin, ‘O, eto, eto si Emma. Ganito-ganyan, explain niya.’
“Doon ko naiintindihan na kailangan ko talagang pumasok sa karakter ni Emma. Andami pong itinuro sa akin ni Ate Elora! Sobrang dami!”
Ang limang natitirang pagtatanghal ng Anino sa Likod ng Buwan sa PETA Theatre Center:
Marso 21, Biyernes, 8:00 P.M.
Marso 22, Sabado, 3:00 P.M. at 8:00 P.M.
Marso 23, Linggo, 3:00 P.M. at 8:00 P.M.
Read: Elora Espano, "nag-orgasm" pagkatapos ng Anino sa Likod ng Buwan
