GORGY RULA
Wala raw intensiyon si Rhian Ramos maging isa sa executives ng Frontrow na pag-aari ng kasintahan niyang si Sam Verzosa, kasama sina RS Francisco at Richmond Yu.
Si Rhian ang ipinakilalang endorser ng bagong produktong inilunsad ng Frontrow, ang Luxxe White Ultima, noong Sabado, March 15, 2025.
Si Michelle Marquez Dee naman ang endorser ng Luxxe White Slim, pati ang iba pang produktong Luxxe White Renew at Luxxe White Protect.
Napag-usapan sa question-and-answer portion na hindi nahirapan ang Frontrow nang kinuha silang endorsers.
Read: Rhian Ramos, ayaw sa politics pero supportive sa politician bf

FROM ENDORSEMENT CONTRACT TO MARRIAGE CONTRACT?
May kontrata silang pinirmahan, sabi ni Rhian, at ilang beses daw niya itong binasa bago pinirmahan.
Pero biniro rin si Rhian na ang hinihintay ng marami ay "ibang kontrata" na pipirmahan nila ni Sam — ang marriage contract.
“I read them [contracts] all, especially that one. They say there’s no more important contract than that,” bulalas ni Rhian.
Kaya tinanong na rin ng PEP Troika si Rhian, kung sakaling kasal na sila ni Sam, nakikita ba niya ang sarili na isang executive ng pag-aaring kumpanya ng kanyang boyfriend?
“Hindi ko naman kailangang umupo sa side na yan ng stage anymore,” sabay turo sa mga upuan nina RS, Richmond, at Sam.
Paliwanag ng aktres: “Kasi, honestly, all of my ideas, or Sam’s ideas also, I tell him naman whenever I think something or if I have any new suggestion or anything like that.
“And ayun, thank you also, because he also empowers me to speak my mind and he considers my thoughts also.
“So, ayun, parang kahit hindi na naman ako maging part ng executives, my mind is there also.”
Read: Sam Verzosa, "malapit na" mag-propose kay Rhian Ramos?
NOEL FERRER
Pasabog ang launching ng Frontrow kung saan ni-rebrand nila ang mga pangunahing produktong ibinebenta nila.
Meron silang "paburol" sa Quezon City HQ dahil sa pagtatapos daw ng kontrata ng Luxxe White sa kanilang kumpanya.
Nasa loob ng kabaong ang papalitang produkto.
Iba ang pagkakaintindi ng iba — na magsasara na ang Frontrow.
Nag-react dito ang mga may-ari ng kumpanya.
Sabi ni Richmond Yu: “Dun sa mga iba na sinasabing magsasara na or nagda-down sa amin, well, although sanay na kami dun.
“Actually, hindi na namin sila napansin. Mas focused kami dun sa ginagawa namin na paparating.
“Yun ang laging tinuturo namin sa mga tao namin, the Frontrow way. Hindi mo kailangang tumingin dun sa negative.
“Kasi meron ka namang choice tumingin dun sa positive, bago ka tumingin sa negative, di ba?
“So, yung negative nun, sasakit yung loob mo, hindi ka makatulog, tatanda ka. Pero dun sa positive, matutulog ka, di ba?”
FRONTROW CAMPAIGN BEING USED IN POLITICS?
Ginagamit pa raw ito ng ilang kalaban ni Sam Versoza sa pulitika.
Sabi ni Sam: “Kasi sa aming tatlo, ako po kasi ang tumatakbo sa Manila. So, ang dami nating mga kalaban. So, sinakyan din nila.
“Kaya nga ako ang unang tinanong ni RS kung okay lang ba sa akin na ganito yung gagawin naming campaign.
“Alam mo, if you’re confident, you’re secured with your product, with your company, with your status, with what you have, you have nothing to worry.
“Kahit na anong sabihin nila na magsasara, marami pang imbento na investor daw.
“Wala hong may nag-i-invest sa Frontrow. Nagbebenta lang ho kami ng mga produkto. Kaya huwag po tayo magpapaniwala sa mga naninira.
“Naawa nga ako sa kanila, e. Kasi marami ding gustong maging kami.
“Kaya nga sabi ko, huwag na lang sila manira, sumama na lang sila sa amin. Maghatakan na lang tayo pataas kasi hindi po kami titigil.
“Tuluy-tuloy kami, mas pagagandahin namin ito, mas marami kaming tutulungan, marami kaming babaguhing buhay.”
Bongga raw talaga at maingay ang event na ito ng Frontrow, pero totoo bang may kakaibang pag-e-expect ng kabonggahan at happiness at pa-raffle ang ibang um-attend doon?
Read: Explainer: What fuels cancel culture in South Korea?
JERRY OLEA
Sabi ni RS Francisco, noong Agosto 2024 pa sana ang "pamatay" na product launch ng Frontrow.
Pero binusisi raw nila ang mga detalye, ang tamang formulation at packaging, kaya naghintay sila ng right time sa paglulunsad ng “one hell of an awesome, spectacular product.”
Sa dalawang oras na "lamay" ng Luxxe White — kung saan kumanta si Ice Seguerra at merong quartet na tumutugtog ng pamburol na musika — white or black ang suot ng Frontrow triumvirate nina Sam Verzosa, RS Francisco, at Richmond Yu.
Nakaitim din ang host-moderator na si Boy Abunda.

RHIAN AND MICHELLE ON FIERY-RED OUTFITS
Pero ang ini-reveal na brand ambassadors ng Luxxe White Ultima and supplements na sina Rhian Ramos at Michelle Dee, nag-aapoy na pula ang suot.
At seksing-seksi.
E, di ba, bawal na bawal sa lamay ang pula na nagbabadya ng pagsasaya?!
Kamangha-mangha ang alindog nina Rhian at Michelle sa event.
Swak na swak sa tagline ng rebranded Luxxe White, “Bigger, Better and Stronger.”

Mistulang patikim na rin ito ni Michelle sa Body of Work: The Bench Show na gaganapin sa Marso 21, Biyernes, sa SM Mall of Asia Arena.
Makikipagkabugan si Michelle sa iba pang Bench babes gaya nina Kathryn Bernardo, Lovi Poe, Janine Gutierrez, Kaila Estrada, Ina Raymundo, Sunshine Cruz, Francine Diaz, Kira Balinger, Michelle Arceo, at Ara Arida.
Kabilang naman sa boys na magpapakitang-gilas sa Body of Work sina Alden Richards, David Licauco, SB19, Joshua Garcia, Derrick Monasterio, Jameson Blake, Andres Muhlach, Kirk Bondad, at Shaun Pelayo.
Read: Bruce Roeland, rarampa nang naka-underwear sa Bench fashion show?
