JERRY OLEA
Nagalak si National Artist Ricky Lee nang mapanood ang theatrical adaptation ng nobela niyang Para Kay B (2008) noong Marso 16, 2025, Linggo ng gabi, sa Doreen Black Box Theater ng Ateneo de Manila University, Quezon City.
Nabigyang-buhay sa entablado ang love stories nina Irene at Jordan, Sandra at Lupe, Erica at Jake, Ester at Sarah, at Lucas at Bessie!
“Siyempre masarap and very fulfilling. Kasi ako mismo, years and years na ito, immediately after the novel came out, gusto ko siyang gawing pelikula,” pagsisiwalat ni Sir Ricky.
“And actually may nag-commission sa aking producers para gawing pelikula ang Para Kay B.
“Pero at the time, nahirapan ako. Ilang attempts ko sinubukan, parang ang hirap-hirap siyang buuin.
“Kasi ang kapal-kapal, andami-daming kuwento. So, ginive up ko. That’s why nung ginawa itong play na ito before, hindi pa yung buo, e.
“Parang bago sumagot yung characters, nag-end na. Yun ang 1 and 2 version nito.
“Kaya nung lumapit sina Eljay Castro Deldoc sa akin, writer na workshopper ko, at si Yong [Tapang Jr.], yung direktor, nung lumapit at sinabi nilang gagawin nila na mas buo na finally — even if mahaba — natuwa ako.
“And then ngayon ko lang napanood. First time kong napanood. Hindi ko napanood yung dalawang nakaraang run niya.
“Kaya kanina, nagulat ako na naiyak ako, natawa ako, at nabuo niya yung napakahirap buuin na material.”
Read: National Artist Ricky Lee, ganado sa pagdalo sa Book Fair dahil napapalibutan ng book lovers

THEATRICAL ADAPTATION OF PARA KAY B
Na-capture ba ng theatrical adaptation na ito ang essence na gusto niyang iparating sa nobela?
Mabilis na tugon ni Sir Ricky, “Yes, generally yes. Hindi mo naman totally maita-transfer lahat ng nasa nobela.
“May sariling tono yung nobela. On the other hand, meron namang sariling binigay yung stage play na hindi mo makikita dun sa nobela.”
Patok sa stage play ang reference kaugnay kina Kathryn Bernardo, Liza Soberano, at Kim Chiu.
Dagdag ni Sir Ricky, “May kanya silang kakanyahan. Pero all in all, andun pa rin yung germ, yung essence ng nobela.
“Andun pa rin yung kuwento ng isang writer, more than kuwento ng love stories. Kuwento ng isang writer, kung paanong naniniwala siya nung una na, ‘Sa pamamagitan ng pagsulat, kaya kong baguhin lahat maski sarili kong buhay.’
“And then eventually to realize na may limitasyon pa rin maski ang kapangyarihan ng pagsusulat.
“Pero even if may limitasyon, tinanggap niya even with pain, ‘I’ll continue living, I’ll continue writing even if I accept na hindi ko makukuha lahat sa pag-ibig.’”
Read: Ricky Lee says 50th MMFF is a success despite naysayers

GORGY RULA
Kabilang sa cast ng Para Kay B sina Nicco Manalo, Via Antonio, Jay Gonzaga, Divine Aucina, Ava Santos, Martha Comia, Liza Diño, Olive Nieto, Esteban Mara, Kath Castillo, Gino Ramirez, AJ Benoza, at Aldo Vencilao.
Kaninong pagganap ang tumatak kay Sir Ricky Lee nang mapanood niya sa gala night ng Para Kay B?
“Off my head, well I think, kasi mahusay sila, e. Nakuha nila, e. Si Nicco, ang husay ni Nicco,” sambit ni Sir Ricky.
“Kasi nasa balikat niya ang buong play, e. Siya ang may dala-dala, e. Pag hindi ako naniwala sa kanya habang nanonood sa kanya, bagsak na yung buong play.

“So siya ang may dala, e. But the rest of the characters, kuha nila yung timpla, e. Napapaiyak nila ako, and napapatawa nila.
“And then kung minsan sabay akong naiiyak na natatawa sa kanila. Kung minsan naiinis ako sa kanila. Minsan gusto ko silang yakapin.
“Nakuha nila yung essence ng pagiging totoong tao at tauhan.”
Ang mga kasunod na pagtatanghal ng Para Kay B sa Doreen sa Black Box Theater:
Marso 21, Biyernes, 7:00 PM
Marso 22, Sabado, 2:30 PM at 7:00 PM
Marso 23, Linggo, 2:30 PM at 7:00 PM
Marso 28, Biyernes, 7:00 PM
Marso 29, Sabado, 2:30 PM at 7:00 PM
Marso 30, Linggo, 2:30 PM at 7:00 PM
Read: National Artist Ricky Lee and his 'love story' with MMFF: "Dun ako nakilala na..."

NOEL FERRER
Nagkataon lang ba na kung kailan siya magdiriwang ng kaarawan ay saka itinanghal itong theatrical adaptation ng Para Kay B?
Bukas, Marso 19, Miyerkules, ang ika-77 kaarawan ni Sir Ricky.
Napangiti ang National Artist: “Nagkataon lang na andami-daming nangyayari nitong month na ito.
“Ipinalabas kaninang umaga [sa Manila Metropolitan Theatre] yung black and white na restoration ng Himala [MMFF 1982] at binati rin ako nila.
“And then nagpalabas ng Isang Himala nung hapon na may talk back, nag-introduce lang ako, umalis na ako.
“Kasi pumunta ako ng Philippine Book Festival [sa SM Megamall] na apat na araw nang nagra-run at araw-araw akong nandudun at nagbu-book signing nang walong oras sa isang araw.
“And then, tumuloy ako dito to witness this pleasant surprise.”

Ano ang pakiramdam niya ngayong magbi-birthday siya muli?
“Ang pakiramdam ko, I feel so busy. I feel na so blessed, I’m so active at my age,” sagot ni Sir Ricky.
“I’m so active. Last year, nakadalawang pelikula ako sa [MMFF] festival, Isang Himala at Green Bones.
“This year may dalawang script ako na ginagawa. Hindi ko alam kung kailan ipapalabas, basta may ginagawa akong scripts ngayon.
“I’m writing my memoirs. I’m writing Moral with music with Ryan Cayabyab doing some of the songs. Patapos na ako ng libretto.”
At marami pang magagandang projects si Sir Ricky that we shall look forward to all these! All the best!!!
Read: Silipin natin ang busy schedule ni National Artist Ricky Lee

