PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Roman Perez Jr., pabor bang saklawin ng MTRCB ang VMX?

Direk Roman Perez Jr., niluluto na ang intimate plays and events sa Viva Cafe.
by PEP Troika
Published Mar 18, 2025
roman perez jr. vmx
VMX director Roman Perez Jr. on proposal to expand MTRCB's scope to streaming platforms like VMX and Netflix: "Kaya ba nilang isa-isahin ang foreign streaming platform? Pag kinaya nila sa Netflix, mag-a-agree ako sa kanila."
PHOTO/S: Jerry Olea / VMX Philippines

JERRY OLEA

May mga nagsusulong upang palawigin ang sakop ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Dapat bang saklawin ng kapangyarihan ng MTRCB ang streaming platforms sa bansa, partikular ang Netflix at VMX (dating Vivamax)?

“Agree po ako sa ratings, pero hindi ako agree doon sa pagse-censor,” pagmamatuwid ng prolific VMX director na si Roman S. Perez Jr.

Read: MTRCB to regulate Netflix and streaming services?

Kabilang sa VMX projects ni Direk Roman ang Iskandalo, Taya, Balik Taya, Hugas, Unang Tikim, Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, Kamadora, Litsoneras, Putahe, House Tour, Paluwagan, Sitio Diablo, Boy Kaldag, Siklo, Pamasahe, Las Ilusyunadas, Salakab, Domme, Palipat-lipat, Papalit-palit, Adan, at Takas.

Nakatsikahan ng PEP Troika si Direk Roman bago ang gala ng 2nd Puregold CinePanalo entry na Journeyman noong Marso 16, 2025, Linggo, sa Gateway Cineplex 18, Cubao, Quezon City.

DIREK ROMAN PEREZ JR. ON MTRCB AND STREAMING SERVICES

Pagpapatuloy ni Direk Roman: “OK, una sa lahat, kung Netflix ito, kakayanin ba nila? May kapasidad ba tayo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya ba nilang isa-isahin ang foreign streaming platform? Pag kinaya nila sa Netflix, mag-a-agree ako sa kanila.

“Pero pag hindi mo kaya ang Netflix, hindi mo kaya ang Viu, hindi mo kaya ang Disney+, hindi mo kaya ang ano pa mang foreign streaming platform — lalong hindi ninyo kaya ang Vivamax.

“Ha! Ha! Ha! Di ba? At saka actually, sabi nila, ang Vivamax, hindi naman talaga ito [Pilipinas] ang market. Hindi ito ang market.

“Ang market talaga ng Vivamax ay Central Asia, mga Arab countries, China, Hong Kong, Macau, and European countries.

“Ilan lang naman ang subscribers natin sa Pilipinas, e, kung tutuusin. Hindi ito ang market, e.

“Pero bakit tayo pa ang masyadong mahigpit para dito, di ba? Medyo tricky.

“Pag kinaya nila yung Netflix — o, sige, OK ako sa inyo! Pag kaya nila ang Netflix…”

Nagkakaproblema ba ang VMX sa ibang bansa pagdating sa ratings?

Mabilis na tugon ni Direk Roman, “Walang problema, walang problema.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Alam mo, pumunta ako ng Thailand, pumunta ako ng Bali. Kilalang-kilala dun yung VMX.”

Read: From Vivamax to VMX: 12 pasabog ng No. 1 Filipino streaming site

NOEL FERRER

Sa mga film market sa iba’t ibang bansa, lalo na kung may international filmfest, may sariling booth ang VMX. Mabenta!

“Hinahanap nila, hinahanap talaga nila. Ngayon, Hong Kong Film Market, sigurado nakakabenta na naman si Boss [Vic del Rosario Jr.] diyan,” sabi ni Direk Roman Perez Jr.

“Hindi yung kailangan mong i-market, e. Nilalapitan yung booth ng VMX, ng mga distributors, to distribute sa iba’t iba nilang countries.

“Medyo weird talaga yung Philippine laws, pero sige, tatanggapin natin yan. Kung makapasa [ang panukala sa pagpapalawak ng powers ng MTRCB], di makapasa.

“OK naman, di ba? Yun lang ang personal kong concern. Pag kinaya po nila yung Netflix, I’m open.

“Puwede akong mag-restrict, puwede tayo. Wala lang censorship. Walang censorship. Puwede tayong mag-self-restriction. Kaya natin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TAME VMX MOVIES

Masyadong tame ang ibang palabas sa VMX lalo na kung ikukumpara sa mga handog nila noong 2021 at 2022.

“Sobrang tame! Sobrang tame na po, even BL. Even Boys Love. Medyo iba na rin ngayon,” saad ni Direk Roman.

“Kasi nga, nag-iingat naman talaga at inaayos naman. Pero siyempre, kuwento pa rin ang bida, di ba? Yun pa rin ang bida sa atin.

“That’s why, ako, ganun ang stand ko na alam mo naman yung mga lawmakers, ganyan lang yung mga yan, e.

“Siyempre para sumama sa brand. Ha! Ha! Ha! Pero ayoko nang sabihin kung senador man ito o ano.

“Pero para sumama sa brand at magbago yung landscape na maging relevant sila, pero mas marami pa pong problema bago kami isipin. Yun lang.”

Basta, alam naman natin na responsableng direktor si Direk Roman Perez Jr,, at magugulat kayo, ha, hindi lang siya pam-VMX. Marami rin iyang tinutulungang ibang filmmakers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan!

Read: Noteworthy VMX Movies of 2024: From Unang Tikim to Climax

GORGY RULA

Walang kakumpitensiya ang VMX sa Pilipinas.

Iyong tumapat dito na AQ Prime at Goblin Films ay tumiklop agad.

Magtatagal pa ba ang VMX? Mag-e-evolve pa?

“Mag-e-evolve pa, mag-e-evolve pa siya. Magbabago ang mga kuwento,” pananalig ni Direk Roman Perez Jr.

“Ngayon nga, ang sabi nila, ang lakas daw ng BL. Ngayon, ha?! Sobrang lakas ng BL sa VMX.

“Nung January, nag-No. 1 ang BL for the first time, gawa ni Ivan Andrew Payawal.”

Ang tinutukoy na "BL" ni Direk Roman ay ang Table For 3 na nag-streaming noong Enero 14, 2025.

Gumanap doon na throuple sina Arkin del Rosario, Jesse Guinto, at Topper Fabregas.

Read: Gay movie Table For 3, naungusan ang sexy movies sa VMX

table for 3
Table For 3 poster
Photo/s: VMX Philippines
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STRAIGHT AND GAY VMX MOVIES

Nang mag-streaming ang Halimuyak ay ito na ang nag-No. 1 sa Top 10 ng VMX, at iyong Table for 3 ay bumagsak sa No. 5.

Nag-No. 1 din ang Bigayan na nag-umpisang mag-streaming noong Pebrero 11.

Bida roon sina Mike Liwag at Jesse Guinto, at meron doong eat-all-you-can ng mga alter.

Afterwards ay bumagsak iyon sa No. 6.

vmx top 10 movies
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong My Boyfriend Is A Sex Worker nina Kurt Kendrick at Topper Fabregas ay Marso 11 sana ang streaming sa VMX, pero napalitan ng Malagkit.

Wala pa itong bagong streaming date.

“Nagbabago rin talaga ang taste, e! May wave, may month na talagang ang lakas ng gay films!” sambit ni Direk Roman.

“Pero malakas talaga ang Vivamax, lalo na sa abroad sa mga OFW, mga kababayan natin. Anlakas talaga, e!

“Hindi nila mapigilan. Yun lang talaga, hindi nila mapigilan.”

Read: Pitong finalists sa VMX Film Festival 2025, inanunsiyo na

EROTICA PLAY AT VIVA CAFE

Sa dulang Anino sa Likod ng Buwan, ang tatlong bida na sina Martin del Rosario, Elora Españo, at Ross Pesigan ay palaban sa frontal nudity, pati ang understudy ni Elora na si Denise Esteban na VMX star.

Nagagawa nila sa entablado, bakit hindi magawa sa VMX?

Tumango si Direk Roman, “Hindi magawa dito. Bakit hindi magawa sa VMX? Bakit tayo pa yung kipit na kipit, e, sa stage nga, live. Nakikita natin, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayan, si Denise, napakahusay. Napakahusay, napakahusay ni Denise. Bale actually meron kaming binubuo ngayon.

“Magbubuo kami ng erotica play. Sa Viva Café. Intimate lang, no, intimate. We’re planning and proposing kay Boss.

“So, ibinibigay na nga niya yung Viva Café as a venue ng mga intimate plays, intimate events. Umokey siya. Niluluto lang.”

Read: Martin del Rosario at Ross Pesigan, may frontal nudity sa play

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
VMX director Roman Perez Jr. on proposal to expand MTRCB's scope to streaming platforms like VMX and Netflix: "Kaya ba nilang isa-isahin ang foreign streaming platform? Pag kinaya nila sa Netflix, mag-a-agree ako sa kanila."
PHOTO/S: Jerry Olea / VMX Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results