GORGY RULA
Ngayon lang ibinahagi ni Derrick Monasterio ang isa karanasang nangyari sa kanila ng girlfriend niyang si Elle Villanueva nang magbakasyon sila sa Europe noong nakaraang buwan.
Naaksidente si Elle habang nasa Alps sa Switzerland sila.
Kuwento ni Derrick: “Nagpapa-picture ako sa kanya [Elle] tapos bigla siyang nadulas sa slope.
"Kasi hindi namin makita yung sobrang foggy e. Hindi namin makita yung baba.
“So, nahulog siya dire-diretso. Para siyang gumugulung-gulong. Para siyang nag-snowball, lahat ng gamit niya kumalat na dun.
“Mataas yun. Mga two floors yung pa-slide.
"Tapos dun sa pinakadulo, may 10-feet drop. So, may hulog pa.
"Buti na lang may isa pang flat na road na nandun siya nahulog.
“And buti na lang walang nangyari, na hindi siya na-injure.”
Nakapanayam ng PEP Troika si Derrick sa media conference ng murder-drama series na Slay na ginanap sa Luxent Hotel ngayong Miyerkules, March 19, 2025.
Read: Derrick Monasterio calls girlfriend Elle Villanueva "gem" of GMA-7

THE AFTERMATH
Mabuti na lang daw at okay si Elle.
Hindi na raw nila ito dinala sa hospital dahil hindi naman gaanong nasaktan ang Kapuso actress.
Bandang huli na lang daw nag-sink in kay Derrick ang nangyari nung pagbalik nila ng sasakyan.
Saad ni Derrick: “After nun, sinundan ko siya na parang natawa siya. So, natawa na rin lang ako na parang hindi namin na-process masyado kung ano yung nangyari.
“Pagdating namin ng van, dun ako naging emotional na parang, 'Anong nangyari?'”
Bandang huli na lang daw nila ikinuwento ang nangyari sa mommy ni Elle, na natulala raw nang malaman ang nangyaring aksidente sa anak.
“Pagbalik namin, ngiti-ngiti pa kami, nag-picture-picture kay mom niya.
“Nung nalaman na, parang hindi siya nakapagsalita buong gabi. Nasira yung mood niya, ganun,” sabi ni Derrick.
May natutunan daw si Derrick sa karanasang iyon.
Sabi ng Kapuso actor: “Siguro, masyado kasi kaming dalawa na sobrang fast-paced.
"'Anong next? Anong oras natin ito gagawin? Anong schedule natin?' Masyadong excited.
“Siguro ito, parang hinay-hinay lang, importante yung buhay niyo. Parang ganun siguro yung message na sinabi sa amin.”
Sa March 24, Lunes, na mapapanood ang Slay sa GMA-7 pagkatapos ng Mga Batang Riles. Ito ang kapalit sa matatapos nang My Ilonggo Girl.
Kasama ni Derrick sa cast sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Ysabel Ortega.
Nauna nang ipalabas ang Slay sa VIU.

NOEL FERRER
Ito pala ang ibig sabihin ni Derrick Monasterio sa caption ng Instagram post niyang mga larawan na kuha sa Alps.
Saad ni Derrick: “3000m above sea level had me gasping for air all the time. The beauty of the Swiss alps in its full glory BUT
“Something really really CRAZY happened here almost life changing that we both got to appreciate every second of our lives even more.
“We got that moment on tape and @_ellevillanueva will post about it soon. Scariest moment of my life.”
View this post on Instagram
Sabi pa ni Derrick sa mediacon ng Slay: “Yung moment na yun, that made me so vulnerable na parang mawawala sa akin yung taong pinakamamahal ko, ganun.
“Buti na lang, safe kami. Pero yung moment na yun talaga nagpa-realize sa akin na life is short na huwag mo hayaang… o taken for granted yung buhay.
“And sobrang grabe yung pasasalamat ko na walang nangyari sa amin.
"And mapanood yun sa vlog niya. Nag-promote pala ng vlog, 'no!
“Nakunan niya ng video yung action, e.”
Read: Derrick Monasterio not offended when girlfriend Elle Villanueva criticizes his acting
JERRY OLEA
Matagal nang nasa VIU ang Slay at nakasampung episodes na ito sa streaming.
Medyo daring ang dating dito ni Derrick Monasterio kung saan naka-topless siya sa maraming eksena.
Sinabi raw sa kanya kung bakit siya ang piniling lead actor dito.
Kuwento niya: “Actually sinabi nila sa akin bakit ako, kasi ako daw yung parang physically bagay sa role.
"Kasi gym instructor, tapos parang taong-gym ganun.
“Tapos siguro nakita nila yung mga nakakilala sa akin na 'medyo may ego ang taong ito, sige pasok na natin dito,' ganun.
"So, parang minatch talaga nila sa akin."
Nagpapasalamat si Derrick dahil hindi raw siya pinababayaan ng GMA-7.

BENCH FASHION SHOW
Excited na rin si Derrick sa pagrampa niyang naka-underwear sa Bench fashion show na gaganapin sa SM MOA Arena sa Biyernes, March 21.
Pinaghahandaan niya talaga ito.
Wala pa raw siyang ideya kung gaano ka-daring ang isusuot niya rito, pero mag-a-underwear daw siya talaga.
“Actually, hindi ko pa alam. Bukas pa kami magre-rehearse, e.
"Hahanapan ko pa. Bukas ko malalaman yan, depende sa blocking.
“Hindi ko pa alam kung may moment. First time kong rarampa ng underwear,” sabi pa ni Derrick.
Tingnan natin kung mapapansin si Derrick sa Body of Work: The Bench Show, considering na magpapakitang-gilas doon sina Alden Richards, Joshua Garcia, SB19, David Licauco, Andres Muhlach, Jameson Blake, Bruce Roeland, Teejay Marquez, Kyle Echarri, at napakarami pang iba.
Read: Hubadero 2024 Yearender: Male Celebrities Who Dared To Bare
