GORGY RULA
Suportado ng ilang Sparkle artists ang premiere night ng pelikulang Sinagtala na ginanap sa SM Megamall noong Huwebes, March 20, 2025.
Maagang dumating sina Yasser Marta, Tanya Ramos, at sumunod na rin sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.
Pero ang nakakatuwa nung gabing yun ay ang suporta ng loved ones ng mga bida ng pelikula na sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Rayver Cruz, Arci Muñoz, at Matt Lozano.
Dumating ang girlfriend ni Rayver na si Julie Anne San Jose kasama ang kapatid ng aktor na si Rodjun Cruz at ang tiyuhin nito.

Habang nasa red-carpet si Rayver ay tuwang-tuwa si Julie Anne na kinukunan ng video ang boyfriend.
Nagbeso at mahigpit na nagyakapan ang magkasintahan.
Read: Rayver Cruz feels sure that he wants to marry Julie Anne San Jose
Humalik din si Rhian sa boyfriend na si Sam Verzosa, na nandoon para suportahan ang aktres.
Dumating din ang asawa ni Glaiza de Castro na si David Rainey kasama ang kapatid ng aktres na si Alchris Galura.
Marunong na palang mag-Tagalog si David. Kahit tinatanong mo siya ng Tagalog, naiintindihan na niya ito.
Read: Glaiza de Castro handa nang magka-baby sa asawang si David Rainey
MATT LOZANO'S FIRST BIDA ROLE IN A MOVIE
Si Matt Lozano ay suportado ng pamilya.
Sabi nga ng Kapuso actor, tiyak na maiiyak ang mama niyang si Elaine Carriedo-Lozano dahil alam nitong matagal nang pangarap ni Matt magbida sa isang pelikula
“Sobrang proud… alam ni Mama to. Siyempre bata pa lang ako, sinasabi ko na kay Mama na gusto ko mag-artista, gusto ko magbanda.
"And nung nalaman niya na napabilang ako dito sa pelikulang ito, siyempre umiyak siya.
“Kasi alam niya na pangarap ko magkaroon ng pelikula, makapag-perform sa napakaraming tao,” pakli ni Matt.
May grupo naman ng fans si Arci na talagang naka-uniform na T-shirt at may dalang streamer ng Kapamilya actress.
Naaliw ang fans nang magpa-sample ang mga bida ng Sinagtala ng theme song ng kanilang pelikula.
Read: Arci Munoz, ilang beses iniligtas ng K-pop group na BTS

ORIGINAL SONGS
Sa totoo lang, mas nagustuhan namin ang Sinagtala kumpara sa dalawang pelikulang nakapasok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Isinabmit ito sa MMFF 2024, pero hindi napili.
Tama nga ang sinabi ng writer at direktor ng Sinagtala na si Mike Sandejas na isa sa maipagmamalaki niya ay ang mga kantang ginamit sa pelikula.
Okay rin yung theme song ng Sinagtala band, pero mas gusto ko yung mga English songs dito kagaya ng original na kantang "Dear Love" at "Rise Above."
Saad ni Direk Mike: “I can say we have one of the best musical soundtracks in Philippine cinema history.
“I think the story itself is something that, you know, anyone can relate to. And it’s very relevant. And there are a lot of twists and turns in the film as well, that people will hopefully will talk about.”
Read: Sinagtala director, kampanteng kikita ang kanyang pelikula
VERY TIMELY FOR HOLY WEEK
Sa April 2 na ang showing ng Sinagtala, at tila nababagay ito bago ang Holy Week dahil sa inspiring na mensahe ng pelikula.
Sabi nga ni Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA Pictures: “Sinagtala is the perfect movie to watch coming into the Holy Week.
"The theme and message of the movie will surely put our hearts, minds, and souls ready for this holy season.
"It’s a very moving and touching movie that will leave so many heartwarming lessons that we can ponder on.”
NOEL FERRER
Ganito rin ang sinabi ni Rhian Ramos sa nakaraang media conference ng Sinagtala, na tamang-tamang sa April 2 ang showing ng kanilang pelikula, bilang paghahanda na rin sa Semana Santa.
Sabi ni Rhian: “Feeling ko yung nararamdaman ko sa movie na ito, it’s divinely timed, na yung timing is something na makakatulong din sa movie that will help us get more views.
"Kasi, I believe April 2, papunta pa lang sa Holy Week.
“But I think it is the time of year where we, us Filipinos, are… since we are a Catholic-Christian country, we’re all ano, e, looking for our connection.
"We want to feel more connected spiritually. We go through extra lengths, we go to church, we pray with our family, we fast.
"So, I just really... like, there’s a reason kung bakit ito yung nakuha naming playdate.
“Because I think we have something that people will be looking for and that people need to hear.
"And we really feel that, hopefully, a lot of people watch this movie, because it has touched us individually in so many ways.
“And even the process of making the movie or writing it or filming has already saved lives. So, I felt like when people watch it, it will probably save more lives.”
Read: Rhian Ramos, kailan pipirmahan ang "most important contract"?
RHIAN'S LOVE FOR MUSIC
Sabi pa ni Rhian, dahil sa Sinagtala ay bumalik ang interes niya sa pagsulat at pag-record ng kanta. Meron daw siyang ire-record ngayon na isang cover para sa International Women’s Month.
“I haven’t written a new song lately, but I’m planning to record just a version of a song that means a lot to me because it’s Women’s Month.
“So before the month is over, I want to sing it and raise it, just for fun. It’s just a song that I loved na may meaning lang for me.
“It’s a song na when I play it in my room, or when I sing it or when I play it in the park, I feel empowered.
“So, kaya ko siya gustong i-share, kahit mas magaling naman yung original,” sabi pa ni Rhian.
Nag-sample pa si Rhian ng kantang "I Am Woman" ni Emmy Meli.
JERRY OLEA
Mabuti at nag-premiere na ang Sinagtala kahit sa Abril 2 pa ang playdate nito. Mas napo-promote ito, ika nga.
Noong Marso 19, Miyerkules, nag-open sa local cinemas ang horror movie na Postmortem starring Alex Medina, Jai Asuncion, Agassi Noriega, and Jennica Garcia. May special participation dito si Aiko Melendez.

Palabas ang documentary na Eraserheads: Combo on the Run sa mahigit 150 sinehan simula ngayong Biyernes, Marso 21, hanggang Linggo, Marso 23.

Patterned ang release nito sa 2023 documentary musical na Taylor Swift: The Eras Tour na weekend nag-showing worldwide.
Ongoing ang 2nd Puregold CinePanalo filmfest sa Gateway Cineplex 18, Cubao, Quezon City hanggang Marso 25, Martes.
Tampok dito ang pitong full-length films — Salum, Tigkiliwi, Co-Love, Journeyman, Fleeting, Sepak Takraw, at Olsen’s Day.
Read: Ruby Ruiz, Khalil Ramos, Gabby Padilla win at CinePanalo 2025
Sa Marso 26 naman ang playdate ng My Love Will Make You Disappear nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Nakapuwesto sa Black Saturday, April 19, ang playdate ng Fatherland nina Allen Dizon at Iñigo Pascual, maging ang Samahan ng mga Makasalanan nina David Licauco, Sanya Lopez, at Joel Torre.
Ang Sinagtala, Postmortem, Eraserheads: Combo on the Run, at Fatherland ay pawang nag-aspire lumahok sa MMFF 2024.

