PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBA Finals, nakaapekto sa ratings ng mga katapat na shows

FPJ's Batang Quiapo, hindi pa rin natitinag sa primetime.
by PEP Troika
Published Mar 21, 2025
ginebra tnt pba finals
The ongoing PBA Finals between Ginebra San Miguel and TNT Tropang Giga affects the ratings of the programs in the other channels on free TV.
PHOTO/S: PBA Facebook

GORGY RULA

Malakas pa rin talaga ang basketball, lalo na kapag sikat na teams ang naglalaban.

Nasa Game 4 na ngayon ang Finals ng PBA Commissioner's Cup sa pagitan ng Ginebra San Miguel at Talk N' Text.

Matindi ang labanan ng dalawang koponan at marami ang sumusubaybay sa kanila.

Umaabot ang rating nito sa 4%.

Napapanood ang PBA sa RPTV 9 tuwing Miyerkules, Biyernes, at Linggo.

Dahil sa PBA Finals, apektado ang ratings ng mga programang katapat nito sa GMA-7, TV5, at pati sa Kapamilya Channel.

Read: Esnyr, apple of the eye ng PBB Celebrity Collab male housemates

pba finals
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RATINGS OF PRIMETIME SHOWS

Kagaya noong Miyerkules, March 19, 2025, bumaba ang rating ng mga primetime show.

Ang 24 Oras ng GMA-7 ay naka-12%; ang TV Patrol ng Kapamilya Channel ay 3.4%; at ang Frontline Pilipinas ng TV5 ay 2.4%.

Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay 8%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 14.7%.

Pagkatapos nito ay ang Mga Batang Riles na 7.9%, at ang Incognito naman ay 8%.

Ang My Ilonggo Girl na magtatapos na ay 7.9%, at 3.7% naman ang Saving Grace.

Sumunod ang PBB Celebrity Collab Edition na 3.9%.

JERRY OLEA

Kagabi, Huwebes, March 20, ang pagtatapos ng My Ilonggo Girl nina Jillian Ward at Michael Sager.

Noong gabing yun ay naka-12.8% ang 24 Oras, naka-2.5% ang Frontline Piipinas, at ang TV Patrol ay 3.6%.

Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay 7.7%, at patuloy itong inilalampaso ng FPJ’s Batang Quiapo na naka-15.9%.

Sumunod ang Mga Batang Riles na 8%, at ang Incognito ay 9.1%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At ang finale ng My Ilonggo Girl ay naka-8%, at 4.1% ang Saving Grace.

Ang Pinoy Big Brother naman ay 4.2%.

Read: Batang Quiapo, unbeatable sa ratings at online views

NOEL FERRER

Pagdating sa Afternoon Prime ng GMA-7, nangunguna ang Mommy Dearest.

Hanggang June 2025 na lang daw ito at malapit na silang magtapos ng taping.

Pero ang Prinsesa ng City Jail ay mae-extend pa.

Narito ang ratings ng afternoon shows noong Miyerkules, March 19:

Ang It’s Showtime ay 5.8%, at ang Eat Bulaga! ay 3.6%.

Ang Prinsesa ng City Jail ay 6.7%, at sumunod ang Mommy Dearest na naka-7.2%.

Medyo tumaas ang Bituing Marikit na 6.1%, at ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.9%.

Sumunod ang Red Balloon na 2.3%, at ang Family Feud naman ay 7.6%.

Noong Huwebes, March 20, ang It’s Showtime ay 5.9%, at ang Eat Bulaga! ay 3.3 percent.

Ang Prinsesa ng City Jail ay 6.4%, at ang Mommy Dearest ay 6.5%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Okay na rin ang Bituing Marikit na naka-6.3%, at ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.2%.

Ang Red Balloon ay 2.3%, at ang Family Feud ay 7.8%.

Read: Binibining Marikit, hindi pa humahataw nang todo sa ratings

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The ongoing PBA Finals between Ginebra San Miguel and TNT Tropang Giga affects the ratings of the programs in the other channels on free TV.
PHOTO/S: PBA Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results