GORGY RULA
Ang dami pang mga nakaw-eksena na puwedeng pag-usapan sa Body of Work: The Bench Show noong Biyernes, March 21, 2025, sa SM MOA Arena.
Hindi rin kasi nagpahuli ang mga hot mommas na sina Ina Raymundo, Sunshine Cruz, Priscilla Meirelles, Max Collins, at Zeinab Harake.
Ang gaganda ng katawan nila at winner pa rin sa awrahan sa stage.
HOW TO BE SUNSHINE CRUZ AT 47
Nakakasilaw ang kinis ng balat ni Sunshine na talagang pinaghandaan ang pagrampa niya.
Naka-text ko siya ngayong umaga ng Sabado, March 22, at pangatlong show na raw niya ito sa Bench.

Naka-dalawang fashion week siya noong nakaraang taon.
“First time rumampa sa ganyang kalaking stage wearing undies!” text ni Sunshine sa akin.
Tinitiyak lang ng aktres na nami-maintain niya ang ganda ng katawan at pagiging healthy.
“Workout 3 to 4 times a week ako consistently for a year na din and I choose to continue na.
“At 47, kailangan consistent na sa exercise for longer and happy life (smile emoji),” text niya ulit sa PEP Troika.
Tatlong smile emojis lang ang sagot ni Sunshine nang tinanong ko siya about Atong Ang.
Napanood ba ng negosyante ang pagrampa niya?
Huli na kasi sinabi sa akin ng kaibigan sa industriya na si Bernard Cloma na nakita raw niya sa harapan si Atong.
Read: Instagram official? Sunshine Cruz posts photo with Atong Ang
ina raymundo still fit at age 49
Bongga rin ang awrahan ni Ina Raymundo, na isa sa mga tinilian noong gabing yun.
Nakausap ko ang manager niyang si Pola Punla, at ayon dito, talagang consistent daw ang exercise ni Ina at maingat ito sa kinakain niya.
Sabi ni Pola, “Mag-50 na siya sa December, pero ang fit pa rin niya talaga.
"Naku, gusto pa nga niyang magkaanak. Gusto niya marami pa siyang mga anak.”

Very proud daw ang husband ni Ina na si Brian Poturnak, na first time napanood ang asawa niyang rumampa nang naka-underwear.
Gusto raw sanang manood ng maganda ring anak nilang si Mikaela Jade, pero 16 years old pa lang ito at hindi allowed ang minor sa naturang fashion show.
Read: Ina Raymundo has important reminder for moms, younger generation
JERRY OLEA
PRISCILLA MEIRELLES, FABULOUS AT 40
Si Priscilla Meirelles naman ay parang bumalik sa beauty pageant days niya. Napaka-fit!
Talaga namang dedicated siya para maging fit kaya nitong nakaraang five months, 40 pounds din ang nabawas sa kanyang timbang.
Imagine, "2-3 hours seven days a week" ang kanyang fitness routine.

Read: Here's how Priscilla Meirelles lost 40 pounds in 5 months
Effortless din ang daughter nina Janice de Belen at John Estrada na si Kaila Estrada.

Kasabay ni Kaila sa pagrampa nang naka-underwear sina Jameson Blake, Elyson de Dios, at Rere Madrid.
View this post on Instagram
Ang ganda tingnan ng mother-daughter tandem nina Sunshine Cruz at Angelina Cruz na kasabay sa pagrampa sina Icee Ejercito, Isabella Pascua, at Angelica Lao.

Bongga rin sina Max Collins at Zeinab Harake na parehong mommies.
View this post on Instagram
View this post on Instagram
May kani-kanyang sizzling moment sina Lovi Poe, Janine Gutierrez, at Michelle Dee na umawit ng single niyang "Reyna."



Wagas ang pagkaldag ni Kirk Bondad, at may kanya-kanyang gimik sa pagrampa sa stage sina Royce Cabrera, Teejay Marquez, Shaun Pelayo,Mark Rivera, Johnvic de Guzman, Jay Ortega, Kevin Dasom, Josh Barfuss, Cheovy Walter, Kitt Cortez, Dom Corilla, Bruce Roeland, Brix Ramos, Zach Guerrero, Kenneth Stromsnes, Argel Saycon, Denver Argana, Dave Franco, VMX hunks na sina Chad Solano at MJ Abellera, at Nunoy Revlon.


Rampadora Alindog din sina Chie Filomeno, Lou Yanong, Celeste Cortesi, Ara Arida, Roxie Smith, Dia Mate, Gazini Ganados, Bea Gomez, Alethea Ambrosio, Michelle Arceo, Annabelle McDonnell, Roberta Tamondong, Sam Bernardo, CJ Opiaza, Tracey Perez, Dindi Pajares, Chanel Morales, Sofia Santos, Riana Pangadian, Isabela Bilasano, Gwen Fourniol, Maria Gigante, Anji Salvacion, at Verushka. Slay!

Andiyan din sina Anton del Rosario, Eya Laure, Robbie Jaworski, Diego Gutierrez, at napakarami pang iba.

NOEL FERRER
In the end, ang dumadagundong talagang reaksiyon—hindi maitatanggi—ay hindi yung mga naghubad o nang-agaw-eksena at nagpakita ng kung anu-ano, kundi ang SB19 na nag-perform ng kanilang latest hit na "DAM."
View this post on Instagram
Iba ang impact nila sa Body of Work.
Given na yung marubdob na pagpe-perform nila. Pero yung style at yung class na meron sila, ibang level.
Pure talent and charisma talaga sila. Captured talaga ang brand essence at yung kalooban ng ipinagkakapuring Pinoy.
Congratulations, Bench!
