GORGY RULA
Trending pa rin si Gabbi Garcia ngayong Marso 23, 2025, dahil sa pagpasok niya sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab kagabi.
Totally clueless ang Kapuso It Girl.
Ang ganda pa naman ng pagkaka-intro ni Gabbi na abangan kung sino ang susunod na Kapusong ipapasok sa Bahay ni Kuya.
Sa simula, aakalain na ang lalaking ito na naka-hood ang next guest housemate...

...pero si Robi Domingo pala yun.

GABBI GARCIA SHOCKED ABOUT ENTERING PBB HOUSE AS GUEST
Na-windang talaga siya nang ipinakita ang video at siya nga ang next house guest.
Pinawisan daw ang kili-kili niya.

At ang unang worry niya ay kung may makakain ba siya sa loob, dahil bumagsak ang mga housemates sa kanilang weekly task.
Nakausap pa ng PEP Troika si Gabbi sa nakaraang media conference ng bagong murder-drama series na Slay, na magsisimula na sa GMA Prime bukas, Lunes, March 24, pagkatapos ng Mga Batang Riles.
Alam niyang ipapasok din siya sa Bahay Ni Kuya, pero clueless talaga siya kung kailan ito.
“Ayun na nga! Diyuskoday, gabi-gabi iniisip ko, kailan ba ako ipapasok nila sa loob ng Bahay ni Kuya. Kasi hindi talaga nila sa akin sinasabi.
“Ang sabi lang, ‘Anytime ka.’ So, basta sinasabi, anytime. Hindi ko alam kung kailan,” bulalas ni Gabbi.
Ang wish lang ni Gabbi, sana ay nakapaghanda man lang siya bago pumasok sa Bahay Ni Kuya.
“Okay lang ako pumasok sa loob ng bahay? Walang problema. But it’s really yung, 'Shucks, kailan ba?'
"Yun yung bubulagain ka na lang nila, na eto na, my god!” dagdag ni Gabbi.
Base sa nasilip naming mga eksena sa PBB Celebrity Collab, mukha namang nakakapag-adjust na si Gabbi sa mga housemates sa loob.
Read: PBB Celebrity Collab Edition: Meet the 15 housemates
JERRY OLEA
Sobrang na-enjoy ni Gabbi Garcia ang hosting niya sa PBB Celebrity Collab dahil kasundung-kasundo na niya ang mga Kapamilya co-hosts.
“Kapag nagho-host ako, yun ang sinasabi ko sa kanila, e, I just have fun.
“Yun yung nag-Miss Universe ako last year for hosting, lahat ng yun, I was just really having fun. Kaya feeling ko, it works kasi okay, may pressure, merong konting kaba, pero mas nag-e-enjoy ako habang ginagawa ko siya,” pakli ni Gabbi.
Masaya siya sa mga magagandang feedback na natatanggap niya.
“Ano talaga sa PBB, tuwang-tuwa ako sa feedback ng lahat.
"For me, of course, nung una medyo iniisip ko na grabe, ang daming magagaling na hosts. Ang suwerte ko na napunta ako dito.
"Pero reading all the feedbacks? I’m so happy. Sobrang happy that never pinaramdam sa akin ng mga hostmates na bago ka, ganyan.
“In fact they really helped me to know what to do. Inalalayan nila ako,” dagdag ni Gabbi.
Samantala, kakaibang Gabbi ang mapapanood sa Slay simula Lunes, March 24, pagkatapos ng Mga Batang Riles.
Sa Abril 2 naman mag-i-streaming sa Netflix ang pelikula nila ni Khalil Ramos na How To Cheat Death.
Kapapanalo lang ni Khalil bilang best actor sa ongoing 2nd Puregold CinePanalo filmfest para sa Olsen’s Day.
NOEL FERRER
Maganda iyang experience na iyan kay Gabbi Garcia para alam niya ang pakiramdam ng pagiging housemate sa loob ng Bahay Ni Kuya, katulad ng ibang co-hosts niya.
In fairness kay Gabbi, nasa kanya ang fire na maging mahusay na host, at gusto ko talaga sila ni Khalil Ramos dahil tugma ang drive nila for excellence.
Si Khalil ay mahusay sa pag arte, sa pelikula man o teatro.
Mind you, I think Khalil would make a good host, too, given the chance, ha?!
He’s actually more articulate than the other Kapuso stars na natotoka sa hosting din!
I-try lang nila si Khalil, promise, magaling iyan! Basta, we’ll be cheering Gabbi on as a housemate/host.
And she can learn a lot from her co-hosts na mahal din natin, sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros.
Maganda itong nangyayari ngayon sa PBB! Tuloy lang!!!
Read: Gabbi Garcia to host Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab
