PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ross Pesigan on frontal nudity in Anino Sa Likod ng Buwan

Anino Sa Likod ng Buwan, magkakaroon ng second run sa October 2025.
by PEP Troika
Published Mar 24, 2025
ross pesigan elora espano martin del rosario anino sa likod ng buwan
Anino Sa Likod ng Buwan stars (L-R) Ross Pesigan, Elora Espano, and Martin del Rosario look foward to the second run of their play in October 2025 after its sucessful first run.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Halos mawalan ng boses sina Elora Españo, Martin del Rosario, at Ross Pesigan matapos ang performance nila sa finale ng dulang Anino sa Likod ng Buwan nitong Marso 23, 2025, Linggo ng gabi, sa PETA Theatre Center, New Manila, Quezon City.

Nag-open ang dula noong Marso 1.

Ano ang pakiramdam nila nang magwakas ang first run nito?

Tugon ni Martin: “Masaya lalo na sa akin, first time. Parang ang saya na naka-achieve ako ng ganitong bagay sa buhay ko, parang ganun. Malaking achievement.”

Sambit ni Ross: “Akala ko, mase-sepanx ako. Pero wala, e, ang saya kasing binuo.

"Tapos kahit mabigat yung materyal, yung pinatawa pa rin namin siya kada after rehearsal, ganyan.

“Kaya wala talagang totoong separation anxiety. Saka babalik din naman kami!”

Read: Anino Sa Likod ng Buwan opening night, star-studded

ross elora martin anno sa likod ng buwab
Ross Pesigan, Elora Espano, and Martin del Rosario during the curtain call of their last performance for the first run on Anino Sa Likod ng Buwan.
Photo/s: Jerry Olea

ANINO SA LIKOD NG BUWAN TO RETURN IN OCTOBER

Ini-announce ng executive producer na si Direk Perci Intalan na ipalalabas muli ang dula sa Oktubre.

“Abangan niyo po yun. So October, marami pong inihahanda si Direk Tuxqs. Marami pong sorpresa,” pahayag ni Direk Perci.

“Halloween po yun. Baka totoo na yung kapre by then.”

Ang dulang Anino sa Likod ng Buwan ay idinirek ni Tuxqs Rutaquio, mula sa panulat ni Direk Jun Robles Lana na executive producer din.

NOEL FERRER

Ano ang reaksiyon nina Elora Españo, Martin del Rosario, at Ross Pesigan nang sabihan silang may second run ang Anino sa Likod ng Buwan sa Oktubre?

“Go agad!” mabilis na tugon ni Ross, at agad nag-second the motion sina Elora at Martin.

Ang mga understudy sa dula ay sina Denise Esteban, Edward Benosa, at Vincent Pajara.

Sabi ni Elora, “Understudies/alternate na sila. So, mas maraming show for them.”

Read: Denise Esteban may pagkakaiba ang paghuhubad sa VMX at sa teatro?

martin elora ross anino sa likod ng buwan
Martin del Rosario, Elora Espano, and Ross Pesigan in a scene from Anino Sa Likod ng Buwan.
Photo/s: The IdeaFirst Company Facebook

ROSS PESIGAN FIGHTS FOR FRONTAL NUDITY

Babad na babad ang frontal nudity ni Ross sa Anino sa Likod ng Buwan mula sa second night nila.

Ani Ross, “Audition pa lang ho, umoo na ako. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Singit ni Elora, “Actually, siya ang nagpapayag sa kanila! Na maghubad. ‘Maghuhubad ako.’ Ganun.”

Sa press preview noong Pebrero 8 sa Arete, Ateneo de Manila University, Quezon City ay hanggang butt exposure lang si Ross, samantalang si Martin ay “half-half” ang ibinuyangyang.

Sa opening night, “half-half” pa rin ang paandar ni Martin, samantalang pinag-hello ni Ross ang “ulo ng mga nagbabagang balita.”

Sa second night, aksidente raw na naitodo ni Martin ang pagpapasilip, samantalang nag-umpisa na roon ang babad na pagtatalop ni Ross.

Read: Martin del Rosario nagpasilip ng "tangkay" sa entablado

Paliwanag ni Ross, “Pinipilit ko nga kasi nung una, nahihiya pa si Sir Tuxqs, ganyan. Tapos na-realize ko, pag pinakita ko kasi nang buo, tapos ganun yung context, hindi nila bibigyan ng malisya.

“Pero mas maa-alienate pa lalo sila. So, dinefend ko yun kay Sir Tuxqs. ‘Hindi, Sir Tuxqs, ito talaga dapat.’ Ipinaglaban ko siya! Yung hubad.”

Pagbibiro ni Elora, “Exhibitionist lang po talaga siya. Charot! Charot. Charot lang!”

Dagdag ni Ross, “Pero yun, kaya ano, after nun, actually mas komportable ako. Kasi hindi nabibigyan ng malisya yung hubad.

“Kesa kunwari, yung itinatago ko pa. Dun ako mas nahihiya.”

Read: Martin del Rosario at Ross Pesigan, may frontal nudity sa play

ross pesigan anino sa likod ng buwan
Ross Pesigan plays Nardo in Anino Sa Likod ng Buwan.

Si Elora at ang understudy niyang si Denise ay walang kiyeme sa mga mapangahas na eksena.

Ang mga lalaking understudy na sina Edward at Vince ay parehong hindi nagtanggal ng white brief nang mag-perform sa matinee noong Marso 15.

Sa pelikulang Anino sa Likod ng Buwan (2015) na idinirek ni Jun Robles Lana, si Anthony Falcon na gumanap bilang Nardo (character ni Ross sa dula) ang nag-frontal nudity.

Ako, papanoorin ko ulit ang dula if only to see the potential of the alternates.

Congratulations, Team Anino and The IdeaFirst Company!

GORGY RULA

Mula sa kinauupuan ko ay medyo humaharang si Elora Españo sa eksenang naghubo’t hubad si Ross Pesigan.

In fairness, jumo-Joshua Garcia ang looks ni Ross sa Anino sa Likod ng Buwan.

Kung balot na balot si Joshua sa Body of Work: The Bench Show last Friday sa SM MoA Arena, ito namang look-alike niyang si Ross ay talop na talop.

Noong Sunday night, hindi ko na-sight iyong “half-half” ni Martin.

Natakot ba siyang mag-all out dahil nanood ang mommy niya?

Sagot ni Martin: “Hindi naman. Pero ever since naman, yung ano ko talaga, ginagawa ko… kasi ang obligation dun sa scene is to tease naman.

“To tease naman, so bakit mo… nasa line naman, di ba? Yung sa second night, aksidente. Hindi ko natantiya.

“Aksidente kong naganun. Nagkatinginan kami ni Ross. ‘Uy! Nalabas ko!’”

Read: Elora Espano, "nag-orgasm" pagkatapos ng Anino sa Likod ng Buwan

martin del rosario anino sa likod ng buwan
Martin del Rosario in one of his daring scenes in Anino Sa Likod ng Buwan.
Photo/s: Martin del Rosario Facebook
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anino Sa Likod ng Buwan stars (L-R) Ross Pesigan, Elora Espano, and Martin del Rosario look foward to the second run of their play in October 2025 after its sucessful first run.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results