PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBB Celebrity Collab nomination: Anong duo ang unang mae-evict?

Sinu-sino ang dapat isalba?
Published Mar 24, 2025
pbb celebrity collab edition
The three duos nominated for eviction this week in PBB Celebrity Collab Edition are RaMi of Ralph de Leon and Michael Sager (top, left), ACLey of AC Bonifacio and Ashley Ortega (top, right), and WilVer of Will Ashley and River Joseph (bottom, left).
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

No. 1 trending pa rin ngayong Lunes, March 24, 2025, ang hashtag na #PBBCollab1stNomi pagkatapos pumili ang housemates ng duo na posibleng ma-evict sa Bahay Ni Kuya sa darating na weekend.

Ang tatlong duo na nominado ay ang WilVer nina Will Ashley at River Joseph; ACLey nina AC Bonifacio at Ashley Ortega; at ang RaMi nina at Ralph de Leon at Michael Sager.

pbb celebrity collab nominees
The three duos nominated this week: Ralph de Leon and Michael Sager (RaMi), AC Bonifacio and Ashley Ortega (ACLey), and Will Ashley and River Joseph (WilVer).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tindi ng pakiusap ng fans ng housemates na nakasama sa nominado na iligtas sila sa eviction.

Read: Esnyr, apple of the eye ng PBB Celebrity Collab male housemates

Sa mga nababasa kong komento sa X, ang daming nagtatanggol kina Will at River.

Ang iba ay nagsasabing nadamay lang si River, dahil si Will lang daw talaga dapat ang nominado.

Nakapanghihinayang daw kung maaga silang mapalabas sa Bahay Ni Kuya.

May iba ring hindi nagustuhan si Ashley. Meron ding ayaw kay AC.

Ipinagtanggol naman ng ibang supporters na misunderstood lang ang dalawa dahil sa mga ipinapakita nilang attitude sa Bahay Ni Kuya.

Meron ding nagko-comment na si Ralph ang dapat i-save dahil mabait daw itong tao, at meron ding sumusuporta kay Michael.

Pati tuloy ako ay napagastos sa Maya account ko para bumoto sa dalawang duo na gusto kong isalba.

Read: PBB Celebrity Collab Edition: Meet the 15 housemates

PBB CELEBRITY COLLAB TV RATINGS

Interesting talagang subaybayan ang PBB Celebrity Collab Edition, lalo na sa online dahil mas updated at buo itong napapanood, hindi nae-edit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero marami pa rin ang nanonood sa free TV kaya okay ang ratings ng reality show ng GMA-7 at ABS-CBN, lalo na sa weekend.

Noong Biyernes, March 21, ay naka-3.3% ang PBB Celebrity Collab.

Noong Sabado, March 22, kung saan sorpresang ipinasok si Gabbi Garcia bilang houseguest, ay naka-6.9%.

Noong First Nomination Night nung Linggo, March 23, ay 6.7% ang nakuha nito.

Read: Gabbi Garcia, clueless na siya ang next PBB house guest

NOEL FERRER

Mukhang sumisigla ang viewership sa telebisyon dahil maraming sinusubaybayan ang ating mga manonood.

Bukod sa paborito nilang teleserye, buhay na buhay ang mga kalalakihan sa pagsubaybay sa Finals ng PBA (Philippine Basketball Association), kung saan matindi ang bakbakan ng Ginebra San Miguel at Talk N’ Text.

Hindi lang namin nakuha ang rating noong Biyernes, pero tila nakain na naman nito ang viewers ng mga teleserye sa primetime dahil mga kalalakihan din ang audience ng FPJ’s Batang Quiapo at Lolong: Bayani ng Bayan, pati ang Incognito at Mga Batang Riles.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: PBA Finals, nakaapekto sa ratings ng mga katapat na shows

MARCH 21 & 22 PRIMETIME RATINGS

Narito ang ratings ng mga primetime shows noong Biyernes, March 21:

Ang 24 Oras ay 12.3%, at 2.8% ang TV Patrol, at 2.7% naman ang Frontline Pilipinas.

Sumunod ang Lolong: Bayani ng Bayan na 7.8%, at 15% naman ang FPJ’s Batang Quiapo.

Ang Mga Batang Riles ay 7.5%, at ang Incognito ay 8.4%.

Ang Amazing Earth ay 4.7%, at 4.5% ang Saving Grace.

Noong Sabado, March 22, naka-6.7% ang 24 Oras Weekend, 0.8% ang Frontline Weekend, at 0.7% ang TV Patrol Weekend.

Pagkatapos ng PBB Celebrtiy Collab, umangat ang Pepito Manaloto na 9.2%; 1.4% ang Rated Korina; at 4% ang replay ng Rainbow Rumble.

Pagdating ng Linggo, March 23, ay ang taas ng PBA Finals na naka-4.4%.

Kaya maaaring naapektuhan ang mga programang katapat nito: 24 Oras na may 6.6%, at 1.7% ang Tao Po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo bumaba ang Bubble Gang na naka-8%, at ang Rainbow Rumble na naka-3.3%.

Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 13.8%, at sumunod ang replay episode ng The Boobay and Tekla Show na naka 3.6%.

Sa Miyerkules, March 26, ang Game 5 ng laban ng Ginebra San Miguel at Talk N’ Text sa PBA.

Baka mas lumakas pa ito lalo dahil inaabangan kung ang Ginebra ang mananalo, at kumakaway na ang championship sa sikat na koponan.

Pero kung matatalo sila ng TNT, mas matinding labanan na ito sa Biyernes, March 28.

Read: Kapamilya, Kapuso housemates for PBB Celebrity Collab revealed

JERRY OLEA

Nakikini-kinita na nating malaki ang chance na si Esnyr at ang kanyang ka-tandem ang big winners sa PBB Celebrity Collab.

Kaabang-abang kung alin ang unang duo na mae-evict sa Bahay ni Kuya.

Mage-gauge na rito ang lakas ng supporters nina Michael Sager, River Joseph, Ralph de Leon, at Will Ashley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung anuman ang kahinatnan ng botohan, Team Michael Sager tayo. Noon pa man ay subok na natin ang kabaitan ni Michael. Madali siyang kausap.

Approachable din si Dustin Yu. Iyong Josh Ford ay noon pa mailap at hindi ko malapitan.

Read: PBB Celebrity Collab: Ivana Alawi, "kinukuyog" ng male housemates

At any rate, ang game show ni Dingdong Dantes na Family Feud ang nanguna sa mga afternoon program noong Biyernes, March 21.

Nagsimula ito sa It’s Showtime na naka-5.5%, at ang Eat Bulaga! naman ay 3.6%.

Sumunod ang Prinsesa ng City Jail na 6.7%, ang rewind ng Saving Grace ay 0.7%, at ang Frontline Express ay 2.3%.

Consistent pa ring mataas ang Mommy Dearest na 6.7%, at ang Huwag Kang Mangamba ay 0.5%.

Tumaas ang Bituing Marikit na naka-6.4%; ang Viral Scandal ay 0.3%; ang TV Patrol Express ay 0.3%; at ang Wil To Win ay 1.3%.

Ang Red Balloon ay 2.2%, at sumunod na ang Family Feud na naka-7.5%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The three duos nominated for eviction this week in PBB Celebrity Collab Edition are RaMi of Ralph de Leon and Michael Sager (top, left), ACLey of AC Bonifacio and Ashley Ortega (top, right), and WilVer of Will Ashley and River Joseph (bottom, left).
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results