GORGY RULA
Sinimulan nang dinggin ng House Tri Committee ang paglaganap ng fake news sa Pilipinas.
Noong Biyernes, Marso 21, 2025, nagkaroon ng joint inquiry sa Kongreso ang Committees on Public Order and Safety, Information and Communications Technology, and Public Information.
Pinangunahan ito ni Santa Rosa, Laguna representative Dan Fernandez, ang lead chairperson ng Committee on Public Order and Safety.
Read: PEP joins GMA Network's 'Panata Kontra-Fake News' campaign
Sa session ay sinita ang vlogger na si Krizette Chu dahil sa ipinost nito sa social media na marami raw sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang magre-resign dahil sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bilang suporta raw nila ito laban sa pagdala sa dating Pangulo sa The Hague, Netherlands, upang harapin nito ang akusasyong crime against humanity na diringgin ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay House deputy majorty leader Jude Acidre, ang pag-post ni Chu sa social media na ginamit ang terminong “mass resignation” ay seryosong pahayag na maaaring maglikha ng kaguluhan sa ating bansa.
Pinayuhan ang vlogger ng kanyang legal counsel na mag-sorry na lang.
Si Chu pa lamang ang nasampolan sa isyung pagkakalat ng fake news.
Read: Pamilya ni Gloria Romero umalma sa pekeng last will and testament

CELEBRITIES ALSO INVITED TO ATTEND "FAKE NEWS" PROBE
Ang iba pang sobrang apektado ng fake news ay ang mga kilalang artista kaya inimbitahan ang ilan sa kanila na dumalo, pero hindi nga lang nagtugma sa kanilang schedule.
Ilan sa mga naimbitahan ay sina Vice Ganda, Ruffa Gutierrez, Mon Confiado, at Baron Geisler.
Isa ako sa napakiusapang mag-coordinate sa ilang artista, pero walang nagkumpirma.
Huli na lang nag-message sa akin si Baron na hindi raw niya agad natanggap ang imbitasyon. Nanghinayang siyang hindi nakadalo sa naturang session sa Kongreso.
Ayon sa pagsasaliksik ng House Tri Committee, ilan sa mga kilalang artista na nabiktima ng fake news ay sina Angel Locsin, Liza Soberano, Julia Barretto, Gerald Anderson, Catriona Gray; ang broadcasters na sina Jessica Soho at Atom Araullo; at ang athletes na sina Hidilyn Diaz at EJ Obiena.
Inaasahan nilang makakadalo ang nabanggit na celebrities sa susunod na pagdinig sa Kongreso.
Read: GMA News anchor Atom Araullo wins civil case against SMNI hosts
JERRY OLEA
Makabubuting dalirutin kung ano ba talaga ang fake news o information disorder.
Maging malinaw sana sa mga tao ang pag-recognize sa misinformation, disinformation, malinformation, propaganda, o hoax.
Huwag sanang basta-basta isangkalan ang freedom of speech, dahil may kaakibat iyong responsibilidad.
We live in interesting times, Kadiliman vs Kasamaan.
Tatawanan na lang ba natin ang “impiyernoserye” ni Kapitan Tambay sa X (dating Twitter)?
Read: EJ Obiena slams "misleading stories" about him and Carlos Yulo
BIR TASK FORCE TO MONITOR INFLUENCERS
Ang isa pa sa napagpasyahan sa hearing sa Kongreso noong Biyernes ay ang pagbuo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng task force para i-audit kung sumusunod ba sa tax registration compliance and tax payments ang social media influencers.
Sinabi ni Atty. Ron Mikhail Uy ng BIR na ang hakbang na ito ng ahensya ay pagtugon sa rekomendasyon ni Antipolo representative Romeo Acop na magsumite ng listahan ng social media content creators na nabuwisan at kung magkano ang kanilang kinikita.
Ayon kay Atty. Uy, 27 vloggers o content creators pa lang ang naisumite ng BIR sa naturang komite.
Medyo nahirapan daw silang buwisan ang ilan sa vloggers dahil karamihan sa mga ito ay hindi totoong pangalan ang ginagamit at meron pang kapangalan ang iba.
May pag-uutos din sa BIR na alamin kung nagbabayad ng buwis ang social media platforms na Facebook, You Tube, Instagram, at X.
Pero ipinaliwanag ni Atty. Uy na “non-resident foreign corporations” ang mga ito at nagbabayad ang mga ito ng buwis sa bansa kung saan sila nakabase.
Nabalitaan nating may online sellers na kumikita ng PHP32M more or less kada buwan. Nagbabayad din ba sila ng buwis?
Read: Leo Martinez slams Eddie Garcia Bill
NOEL FERRER
Organisado at may makinarya ang karamihan ng nagpapakalat ng fake news.
Naging napaka-divided natin bilang isang bansa.
At hanggang ngayon, imbes na magtalo tayo nang punto por punto — na nakabase sa datos at lohika — puro personal na paninira ang pinalulutang ng ibang trolls.
Dati, ang norm ay huwag na lang pumatol kasi sayang ang effort at oras.
Pero nang naging palasak ang fake news, kasabay sa pagsira sa tinatawag na legacy (mainstream) media, ayun na, kanya-kanyang banat nang wala sa lugar.
Ginawang weapon ang fake news.
At sino ang talo at nag-aaway-away? Tayo!!!
Ang sakit, 'no?
Dapat maliban sa mga artista, bakit hindi ipatawag ng Kongreso sina Leni Robredo at Leila de Lima na biktima ng organisadong fake news?
At magandang itanong, sino nga ba ang nakikinabang sa pagbebenta ng fake news?
Kawawang bayan natin talaga, 'no?
Read: Leila De Lima absuwelto sa 2nd drug case; humingi ng prayers sa isa pang natitirang kaso
