GORGY RULA
Umakyat na sa korte ang reklamong acts of lasciviousness na inihain ni Rita Daniela laban kay Archie Alemania.
Kinumpirma ng legal counsel ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque sa PEP Troika na natanggap na nila ang kopya ng resolution sulat sa Office of the City Prosecutor ng Bacoor.
Naibaba raw ang resolution sa reklamong acts of lasciviousness ni Rita laban kay Archie noong Pebrero 4, 2025.
Read: Rita Daniela speaks up after filing complaint vs Archie Alemania
Nakasaad dito ang rekomendasyon ng city prosecutor na kasuhan si Archie base sa mga ebidensiya at testimonya ng eyewitness.

Hindi namin alam kung na-raffle na ang kaso dahil wala pa kaming nakuhang karagdagang impormasyon tungkol dito.
STATEMENT FROM RITA DANIELA'S CAMP
Ayon kay Atty. Garduque, baka hindi muna magbigay ng pahayag si Rita.
Nagpasalamat naman ang legal counsel ni Rita sa ibinabang resolution dahil matagal din daw itong hinintay ng Kapuso actress.
Ang reklamong acts of lasciviousness laban kay Archie ay inihain ni Rita sa Office of the City Prosecutor ng Bacoor City noong October 2024.
Narito ang kabuuan ng statement na ipinadala ni Atty. Garduque sa PEP Troika: “We are very happy about it. Rita is now one step closer to the justice she deserves.
“She wants to thank all the people who supported her along the way albeit she prays for continues support and prayer as she elevates her legal battle in court.”
Read: Rita Daniela, sinampahan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania
NOEL FERRER
Sa aming pagtatanong sa ilang sources, inaasahan na ang pagbaba ng warrant of arrest kay Archie Alemania.
Bailable naman ang kasong ito sa halagang PHP36,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nagpadala ang PEP Troika ng text message kay Archie para sa kanyang pahayag, pero at this writing, wala pa kaming natatanggap na sagot.
Mananatiling bukas ang PEP Troika sa kanyang pahayag.
JERRY OLEA
Kasama si Rita Daniela sa Liwanag sa Dilim musical na itatanghal hanggang Abril sa Carlos P. Romulo Auditorium sa RCBC Plaza, Ayala Avenue, Makati City.
Sa Abril 16 naman ay streaming na sa Netflix ang Kapuso series na Widows’ War kung saan nagkatrabaho sina Rita at Archie Alemania.
Mabuti at umuusad itong kaso sa pagitan nina Rita at Archie. Nasa husgado na ang pagpapasya kaugnay rito.
Read: QUICK FACTS: What you need to know about Acts of Lasciviousness
