JERRY OLEA
Emotional si Congressman Juan Carlos “Arjo” Atayde sa State of the District Address (SODA) niya noong Marso 24, 2025, Lunes, sa Skydome, SM North EDSA, Quezon City.
Matatapos na ang kanyang termino bilang kinatawan ng unang distrito ng Quezon City.
Tumatakbo siyang muli para sa kanyang ikalawang termino ngayong May 2025 elections.
Read: Sylvia Sanchez recalls delaying Arjo Atayde's entry into showbiz

ARJO ATAYDE'S STATE OF THE DISTRICT ADDRESS
Bahagi ng talumpati ni Arjo: “It is my responsibility to report to my constituents. Public service is public trust.
“Kapag may ibinoboto kayo, ang ibinibigay niyo po ay tiwala. At ang tiwala ay dapat sinusuklian ng tapat, malinaw, at totoong serbisyo.
“That is why transparency and accountability must always be at the heart of governance.
“Bilang inyong kinatawan, responsibilidad kong ipaalam sa inyo kung ano ang ating nagawa, ano ang ating ginagawa, at ano pa ang ating gagawin para sa unang Distrito ng Quezon City.”
Hindi lang daw slogan ang kanyang "Aksyon Agad," kundi ito’y para pagsilbihan ang 450,000 na residente ng kanyang distrito mula nang umupo siya sa puwesto noong 2022.
“It is one of the most diverse districts in Metro Manila. Dito, makikita natin ang iba’t ibang mukha ng ating lungsod,” lahad ng actor-politician.
“May matatanda, may mga bata. May mga estudyante, may mga manggagawa. May maliliit na negosyante, at meron ding mga batikang entrepreneur.
“However, just like any metropolitan or urban area in Metro Manila, we face considerable challenges.
“Isa sa mga pinakamalaking hamon ay ang kahirapan at kawalan ng trabaho, lalo na sa mga nasa impormal na sektor.
“Maraming pamilya na kumakayod ngunit hirap pa ring makatawid sa araw-araw. Ang kawalan ng hanapbuhay ay nagbubunga ng kawalang-katiyakan sa kinabukasan.
“Kaya’t mahalaga ang pagpapalakas ng ating programang pangkabuhayan.
“In terms of healthcare, marami ang hindi pa rin makapagpagamot dahil sa kakulangan ng pondo.
“At ang gastusin sa ospital ay madalas na nagiging pabigat sa kanilang pamilya dahil kulang po ang kita.
“Pagdating naman sa edukasyon at pag-unlad ng kabataan, hindi sapat ang simpleng pagkakaroon lang po ng paaralan.
“Kinakailangan tiyakin na bawa’t batang taga-Distrito Uno ay may de kalidad na edukasyon, at sapat na oportunidad upang mapaunlad ang kanilang talento at kakayahan…
“Kailangan natin ng mas maraming programa para sa kabataang nangangarap nguni’t kapos sa suporta.”
Read: Arjo Atayde fulfills dream of working with Judy Ann Santos
Pagdidiin ni Arjo, ang Aksyon Agad ay ay isang konkretong tugon na batay sa tunay na datos at hinaing ng ating mga kababayan.
“Now, as a legislator, one of my primary responsibilities is to pass laws that bring real and lasting benefits to the Filipino people,” saad niya.
“Sa Kongreso, hindi lang tayo gumawa ng batas para masabing madami tayong pinasa, madami tayong nagawang papel.
“Tinitiyak natin na may direktang epekto ito sa buhay ng bawat Pilipino.
“I have worked to ensure that our laws protect workers and consumers, strengthening our healthcare system, and safeguards our economy against abuse and exploitation.”

ARJO ATAYDE'S LEGISLATIVE HIGHLIGHTS
Pati sa entertainment industry ay ibinahagi ni Arjo na isa rin siya sa nagsulong na maisabatas ang Eddie Garcia Act.
“Nagbigay ng mas ligtas at patas na kundisyon sa trabaho para sa ating mga nasa entertainment industry,” salaysay ng kongresista.
Ito umano ang legislative highlights ni Arjo: 46 Republic Acts, 65 House Bills as Co-Author, 174 Bills as Principal Author, and 78 House Resolutions.
Kabilang sa bills approved by the House of Representatives ang Expanded VAWC Act, Adolescent Pregnancy Prevention Act, Magna Carta of Barangay Health Workers, at Magna Carta of Out-Of-School Youth.
Ani Arjo: “These laws and proposals are more than just pieces of paper. They are a commitment to creating a better, fairer, and more progressive nation.
“Dahil po ang tunay na layunin ng batas ay hindi lang ayusin ang sistemang mali, kung hindi pagandahin ang bawa’t buhay ng Pilipino.
“Wala po talagang mas mahalaga sa isang lingkod-bayan kung hindi matiyak na walang napapabayaan, na bawat pamilya ay may nakakain, may gamot, may oportunidad para sa mas magandang kinabukasan.
“Alam nating hindi laging sapat ang pondo ng gobyerno, alam niyo po yan. Pero hindi natin kayang ipikit ang ating mga mata sa paghihirap ng ating mga kababayan.
“Kaya’t sa abot ng aking makakaya, at sa tulong ng aming pamilya, we are always ready to share our personal blessings so that we could help more people.”
Read: Arjo Atayde surprises wife Maine Mendoza as she celebrates her birthday on Eat Bulaga!
NOEL FERRER
Sabi pa ni Cong. Arjo Atayde: “Sa ilalim ng Aksyon Agad, naisakatuparan natin ang mga programang may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng ating mamamayan.
“Para sa kabuhayan at trabaho, hindi natin hinayaang mawalan ng pag-asa ang ating mga kababayan.”
Among the key accomplishments he highlighted were the following:
– 11,498 workers assisted through the TUPAD emergency employment program
– 1,500 applicants connected to overseas jobs through the Taiwan Job Fair
– 1,100 residents trained under TESDA and other livelihood initiatives
– 245 small entrepreneurs supported with PHP15,000 in capital via the Sustainable Livelihood Program
– 60 dialysis patients a day receiving free treatment at the district’s new facility – 75,466 individuals provided with medical assistance
– 4,598 students receiving CHED educational aid, and 1,410 scholars supported under Tulong Dunong and SMART
– 132,567 families benefiting from the Rice Distribution Program
– 65,300 residents receiving free meals through Kusina on Wheels
– 64,000 families given Pamaskong Handog during the holiday season
– 7,789 families aided after fires and 3,501 families provided with burial assistance
– 40,684 individuals extended financial assistance for various needs
“Sa bawat pisong inilalaan ng gobyerno para sa ating distrito, sinisigurado nating walang nasasayang — lahat ay napupunta sa programang direktang makakatulong sa inyo,” pahayag ni Arjo.
“Public service is not about grand gestures or sweet words — ito ay ang mabilis, epektibo, at tunay na pagtugon sa pangangailangan ng tao…”
Read: Sylvia Sanchez reveals "PHP5M bet" with son Arjo Atayde before his wedding to Maine Mendoza
GORGY RULA
Naiintindihan ni Sylvia Sanchez kung bakit emotional ang anak niyang si Cong. Arjo Atayde sa unang SODA nito.
Ngayon lang ito ginawa ni Arjo dahil gusto raw talaga nitong bago matapos ang termino niya bilang representative ng District 1 ng Quezon City ay mai-report ang mga nagawa nito para sa constituents.
“Alam niyo naman si Arjo, tahimik lang siya, tumutulong, pero siya ang gumagalaw.
“Akala ng lahat, wala siyang ginagawa. Nakukuwestiyon siya.
“Siya yung taga-showbiz na hindi [nagpapasulat]. Siya yung galing sa showbiz na hindi nagpapa-showbiz, alam mo yun?” pakli ni Sylvia nang nakatsikahan ng PEP Troika pagkatapos ng SODA ng kanyang anak.
Ito ay sa kabila ng maraming malapit na entertainment press kay Sylvia at sa kanilang pamilya.
Ayon pa kay Sylvia, hindi napigilan ni Arjo na maluha dahil sa dami ng mga dumating sa SODA para sumuporta sa kanya.
Nandoon ang alkalde ng QC na si Joy Belmonte, kasama si Vice-Mayor Gian Sotto, at nandoon din si RJ Belmonte ng Serbisyo sa Bayan Party-list.
Nag-imbita rin ang kanyang ina na si Sylvia ng entertainment press upang saksihan at i-cover ang event.
Sabi pa ni Sylvia: “Overwhelmed siya, e, ang daming taong nandun. Alam mo yun?
"Saka matagal na niyang balak mag-report bago matapos ang term niya.”
Ayaw raw ni Arjo na nakalagay ang pangalan nito sa projects sa distrito. Tama na raw yung logo nitong "Aksyon Agad" ang nakalagay.
Sinasabihan daw nilang dapat na ilagay ang pangalan, at baka akuin pa ng iba.
Proud mommy si Sylvia dahil nakita raw niya ang katapatan ni Arjo na magsilbi, hindi para mapag-usapan lang.
Ito raw ang isa sa mga pagbabago kay Arjo magmula nang naging pulitiko ito.
“Sobrang happy ako na pinapanood at pinapakinggan ang talumpati niya at napa-proud sa lahat ng mga naging achievements niya.
“Ang nabago pa sa kanya, mas lalo siyang naging selfless at mas lalong nakatuntong ang mga paa sa lupa,” sambit ni Sylvia.
Read: Arjo Atayde, kapatid ni Alfred Vargas kasama sa top performing district representives sa NCR
Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.
