PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ysabel at Miguel, "going strong" kahit bihirang magkita

Ysabel: "Alam naman ng mga tao na mahalaga sa akin si Miguel."
by PEP Troika
Published Mar 26, 2025
ysabel ortega miguel tanfelix
Ysabel Ortega on relationship with boyfriend Miguel Tanfelix: “Pero porke’t hindi kami nagpo-post, hindi kami nag-uusap, hindi kami magkasama. Definitely, nag-iba lang talaga yung focus namin sa ngayon. Pero we still make sure na priority pa rin namin yung… going strong po."
PHOTO/S: @ysabel_ortega on Instagram

GORGY RULA

Kung naka-8% ang finale episode ng My Ilonggo Girl noong nakaraang linggo, naka-5.2% naman ang pilot episode ng Slay (‘Til Death Do Us Part) noong Lunes, March 24, 2025.

Ang katapat nitong Saving Grace ay naka-3.8%.

Itong Slay ang ipinalit sa timeslot ng drama series nina Jillian Ward at Michael Sager na My Ilonggo Girl.

Okay na rin ang ganoong rating ng pilot episode ng Slay dahil kasisimula pa lang naman, at naka-12 episodes na ito sa Viu bago ipinalabas sa GMA Prime.

DARING WITHOUT BEING TOO SEXY

Si Ysabel Ortega ang isa sa mga bida sa Slay.

Kumpara sa ibang mga bida na sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, at Mikee Quintos, mas wholesome ang role dito ni Ysabel.

Read: Julie Anne, Mikee, Gabbi, Ysabel unafraid to show vulnerability

Slay stars (L to R) Ysabel Ortega, Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, and Mikee Quintos during the presscon of the show last March 19, 2025.
Slay stars (L to R) Ysabel Ortega, Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, and Mikee Quintos during the presscon of the show last March 19, 2025.
Photo/s: Courtesy: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Julie Anne, na gumaganap bilang si Liv, ang girlfriend ng karakter ni Derrick Monastrerio, hindi siya kailangang magpa-sexy sa Slay, pero ibang-iba raw siya rito at malayo sa tunay niyang pagkatao.

“Medyo na-imbibe ko yung character niya kasi ano, e… medyo different siya as a person.

"Iba talaga siya. Hindi talaga ako yun. Kasi very strong and very aware siya sa lahat,” sabi ni Julie Anne.

Ganoon din daw kay Gabbi Garcia. Daring na rin para sa kanya ang role niya sa Slay bilang si Amelie.

Pahayag ni Gabbi: “Medyo may pagka-daring, medyo may pagka… hindi naman siya totally kontrabida. Pero there are times na medyo mabi-villainize yung character ko.

“And I’m happy to be able to play that role kasi, most of the time, ako yung mabait, ako yung bida.

"But ngayon sa Slay, I get to play around.

"Kasi hindi naman palagi nakakuha ng role na medyo may pagka-villain nang konti. So, happy ako.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Ysabel naman daw rito ang pinakabunso. Ginagampanan niya ang role bilang si Yana.

Saad ni Ysabel: “Ako ang pinakabunso sa amin na apat, very bubbly kasi ang character ko dito and very innocent.

"So, there are a lot of factors that will go along with that.

“I think it’s daring in a sense na bakit kayang pumatay ng isang babae.”

Tatakbo ang kuwento ng Slay sa kung sino ang pumatay sa role ni Derrick sa pamamagitan ng pagsunog.

Kaya mukhang kakapitan ng mga manonood ang kuwento nito. Abangan na lang natin.

Read: Julie Anne at Gabbi, proud girlfriends kina Rayver at Khalil

NOEL FERRER

Bukod sa Slay ay nag-taping na rin si Ysabel Ortega sa Sang’gre, pero special participation lang daw siya roon.

Wala pa raw siyang kasunod na drama series, pero may gagawin siyang pelikula.

Tinanong din si Ysabel kung totoo bang ipapasok siya sa Mga Batang Riles, dahil wala pa talagang masasabing leading lady roon ang boyfriend niyang si Miguel Tanfelix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre we don’t know naman what’s going to happen in the future, hindi natin alam. So siyempre, wala naman po kaming kino-close na doors,” pakli ni Ysabel.

YSABEL ON RELATIONSHIP WITH MIGUEL

Sa ngayon ay kanya-kanya raw muna ng pag-focus sina Ysabel at Miguel sa kanilang trabaho, kaya hindi sila gaanong nakikitang magkasama sa mga social media post nila.

Natsismis tuloy na break na raw sila.

Paglilinaw ni Ysabel: “Hindi po kasi kami ma-post ngayon na magkasama kami, which is true naman din po na nabawasan yung times na magkasama kami, dahil nga sobrang busy kami sa mga projects namin.

“Pero porke’t hindi kami nagpo-post, hindi kami nag-uusap, hindi kami magkasama. Definitely, nag-iba lang talaga yung focus namin sa ngayon.

“Pero we still make sure na priority pa rin namin yung… going strong po. Happy. Very happy.”

Hindi lang din sila ganun ka-open sa publiko ng kanilang relasyon.

“Siyempre, there’s still part na we want to keep for ourselves naman din. Pero open naman na talagang very… na alam naman ng mga tao na mahalaga sa akin si Miguel and vice versa,” sambit ni Ysabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gabbi Garcia on juggling career and lovelife: “Time management.”

JERRY OLEA

Pagdating sa ratings ng ibang programa noong Lunes, March 24, medyo bumaba ang karamihan sa mga ito.

Ang Family Feud pa rin ang nangunguna sa afternoon shows.

Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin sa primetime.

Kapansin-pansin na hindi na sumasampa sa 6% o 7% ang It’s Showtime. Wala na kasi ito sa GTV na kahit paano ay may mahigit 1% pang viewership.

Noong Lunes ay naka-5.5% ang It's Showtime, at 3.4% ang Eat Bulaga!.

Pagkatapos nito ay sumunod ang Prinsesa ng City Jail na 6.3%, at ang Frontline Express ay 2.2%.

Ang Mommy Dearest ay 6.7%, at 0.2% lamang ang Huwag Kang Mangamba.

Ang Binibining Marikit ay 6.6%, at ang sumunod na Fast Talk With Boy Abunda ay 4.7%.

Ang Red Ballloon ay 2.8%, at ang Family Feud ay 7.7%.

Sa primetime naman ay naka-13.9% ang 24 Oras, ang TV Patrol ay 3.3%, at ang Frontline Pilipinas ay 2.4%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang daming mga bagong karakter na papasok sa Lolong: Bayani ng Bayan.

Ang iba sa kanila ay galing sa FPJ’s Ang Probinsyano, kaya tingnan natin kung aabangan ito ng mga manonood.

Naka-9.2% ang Lolong: Bayani ng Bayan, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 15.7%.

Sumunod ang Mga Batang Riles na naka- 7.5%, at ang Incognito ay 8.3%.

Pagkatapos ng Slay ay ang PBB Celebrity Collab na naka-3.1%.

Read: PBB Celebrity Collab nomination: Anong duo ang unang mae-evict?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ysabel Ortega on relationship with boyfriend Miguel Tanfelix: “Pero porke’t hindi kami nagpo-post, hindi kami nag-uusap, hindi kami magkasama. Definitely, nag-iba lang talaga yung focus namin sa ngayon. Pero we still make sure na priority pa rin namin yung… going strong po."
PHOTO/S: @ysabel_ortega on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results