JERRY OLEA
Naka-PHP12M ang pelikulang My Love Will Make You Disappear nang mag-open ito sa 380+ cinemas nationwide nitong Marso 26, 2025, Miyerkules, ayon sa Star Cinema.
Bahagi ng post ng Star Cinema sa X (dating Twitter) ngayong Marso 27, Huwebes ng umaga: “Damang dama namin ang KimPau-wer na love and support on our opening day!
“My Love Will Make You Disappear records Php12 Million ticket sales and is now so far the highest opening day gross among all local films in the 2025 Philippine Box-Office!”
Ayon pa sa Star Cinema, may 22 block screenings sa unang araw ang pelikula nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Read: Kim Chiu on kilig moment with Paulo Avelino: "Mahina si Ate ko!"

DID KIMPAU MOVIE SURPASS FIRST-DAY GROSS OF JOSHLIA MOVIE?
Bigo ang KimPau movie na talbugan ang first-day gross ng Un/Happy For You na ipinalabas sa kasagsagan ng Ghost Month last year.
Ang Un/Happy For You na reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang unang Pinoy movie na pinilahan sa takilya noong 2024.
Mahigit 200 sinehan lamang ang pinagpalabasan ng JoshLia movie noong Agosto 14, 2024, at ang opening-day gross nito ay PHP20.5M.
On its second day ay 250+ na ang sinehan ng Un/Happy For You, at umabot na ito sa PHP40M.
Sa ikatlong araw ay nasa 300 na ang mga sinehan ng Un/Happy For You, at PHP65M ang hinamig nito in three days.
Read: Un/Happy For You, naka-PHP253M na sa box office

Tingnan natin kung lalakas pa ang KimPau movie today at sa mga susunod na araw.
Showing na rin ang My Love Will Make You Disappear ngayong Huwebes sa New Zealand, Australia, Malaysia, at Singapore.
Bukas, Marso 28, Biyernes, ay ipalalabas ito sa mga sinehan sa North America.
Tingnan natin kung papasok ito sa Top 10 sa takilya ng U.S. at Canada gaya ng KathDen reunion movie na Hello, Love, Again.
Read: Kim Chiu on ex-boyfriends: "Nagpaalam naman sila nang maayos."
GORGY RULA
Talagang tinutukan ng fans ang KimPau movie dahil inaasahang ito ang kauna-unahang magiging box-office hit sa taong 2025.
Magaling kasi ang Star Cinema mag-promote lalo na sa social media na laging nagte-trending.
Masipag pa sina Kim Chiu at Paulo Avelino mag-promote na hanggang sa U.S. ay pumupunta sila.
Pero gaano kaya ka-happy ang mga taga-Star Cinema sa resulta ng first-day earnings ng My Love Will Make You Disappear?
Ang dinig kasi namin ay PHP20M ang tina-target nilang kitain ng pelikula sa unang araw ng showing nito.
May mga nag-text sa aming hindi ganoon kapuno sa ilang sinehan.
KIMPAU THEATER TOUR
Nag-theater tour ang KimPau noong Miyerkules dahil sa mga nagpa-block screening.
Pero yung ibang sinehan na pinuntahan nila ay kokonti ang nanood kaya hindi na sila pumasok.
Kapansin-pansin pang wala gaanong night crowd, na ang sinasabi ng iba ay araw kasi ng trabaho.
Tingnan natin kung malaki ang itataas nito sa weekend.
Kapag katulad ito ng Hello, Love, Again at Un/happy For You na may word of mouth, baka puwede pang pumalo at lalo pang tumaas ang kikitain nito sa darating na weekend.
Sana naman.
Read: Kim Chiu on kilig moment with Paulo Avelino: "Mahina si Ate ko!"
NOEL FERRER
Pebrero 12, 2025 ang original playdate ng My Love Will Make You Disappear. Tamang-tama sana sa Valentine’s Day.
Iniurong iyon sa March 26 playdate, at ang nag-showing noong Pebrero 12 ay MarJo movie na Ex Ex Lovers. (MarJo as in Marvin Agustin-Jolina Magdangal, hindi Mark Herras-Jojo Mendrez.)
Read: Star Cinema sets new release date for KimPau movie
Kabilang sa Pinoy movies na ipinalabas sa local cinemas sa first quarter ng 2025 ay Her Locket, Sampung Utos kay Josh, Phantosmia, Paquil, Mananambal, Lisik Origin Point, Everything About My Wife, The Caretakers, In Thy Name, Lilim, Postmortem, at Eraserheads: Combo on the Run.
Andiyan din ang pitong full-length films na ipinalabas sa Gateway Cineplex 18 sa Cubao, Quezon City — Co-Love, Salum, Tigkiliwi, Sepak Takraw, Fleeting, Journeyman, at Olsen’s Day.
Read: Ruby Ruiz, Khalil Ramos, Gabby Padilla win at CinePanalo 2025
