GORGY RULA
Handa nang magka-boyfriend si Sanya Lopez.
Sa media conference ng pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan noong Huwebes, March 27, 2025, nagulat ang Kapuso actress nang tanungin ng PEP Troika kung sino ang Chinese businessman na nakaka-date niya.
“Saan galing yan?!” bulalas ni Sanya.
Pero inamin niyang nasa dating stage na nga sila ng Chinese businessman na ayaw niyang sabihin sa amin kung sino.
“Non-showbiz siya. Yun nga, I’m just enjoying, no pressure.
"Tapos, kung sabihin ko naman talaga, kung sino man yung talagang ibigay sa akin ni Lord, siya na yun,” saad niya.
Bukas naman daw siya sa posibilidad na magka-boyfriend na at seryoso naman daw siya rito.
Pursigido raw sa panliligaw sa kanya ang Chinese businessman.
“Siguro naman sa age natin, hindi na tayo maglalaro. When it comes to relationship naman, kahit kanino, seryoso rin naman siya,” napangiting pahayag ni Sanya.
Read: Sanya Lopez wants future boyfriend to be "husband-material"
LOVETEAM WITH DAVID LICAUCO?
Sa Samahan Ng Mga Makasalanan ay co-star ni Sanya si David Licauco, na nakasama rin niya sa GMA-7 historical drama series na Pulang Araw.
Isang satirical comedy ang Samahan Ng Mga Makasalanan. Abangan na lang daw kung magka-loveteam ba sila rito ni David.
Sabi ni Sanya: “Iyon nga ang ini-expect ko. Akala ko nga magiging comedy dito, pero hindi.
"Seksi-seksihan, natutukso, ganun. Puro ganun.
“Iniisip nga ng mga tao kung loveteam ba kami dito o hindi. Panoorin niyo na lang, ganun.”
Kasama rin sa Samahan Ng Mga Makasalanan sina Buboy Villar, Joel Torre, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Euwenn Mikaell, at marami pang Sparkle artists.
Mula sa direksiyon ni Benedict Mique, sa April 19 na ang showing nito sa mga sinehan.

NOEL FERRER
Hinding-hindi pa rin nakakalimutan ni Sanya Lopez ang Pulang Araw kung saan nahirapan daw siya nang husto.
“Talagang nahirapan ako dun emotionally, spiritually, parang ganun po yung feeling ko dati.
“May moments kami dun, lalo na yung mga eksena namin nina Kuya Dennis [Trillo], ni Ate Rochelle [Pangilinan], ang bigat po nun. Hindi siya biro, kasi ang daming nangyari sa buhay namin.
“And na-appreciate ko dun yung mga kasamahan naming talents na dun ko na-appreciate na they’re not just talents.
“Ano sila... sabi nila mga extra, pero sila yung tipo ng talents na talagang talented,” pahayag ni Sanya.
Read: Pulang Araw boasts of ensemble cast, impressive storytelling
ADVOCACY ON COMFORT WOMEN
Patuloy pa rin si Sanya sa kanyang adbokasiya para sa mga comfort women.
“Alam niyo po nung minsang nanalo ako sa isang award sa Trinity, sobrang happy po ako.
“Hindi lang dahil sa nanalo ako, kundi yung panalo kasi na yun ay dedicated to all the comfort women.
“So, parang yung success ng Pulang Araw, success ng bawat isa sa amin.
“Ang sarap lang ng pakiramdam kasi ano siya, Pulang Araw is the story of the unsung heroes.
"So, para po talaga sa kanila… lalo na sa amin na ginampanan namin yung mga comfort women.
“Kumbaga yung panalo namin, panalo din nila,” sabi pa ng Kapuso actress.
Naikuwento rin ni Sanya, na noong ginagawa nila ang Pulang Araw, nakakausap pa niya ang dalawang natitirang comfort women sa Pilipinas.
Pero hindi pa raw sila tapos ng taping ng serye, pumanaw na ang isa sa kanila.
Read: Sanya Lopez, Ashley Ortega nanawagan ng hustisya sa comfort women
JERRY OLEA
Pagdating naman sa lovelife ng kanyang kapatid na si Jak Roberto, ang hiling ni Sanya Lopez ay pareho nang mag-heal si Jak at ang ex-girlfriend nitong si Barbie Forteza.
Magkaibigan sila ni Barbie, pero hindi pa raw nila ito napag-uusapan.
Ganun din daw sila ng kuya niyang si Jak.
Hinihintay lang daw niyang mag-open ang dalawa sa kanya kung okay na ba sila ngayong nagmu-move on pa sila.
“I’m here lang naman. I respect yung kani-kanilang desisyon kung kailan sila mag-open up,” sabi ni Sanya.
“Now, hindi sila nag-open sa akin… may mga tao kasing ganun, e.
“Gustong sarilinin. Gusto nilang kami muna, dahil mas kaya naman namin. So, okay lang.
“Totoo naman yun na hindi siya biro na magkaroon ng relasyon ng seven years.
“Yung lang naman din, pero kung saan sila pareho happy at magkataon na makahanap ng bagong magpapasaya sa kanila, sila yun, e.
“As long as happy lang sila.”
Read: Barbie Forteza announces breakup with Jak Roberto
Siyangapala, sa Abril 19 din ang showing sa mga sinehan ng pelikulang Fatherland na idinirek ni Joel Lamangan, at nagtatampok kina Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, at Ara Davao.
Sina Direk Joel, Cherry Pie, Mercedes, at Ara ay cast members ng FPJ’s Batang Quiapo, na katapat noon sa primetime ng Pulang Araw kung saan tampok sina Sanya Lopez at David Licauco.
