PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Helicopter sakay si Bong Revilla, nag-emergency landing

Elise ng helicopter, napuluputan ng tali ng saranggola.
by PEP Troika
Published Mar 28, 2025
bong revilla helicopter emergency landing
A kite string (center) causes the helicopter carrying Senator Bong Revilla and his team to make an emergency landing in Cebu. They were on their way to the Cebu airport for their flight to Iloilo when the accident happened.
PHOTO/S: Ramon Bong Revilla Jr. Facebook

JERRY OLEA

Bandang alas-kuwatro ng hapon ngayong Biyernes, Marso 28, 2025, nag-Facebook live si Senator Bong Revilla para ibalitang nag-emergency landing ang sinasakyan nilang helicopter sa isang bayan sa Cebu.

Galing ang kanyang team sa isang bayang pinuntahan niya, at papunta na sila sa airport para makahabol sa flight patungong Iloilo City.

Pero kinailangan nilang mag-emergency landing dahil sumabit ang tali ng isang saranggola sa elise ng sinasakyang helicopter.

Lahad ni Bong: “Emergency landing po kami dito sa Cebu. Dapat papunta na ako ng airport at eto.

“May nagpapalipad ng saranggola, buti hindi kami nag-crash. We’re so lucky.

“At least we’re safe po. Nakababa naman kami. Nakapag-emergency landing kami.”

Read: Senator Bong Revilla, may bagong version ng Budots dance

Mabuti raw at nakapag-emergency landing sila sa isang malawak na lugar.

Doon tinanggal ng piloto ang sumabit na saranggola at lumipad sila uli pa-airport.

Halatang kinakabahan daw silang lahat nang muling lumipad ang helicopter na sinasakyan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat si Bong sa may-ari ng lupang pinag-landingan nila.

Nagsimula na ang campaign ng mga tumatakbo sa local positions, at sumabay si Bong sa mga rally sa iba’t ibang bayan sa Cebu.

Mabuti at umabot daw sila sa flight nila pa-Iloilo at nakasama na siya sa campaign rally doon.

GORGY RULA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP Troika ang misis ni Bong na si Congresswoman Lani Mercado.

Kakausap lang daw niya kay Bong sa telepono. Sobrang kinabahan din daw siya.

Hindi raw talaga maiwasan ang mga ganoong bulilyaso lalo na ngayong sunud-sunod ang mga iniikutan nilang kampanya.

Kuwento ni Lani, dapat ay siya ang pupunta sa Cebu pero nabago ang schedule kaya si Bong na mismo ang pumunta.

“Dapat pinapasa niya sa akin ang schedule niyang yan sa Cebu. Tapos, last minute nagbago ng schedule, siya na ang gumawa,” sabi ni Lani.

Medyo masama raw talaga ang panahon sa Cebu, malakas din daw ang hangin.

Mabuti at bago raw yung chopper na sinasakyan nina Bong, at magaling ang piloto kaya maayos silang nakapag-emergency landing.

Lahad ni Lani: “Dapat papunta na sila ng Iloilo… Cebu to Iloilo siya dapat.

"I think dun nangyari yung sabit ng saranggola… kasi din daw, masama yung panahon doon.

“So, dapat talaga careful yung piloto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yun nga siguro… ewan ko ba, kasi yun nga, may mga ganung instances na may nagpapalipad ng saranggola.

“Yun yung mga may pagka ganun, lumalayo sila sa maulan o maulap. Ganun yun, e, umiiwas sila sa bad weather.”

Read: Showbiz personalities na kumakandidatong senador, may advantage

Iyon daw talaga ang risks na posibleng harapin kapag sunud-sunod na ang schedule sa mga lugar na pinupuntahan ng kandidatong nangangampanya.

Saad pa ni Lani: “Kasi nag-jump siya from one town to another para maabutan niya yung mga rally ng bawat area.

“Medyo dikit-dikit talaga… 30 minutes dito, tapos talon. Thirty minutes, tapos talon na naka-chopper.

“Iyon yung mga risk ng chopper rides talaga. Kaya medyo…

"After nung kay Bato [Senator Bato dela Rosa]. Di ba, si Bato bumagsak na rin yung chopper niya, buti hindi siya sakay?

“Ano na talaga ako… ayun, bago pa yung chopper. May mga insidente talagang hindi maganda na hindi maiwasan,” sabi pa ni Lani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Safe naman daw si Bong sampu ng mga kasama nito at walang mas masama pang nangyari.

Read: Vilma Santos at Luis Manzano, iginiit ang kahalagahan ng teamwork

NOEL FERRER

Buti naman at safe si Senator Bong Revilla sa kanyang pag-iikot.

Hayyyy, simula pa naman ngayon ng local campaign, kaya sobrang aligaga ng mga tao.

Kailangan lang talaga ng ibayong pag-iingat ng lahat.

EARTHQUAKE IN BANGKOK

Samantala, nitong Biyernes ng hapon din ay nakatanggap kami ng balita ukol kay National Artist Ryan Cayabyab.

Bumaba raw sila ng misis niya sa hotel dahil sa malakas na lindol sa Bangkok, Thailand, kung saan sila nagbabakasyon.

Nagmadali raw sina Mr C. na umalis ng kanilang hotel.

Ang sabi niya, “Yes. Naka-ready na kami to leave pero walang transport. Seems like there is trouble in the roads system for now.

“Kahit hindi kami umabot sa flight, I think it is important that we get to the airport and decide what to do. Just buy a new ticket pauwi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun nga lang, wala talagang masakyan.”

Patuloy kaming nananalangin na safe ang ating Pambansang Alagad ng Sining sa Bangkok.

Read: Ara Mina running against fellow actress Angelu de Leon in Pasig

Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A kite string (center) causes the helicopter carrying Senator Bong Revilla and his team to make an emergency landing in Cebu. They were on their way to the Cebu airport for their flight to Iloilo when the accident happened.
PHOTO/S: Ramon Bong Revilla Jr. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results