PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla, hindi pa umano oras kaya nakaligtas sa kapahamakan

Bong Revilla, nagpamisa matapos makaligtas sa muntikan nang helicopter crash.
by PEP Troika
Published Mar 30, 2025
revilla family
Senator Bong Revilla (front row, in blue shirt) with his family during the Thanksgiving Mass at their house in Bacoor, Cavite, on March 30, 2025. Front row, from left: Alita Revilla and husband Jolo Revilla, Lani Mercado, Bong, Inah Revilla-Del Rosario, and Brian Revilla.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nagpamisa si Senator Bong Revilla sa kanilang tahanan sa Bacoor, Cavite ngayong Linggo ng umaga, March 30, 2025, para magpasalamat sa pagkakaligtas sa muntik-muntikan nang pagka-crash ng helicopter na sinasakyan niya sa Cebu noong Biyernes, March 28.

Read: Helicopter sakay si Bong Revilla, nag-emergency landing

Kasama ni Bong sa misa ang misis niyang si Congresswoman Lani Mercado; at ang mga anak nilang sina Congressman Bryan Revilla, Congressman Jolo Revilla, Atty. Ina del Rosario, at Board Member Ram Revilla.

Dumalo rin sa misa ang staff ni Bong na madalas niyang nakakasama sa mga kampanya sa iba't ibang panig ng Pilipinas.

Sabi ni Bong, marami na siyang naranasang mga ganoong bulilyaso sa pag-iikot nila sa mga probinsya, pero iba rin daw itong naranasan niya sa sinakyan nilang helicopter.

Kuwento niya: “Na-experience ko na ring merong huminto yung propeller ng eroplano, yung umuusok dun sa eroplano.

"Pero ito naman, iba, sa chopper. Yung tail motor, natamaan ng saranggola. Yung tali, pumulupot dun sa tail motor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Buti nakita ng piloto, naramdaman niya na iba yung tunog ng chopper, nag-emergency landing kami.

“Kung hindi napansin yun, wala na tayo siguro. Sigurado yun, magka-crash.”

Read: Vic Sotto, tinawag na "susunod na Presidente" ang anak na si Vico

SAVED BY STO. NINO?

Para kay Bong, naghimala ang Mahal na Sto. Niño kaya hindi sila natuluyan sa pagka-crash.

Ang Mahal na Sto. Niño daw ang nagligtas sa kanila sa helicopter na sinakyan nila.

“Alam mo, parang naghimala si Mahal na Sto. Niño. Palagi ako nandun, e.

"Yung Mahal na Sto. Niño, nung bumaba yung chopper, dun sa side mismo nandun yung chapel ng Sto. Niño.

“Siya yung unang-unang nakita ko dun habang bumababa yung chopper,” sabi ng actor-politician.

Ang suwerte rin daw na nakakita agad sila ng maayos at safe na lugar para doon mag-emergency landing ang sinasakyan nilang helicopter.

“Supposed to be… e, nasa tabing-dagat yun, e. Hindi siya resort, parang rest house na napakaayos na parang may helipad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Timing lang. Usually, puro mangrove yung makikita mo dun, e. Mabato.

"Iyon, parang clear na clear na area, tapos may chapel,” dagdag ni Bong.

Hindi raw niya alam kung sino ang may-ari ng lugar na kung saan nag-emergency landing sila. Pero inasikaso raw sila roon ng mga tauhan nung lugar.

Kaya nag-post si Bong sa kanyang Facebook account para pasalamatan ang may-ari ng lugar kung saan sila nag-emergency landing.

Read: Arjo Atayde, emotional sa kanyang State of the District Address

JERRY OLEA

Ang isa raw sa napagtanto ni Bong Revilla sa karanasang iyon ay baka meron pa raw gustong ipagawa sa kanya ang Panginoon kaya safe nila itong nalagpasan.

“Pakiramdam ko, meron pa tayong gagawin, may misyon pa siguro tayo. Kaya nagpapasalamat tayo sa Panginoon na binigyan pa tayo ng… hindi pa ako kinuha.

“It’s not yet my time,” sabi ng actor-politician.

Mas maingat daw sila ngayon sa patuloy na pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS

Tuluy-tuloy lang daw sila sa pangangampanya at nakakatuwa raw dahil ang dami nang tumatawag sa kanya ng "Tolome," ang karakter niya sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik na Misis.

“Ang daming tumatawag, 'Tolome, Tolome.' Meron ding 'Pogi, Pogi.'

"Hinihintay na nila ang pagbabalik ni Tolome. At hinihintay din nila yung Alyas Pogi,” napangiting pahayag ni Bong.

Sabi naman ni Bong, pagkatapos ng eleksyon ay malamang na magkaroon ng Season 4 ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na pinagtatambalan nila ni Beauty Gonzalez.

Nagpasalamat na rin si Bong sa Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ang nagwaging Best Mini Series sa katatapos lang na 38th Star Awards For Television.

Read: Senator Bong Revilla, may bagong version ng Budots dance

NOEL FERRER

Ibayong pag-iingat ang inaasahan sa lahat lalo na ngayong panahon ng tag-init at eleksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, lahat ng mag-iikot ng bansa, i-check talaga ang mga safety measure sa transportation at health.

Sana talaga, may mabisang paraan ang COMELEC na nakapagkampanya ang mga kandidato based on issues, at maibo-broadcast ito sa malawakang audience.

Sa tingin ninyo, mare-require ba ng COMELEC na umapir ang mga kandidato para sa maayos na debate o forum?

Wait and see tayo riyan!!!

Read: Lino Cayetano, mala-telenobela ang congressional bid

Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla (front row, in blue shirt) with his family during the Thanksgiving Mass at their house in Bacoor, Cavite, on March 30, 2025. Front row, from left: Alita Revilla and husband Jolo Revilla, Lani Mercado, Bong, Inah Revilla-Del Rosario, and Brian Revilla.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results