GORGY RULA
Muling sinagasaan ng PBA Finals ang primetime shows noong Biyernes, March 28, 2025.
Game 7 na kasi yung PBA Finals kung saan nag-champion ang Talk N' Text laban sa Ginebra, na may pinakamaraming fans.
Sa RPTV lang napapanood ang PBA, pero naka-5.1% ito.
Humaba ang airing ng PBA Finals dahil na-extend ang laro kaya pati ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab na late na ng gabi umeere ay nadamay.
Ang laki ng ibinawas sa viewership ng nangungunang FPJ’s Batang Quiapo, na naka-13.4% lang noong Biyernes. Kadalasan ay sumasampa ito sa 17%.
Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay naka-7.3%, at ang sumunod ditong Mga Batang Riles ay 7.2%. Ang Incognito naman ay 8.4%.
Ang Amazing Earth ay 4.6%, at ang Saving Grace ay 4.2%.
Read: PBA Finals, nakaapekto sa ratings ng mga katapat na shows
PBB HUMAHATAW SA ONLINE
Samantala, ang PBB Celebrity Collab naman na talagang mainit na pinag-usapan sa social media, ay hindi pumalo nang husto ang rating sa free TV.
Noong Sabado, March 29, kung saan nag-trending ang First Eviction Night, ay naka-6.5%.
Noong Linggo, March 30, naman ay naka-7% ang pinag-uusapang reality show.
Patunay itong mas marami na talaga ang nanonood sa YouTube at sa iba pang platforms.
Hindi na nila hinahabol ang airing nito sa free TV.
Sa takbo ng mga pangyayari, lumalabas na binabase ang success ng isang TV show kung nagte-trending ito, at hindi lang sa ratings nito sa free TV.
Read: Online platforms, unti-unting pinapatay ang traditional TV
JERRY OLEA
Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Kapuso programs kung weekends.
Noong Marso 29, Sabado, ang It’s Showtime ay naka-5% kumpara sa Eat Bulaga! na naka-3.5%.
Ang Prinsesa ng City Jail ay naka-6.6%, at ang Tadhana ay naka-5.8%, samantalang ang Huwag Kang Mangamba ay naka-0.5%.
Ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ay naka-8.4%, samantalang ang Pilipinas Got Talent ay naka-5.3%.
Ang Magpakailanman ay naka-8.7%, na siyang pinakamataas ang TV rating noong Sabado.
Ang Time to Dance ay naka-1.2%.
Read: Batang Quiapo, unbeatable sa ratings at online views
NOEL FERRER
Noong Marso 30, Linggo, parehong naka-2.3% ang All-Out Sundays at ASAP Natin ‘To.
Ang Regal Studio Presents ay naka-2.8%; ang Resibo ay naka-3.3%; ang The Atom Araullo Specials ay naka-3.7%; at ang FPJ sa GMA ay naka-4.8%.
Sa mga nakatapat ng Kapuso shows na ito, ang lumampas sa 1% ay Afternoon Movie Break (“Armadong Hudas”) na naka-1.6%.
Ang BBL Gang ay naka-8.8%; ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay naka-13.9% (pinakamataas noong Sunday); samantalang ang Pilipinas Got Talent ay naka-4.3%.
Read: PBB Celebrity Collab nomination: Anong duo ang unang mae-evict?
