PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Box-office Report: Sinagtala, naka-P2.25M sa first day

TV Ratings: Lolong, naka-double digit ratings muli.
by PEP Troika
Published Apr 3, 2025
box office tv ratings
My Love Will Make You Disappear (top, left) has reportedly grossed PHP68M so far in the Philippines; Sinagtala (top, right), on the other hand, reportedly earned PHP2.25M on its opening day. FPJ's Batang Quiapo (bottom, left) remains the No. 1 primetime series; Lolong (bottom, right) reaches double-digit ratings again.
PHOTO/S: Files

GORGY RULA

As of Tuesday, April 1, 2025, ay naka-PHP68M na sa Pilipinas ang pelikulang My Love Will Make You Disappear, ayon sa source ng PEP Troika.

Noong Marso 31, Lunes, ay may press release ang Star Cinema na naka-PHP100M na ito worldwide.

Hindi man naabot ng Star Cinema ang gusto nilang target, okay na rin yun lalo na’t mahina pa rin naman talaga ang mga pelikulang lokal na nag-showing sa mga sinehan.

Malaking tulong kapag nagkakaroon ng holiday dahil lumalabas ang mga tao, nagmu-mall at ilang porsiyento sa kanila ay nanonood ng sine.

Kagaya noong Martes, April 1, na holiday dahil sa Eid Al-Fitr ay naka-PHP9M pa ang KimPau movie.

Sana tuluy-tuloy.

Read: My Love Will Make You Disappear, naka-PHP40M sa four days

my love will make you disappear
Paulo Avelino and Kim Chiu
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SINAGTALA FIRST-DAY GROSS

At ang maganda pa nito, maaring nakatulong ang KimPau movie sa Sinagtala na nag-showing noong Miyerkules, April 2.

Ayon sa aming reliable source, naka-PHP2.25M daw ang first day ng Sinagtala nina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Rayver Cruz, Matt Lozano, at Arci Muñoz.

Malaking tulong din ang mga naka-schedule na block screening.

Ang alam namin ay patuloy na sinusuportahan ang limang bida ng Sinagtala, at pati na rin ang direktor nitong si Mike Sandejas.

Pero sabi nga ng ilang napagtanungan namin, mukhang gusto ng mga taong manood sa sinehan nang magka-holiday at long weekend na rin.

Abangan natin next week na merong holiday uli, sa Miyerkules, April 9, kung makikinabang dito ang mga sinehan.

Sana po talaga.

Read: Sinagtala director, kampanteng kikita ang kanyang pelikula

sinagtala cast
Sinagtala cast: (from left) Rhian Ramos, Rayver Cruz, Glaiza de Castro, Matt Lozano, and Arci Munoz.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Sa totoo lang, hindi lang sa panonood ng sine, kundi pati sa telebisyon ang pinagkaabalahan ng mga tao noong nakaraang holiday.

Maaaring ang ibang kapos sa budget ay nagkasya na sa panonood sa mga programa sa telebisyon dahil tumaas ang viewership noong Martes.

Noong Martes, April 1, ang taas ng afternoon slot ng GMA-7 at okay rin hanggang sa primetime.

Ang It’s Showtime ay 6.5%, at ang Eat Bulaga ay 4%.

Naka-7.6% ang Prinsesa ng City Jail, pero mas mataas ang sumunod ditong Mommy Dearest na naka-7.7%.

Kahit ang Binibining Marikit ay naka-6.8%, at ang sumunod na Fast Talk With Boy Abunda ay 4.4%.

Ang Red Balloon ay 2.7%, at ang sumunod na Family Feud ay 7.1%.

APRIL 1 PRIMETIME RATINGS

Pagdating sa primetime na sinimulan ng 24 Oras ay naka-12.4% ito. Ang TV Patrol ay 3%, at ang Frontline Pilipinas ay 2.6%.

Bahagya ring tumaas ang Lolong, Pangil ng Maynila na naka-9.8%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 14.3%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganundin sa Mga Batang Riles na naka-8.9%, at ang Incognito ay 9.1%.

Sumunod ang Slay, na naka-5.3%, at ang Saving Grace naman ay 4.9%.

Ang PBB Celebrity Collab na laging nagte-trending ay nakapagtala ng 3.2%.

Read: PBB Celebrity Collab, mas humahataw sa online kumpara sa free TV

batang quiapo
Coco Martin, Paolo Paraiso, and Jake Cuenca in a scene from Batang Quiapo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Kahit noong Miyerkules, April 2, ay marami ang mga nanoood sa TV.

Dala na rin siguro ng matinding init ng panahon, hindi na lumalabas ang mga tao, nasa bahay na lang sila at nanonood ng telebisyon.

Maganda pa rin ang ratings ng mga programa ng Kapuso network sa panghapong programa.

Ang It’s Showtime ay naka-6.4%, at ang Eat Bulaga! ay 3.6%.

Ang Prinsesa ng City Jail ay 7.2%, at ang sumusunod na Mommy Dearest ay 7.3%.

Ang Binibining Marikit, kung saan palaban na si Marikit (Herlene Budol) sa mga nang-aapi sa kanya, ay naka-6.9%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.6%, at ang sumusunod na Red Balloon ay 2.5%.

Ang Family Feud naman ang pinakamataas noong araw na yun na naka-7.5%.

APRIL 2 PRIMETIME RATINGS

Pati sa primetime ay okay ang viewership, lalo na’t naka-double digit uli ang rating ng Lolong.

Pero bago iyan ay naka-13.2% naman ang 24 Oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos nito ay ang Lolong na naka- 10.7%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 15.4%.

Pati ang Mga Batang Riles ay tumaas din na naka-9.4%, at ang Incognito ay 10.1%.

Ang Slay naman ay 5.6%, at dumikit ang Saving Grace na naka-5.4%.

Ang PBB kung saan may rebelasyon si Klarisse de Guzman ay naka-3.4%.

Read: PBB housemate Klarisse de Guzman comes out as bisexual

lolong ratings
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
My Love Will Make You Disappear (top, left) has reportedly grossed PHP68M so far in the Philippines; Sinagtala (top, right), on the other hand, reportedly earned PHP2.25M on its opening day. FPJ's Batang Quiapo (bottom, left) remains the No. 1 primetime series; Lolong (bottom, right) reaches double-digit ratings again.
PHOTO/S: Files
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results