PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta, dadalo sa ABS-CBN Ball for the first time

Weight loss journey ni Sharon Cuneta, nakaka-inspire.
by PEP Troika
Published Apr 3, 2025
sharon cuneta weight loss
Sharon Cuneta: “Ito na po ang sagot ko lagi ngayon sa napakaraming nagtatanong, simple lang: 'Sharon! Paano ka pumayat?' Me: 'Opposite ng paano ako tumaba.'
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram

NOEL FERRER

Very inspiring!

Kung nagawa ni Sharon Cuneta na maging disiplinado sa kanyang kalusugan at pangangatawan, challenge din yun sa atin!

Nagulat ang lahat sa ipinakita ng Megastar na kanyang figure nang akmang nag-fitting siya para sa isusuot niya sa "Better Together, Red Carpet" ng ABS-CBN Ball bukas, April 4, 2025.

Sabi nga ni Shawie sa post niya: “On April 4, I am attending the ABS-CBN BALL for the first time, ever.

"I was always invited, but could never come because I didn’t feel like it. I was always so fat.

“Nothing wrong with that per se, but I just never felt like my best self.

"So now that I do, am joining my Kapamilya!!! Finally!!! Yehey!!! Thank You Lord!!!”


Ano nga ba ang ginawa niya? Bakit nga ba siya pumayat nang ganoon?

In fairness, ang ganda ng pagkapayat niya, masaya at hindi tuyot!

Nasabi ko nga, WHATEVER & HOWEVER IT HAPPENED, her losing weight looks like the real healthy & happy kind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

I saw her in January and she was glowing — very much like the Sharon dancing to “Just An Illusion” and the Raffy Laperal in To Love Again (1983).

Proud of you, my dear Shawie!!! You are truly awesome and inspiring.

Read: Sharon Cuneta answers queries about her weight-loss journey

GORGY RULA

Nakaka-good vibes itong mga IG post ni Sharon Cuneta, sa totoo lang.

Nakaka-inspire lalo na sa mga kababaihan itong maganda niyang pagpayat.

Sabi nga ni Sharon sa isang IG post niya kamakalawa: “Ito na po ang sagot ko lagi ngayon sa napakaraming nagtatanong, simple lang: 'Sharon! Paano ka pumayat?' Me: 'Opposite ng paano ako tumaba' [laugh at heart emoji].”

Kung meron man siyang tini-take na gamot kagaya ng Ozempic o kung meron man siyang pinagawa kay Dr. Aivee Teo, ang pinakamahalaga sa lahat ay nandiyan ang disiplina.

Kaya dasurv na dasurv niya itong mga natatanggap na papuri dahil ilang taon din niya itong pinaghirapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, ma-maintain niya ito.

Sana, manatiling malusog ang ating Megastar.

JERRY OLEA

Hindi puwedeng Ozempic lang para pumayat, huh?!

Kasi, kung yun lang — tulad ng isang kilalang aktres — nagmumukhang tuyot.

E, si Ate Shawie, fresh ang looks, ano?!

Ingat lang sa Ozempic at baka may long-term effect ito sa liver. Dapat monitored ito at may reseta ng doktor.

Read: Sharon Cuneta on weight-loss journey: "Nakakaiyak. Nakakagutom."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta: “Ito na po ang sagot ko lagi ngayon sa napakaraming nagtatanong, simple lang: 'Sharon! Paano ka pumayat?' Me: 'Opposite ng paano ako tumaba.'
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results