GORGY RULA
Tila umeepek ang pagpasok ng bagong characters sa mga Kapuso primetime series na Lolong at Mga Batang Riles.
Gumaganda ang ratings ng mga ito ngayon at kahit paano ay dumidikit na sa mga katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo at Incognito.
Naging "Pangil ng Maynila" na si Lolong nang nasa Maynila na ang eksena ng bidang si Ruru Madrid.
Ang komento ng karamihan ay mala-Batang Quiapo na raw ito.
Lalo na't ang mga idinagdag na karakter sa Lolong ay nanggaling sa FPJ’s Ang Probinsyano na sina Rowell Santiago, Tessie Tomas, at Ketchup Eusebio.

Bagong pasok din si Yasser Marta na tila siya ngayon ang madalas nasa eksena habang nagpapagaling pa si Ruru sa na-injure niyang tuhod.
Sa episode noong Huwebes, April 3, ay wala si Ruru, pero nanatiling double digit ang rating nito.
Naka-10.1% ito, at 15.2% naman ang FPJ’s Batang Quiapo.
Read: Ruru Madrid suffers serious injury during Lolong 2 taping
MGA BATANG RILES SLIDES PAST INCOGNITO
Tinaasan na rin ng Mga Batang Riles ang Incognito, hindi lang sa aggregated ratings, pati sa single channel.
Naka-9.3% ang Mga Batang Riles, at 9% ang Incognito.
Kabilang sa mga bagong pasok sa Mga Batang Riles sina Paolo Contis, Alex Calleja at Robb Guinto.

Natuwa si Paolo nang naka-text ng PEP Troika dahil nakikita raw niya sa mga batang bida ng Mga Batang Riles na sobrang pursigido at hindi umaangal sa mga mahihirap na eksenang pinapagawa sa kanila.
“I’m very happy sa tuluy-tuloy na pagtaas ng ratings ng MBR, and to be part of the show of course.
“Nakaka-inspire how the Riles boys work. Very dedicated sila and professional.
“Kaya naman all-out din yung support ko sa kanila sa paggawa ko sa character ko,” text ni Paolo sa PEP Troika.
Read: Gabbi Garcia-Khalil Ramos limited series, nag-debut sa No. 2 sa Netflix

ROBB GUINTO: NEW LUCKY CHARM OF GMA-7?
Mukhang may suwerteng dala ang VMX star na si Robb Guinto, dahil napapansin naming nagre-rate ang mga programang pinagge-guest-an niya.
Ang taas ng rating nang mag-guest si Robb sa The Boobay and Tekla Show, at sunud-sunod na ang appearance niya sa mga programa ng GMA-7.
Buong linggo na siyang napapanood sa mga Kapuso show.
Mula Lunes hanggang Biyernes siya sa Mga Batang Riles.
Nasa Pepito Manaloto na rin siya sa Sabado, at nag-guest din siya sa Bubble Gang noong Linggo.
Ngayong Biyernes, April 4, ay guest din si Robb sa Amazing Earth ni Dingdong Dantes.
Hataw si Robb na dinig ko ay kinukuha na rin siyang regular cast sa isang weekly show, pero regular na rin kasi siya sa Mga Batang Riles.
Read: Rob Guinto reveals meaning of four tattoos

NOEL FERRER
Consistent pa ring mataas ang rating ng mga programa sa hapon noong Huwebes, April 3.
Ang It’s Showtime ay 5.8%, at ang Eat Bulaga! ay 3.7%.
Ang Prinsesa ng City Jail ngayon ang pinakamataas sa mga afternoon drama. Naka- 7.4% ito.
Ang Mommy Dearest ay 7.2%, at ang Binibining Marikit ay 6.8%.
Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 4%, at ang Red Balloon ay 2.5%.
Ang Family Feud naman ay 7.2%.
Bukod sa Lolong at Mga Batang Riles, narito ang ratings ng iba pang primetime shows...
Ang 24 Oras ay 12.1%, at ang Frontilne Pilipinas ay 2.6%, at 2.5% naman ang TV Patrol.
Tumaas din ang Slay na naka-6%, at 4.7% naman ang Saving Grace.
Okay rin ang PBB Celebrity Collab na naka-3.8%.
JERRY OLEA
Tuwang-tuwa ang mga Kapuso na kinabog ng Mga Batang Riles ang Incognito.
Isa na lamang sa mga programa ng Kapuso Network ang nauungusan ng katapat, yung Lolong: Pangil ng Maynila.
In fairness, andami nang Kapuso primetime shows ang nalugmok sa FPJ’s Batang Quiapo, na rumaratsada maging sa peak concurrent viewers online.
Nakatulong din ang FPJ’s Batang Quiapo sa pre-program nito sa TV5, iyong Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka Sa Lupa na magtatapos na in four weeks.
Kaabang-abang din ang susunod na maaksyong serye na pagbibidahan muli ni Kiko Estrada, at hango muli sa obra ni Carlo J. Caparas.
Read: Kiko Estrada, inaming non-showbiz ang current girlfriend
May pa-teaser ang GMA Network sa 24 Oras this Friday night para sa Encantadia Chronicles kung saan pinakabida ang girlfriend ni Ruru Madrid na si Bianca Umali.
Ito ba ang susunod na makikipagsalpukan sa FPJ’s Batang Quiapo?
Happy siyempre tayo para sa VMX star na si Robb Guinto, na approachable and humble ang dating sa atin.
We wish na maka-crossover na siya sa mainstream!
PBB CELEBRITY COLLAB
Napukaw rin ang ating atensiyon ng mga kaganapan sa PBB Celebrity Collab.
Iyong emote ni Esnyr, nagpaalala sa atin sa dilemmas nina Carlos Yulo, Jake Zyrus, at Sarah Geronimo.
Sinu-sino kaya sa housemates ang magle-level up ang career paglabas sa Bahay ni Kuya?
Basta, kung anuman ang mangyari, Team Michael Sager tayo.
Mag-ingat nawa iyong babaeng housemates na magno-nominate for eviction kina Michael, River Joseph, at Ralph de Leon!
