PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pananatili ni Miah Tiangco sa TNT, pinagdududahan

Ano raw ba ang basehan at bakit hindi raw mabitawan si Miah?
by PEP Troika
Published Apr 6, 2025
Miah Tiangco in It's Showtime
Pinag-usapan online ang pananatili ni Miah Tiangco sa 'Tawag Ng Tanghalan' ng "It's Showtime." Bakit daw ba hindi mabitawan ng Kapamilya show ang "The Clash" 2019 Grand Champion?
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime

GORGY RULA

Pagkatapos ng It’s Showtime nitong Sabado, April 5, 2025, kaagad na number one trending sa X ang #Miah, at karamihan sa mga post ay si Miah Tiangco ang tinutukoy.

Miah Tiangco
Miah Tiangco, nag-trending!
Photo/s: Screengrab from It's Showtime

Nag-trending din ang #ShowtimePANGKATagisan dahil sa mainit na pinag-usapan online ang tagisan nina Raven Heyres ng Pangkat Alab at ni Miah ng Pangkat Alon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero natalo ni Raven si Miah na siyang naging dahilan ng pagkawala ng Pangkat Alon.

Raven Heyres
Raven Heyres ng Pangkat Alab, dahilan ng pagkawala ng Pangkat Alon.
Photo/s: Screengrab from It's Showtime

Tuloy pa rin ang laban ng Pangkat Alab sa Pangkat Agimat.

Pero nasa mechanics ng "Tawag ng Tanghalan" o "TNT" na ang matatalong pangkat ay magsasalba ng miyembro para ilipat sa maiiwang pangkat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawa ang pinili ng mga hurado para ilagay sa Pangkat Agimat at Pangkat Alab.

Ramdam na ramdam sa studio lalo na sa contestants ang tension na pati si Vice Ganda ay nanliliit na rin sa tinatawag niya.

Sa halip na si Marko Rudio ang tatawagin niyang magbubukas ng envelope ay pangalan ni Miah ang nabanggit niya.

“Pasensya na. Gulung-gulo na ang hormones ko. Yung kamay ko, pawis na pawis na,” sambit ni Vice Ganda.

Ang napili ng mga hurado na sina Ogie Alcasid, Pops Fernandez, at Louie Ocampo ay sina Miah Tiangco at Arvery Lagoring.

Nasa Pangkat Alab si Arvery, at sa Pangkat Agimat si Miah.

Marami sa mga netizens ang kumuwestiyon sa desisyon ng mga hurado. Agree sila sa pagkapili kay Arvery, pero kay Miah ay mas nararapat daw si Eunice Encarnada, o si Shanne Gulle o kaya si Makki Lucino.

May mga nagsasabing naging champion na rin naman daw si Miah, na sa The Clash ang tinutukoy nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Jeremiah Tiangco in The Clash
Miah nung nagwaging Grand Champion sa "The Clash" ng GMA-7.
Photo/s: The Clash Facebook

Bukod pa riyan ay nagka-record na siya sa GMA Music. Kaya okey na raw iyon.

May hanash pang mas mataas naman daw ang scores na nakuha ni Eunice na naka-97.7% sa round 1 at naka-99% pa sa round 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano raw ba ang basehan at bakit hindi raw mabitawan si Miah Tiangco?

Pero iyon ang desisyon ng mga hurado, kaya wala nang magagawa.

Ang duda raw tuloy ng ibang netizens ay baka ang ending nito, si Miah Tiangco ang magiging champion, dahil nakikita raw na mas pinapaboran ito.

NOEL FERRER

Noong pagpasok pa lang ni Jeremiah Tiangco sa It's Showtime's "Tawag ng Tanghalan" Grand Resbakan ay marami na ang nagtataka kung bakit pa siya sumali dahil tinanghal na siyang champion sa The Clash.

Kahit ang mga taga-The Clash ay ayaw na lang magkomento sa pagsali ni Miah sa "TNT."

Nagtatanong tuloy ang iba kung ire-recognize pa bang isa sa mga The Clash winners si Jeremiah Tiangco ngayong nasa "Tawag ng Tanghalan" na siya?

Patapos na ang audition ng The Clash na magsisimula na ang airing sa June ng taong ito. Magiging bahagi pa kaya itong champion ng The Clash 2019?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May iba pang nagdududa kung committed ba ang It’s Showtime sa GMA-7 na huwag ilaglag si Jeremiah Tiangco.

Posibleng aangat ang singing career ni Jeremiah kung maganda ang kalalabasan ng pagsali niya sa "Tawag ng Tanghalan." Wala pa rin kasing produkto ang The Clash na sumikat nang husto.

Ganundin ang tingin ng karamihan na maaring maraming sisikat na Sparkle talents na kasali sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab. Malaki ang magagawa ng Kapamilya shows na ito sa ibang talents ng GMA-7.

JERRY OLEA

Nag-sign off na ang Pangkat Alon, pero tuloy pa rin ang laban ni Miah Tiangco. Abang-abang tayo sa mga susunod na ganap sa "Tawag ng Tanghalan," at kung ano rin ang kahihinatnan ng bagong season ng The Clash.

Golden Canedo
Golden Cañedo, kumusta na?
Photo/s: The Clash Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Teka! Ano na ba ang nangyari kay Golden Cañedo?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinag-usapan online ang pananatili ni Miah Tiangco sa 'Tawag Ng Tanghalan' ng "It's Showtime." Bakit daw ba hindi mabitawan ng Kapamilya show ang "The Clash" 2019 Grand Champion?
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results