JERRY OLEA
Magka-tandem na babae ang unang napalayas sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab — ang ACLey nina AC Bonifacio ay Ashley Ortega.
Nakaligtas ang duo nina Ralph de Leon at Michael Sager na RaMi at nina Will Ashley at River Joseph na WilVer.
Tiba-tiba si Kuya sa boto ng fans para kina Michael at Ralph!
Read: AC Bonifacio, Ashley Ortega first evictees in PBB Celeb Collab
Sa ikalawang nominasyon, ayan sina Michael-River, AZ Martinez-Ralph, at girl tandem nina Charlie Fleming-Kira Balinger.



Nominado muli sina Michael, River, at Ralph.
Pababayaan ba sila ng kanilang avid supporters?
Dalawang babae kaya uli ang mae-evict sa Bahay ni Kuya?
Hindi pa nano-nominate ang gay na si Esnyr Ranollo, at ang bisexual na si Klarisse de Guzman.
Parehong Kapamilya sina Esnyr at Klarisse. Kapwa taga-Star Magic.
Sino kaya sa kanila ang mas matibay sa mga susunod na linggo?
Read: Bianca De Vera, Mika Salamanca get immunity from 2nd nomination
ABS-CBN BALL 2025
At any rate, sa labas ng Bahay ni Kuya… ginanap ang Brighter Together: The ABS-CBN Ball 2025 noong Abril 4, Biyernes, sa Solaire North, Quezon City.
Marami sa mga rumampang mag-isa o magka-partner ang pumukaw ng pansin ng mga dalahirang marites.
Ang dalawang mahusay na male singer, twinning ang sapatos. Kilig-kiligan tuloy ang mga alter.
'Tsura ng DongPat, ang PBB Gen 11 ex-housemates na sina Dingdong Bahan at Patrick Ramirez na HHWW (holding hands while walking) sa red carpet.
Naghawak-kamay rin kaya noong gabing iyon ang dalawang lalaking mang-aawit na may matching shoes?
Partner din sa pagrampa sa Kapamilya ball ang isang gandarang aktres at isang lesbian direktor. Sila na ba talaga?!
Mabuhay ang mga accla at quiombird!!!
Read: Daniel at Kyle, nagkainitan sa after-party ng ABS-CBN Ball?
NOEL FERRER
Viral at trending ang mga ganap sa PBB Celebrity Collab, at mukhang magtatagal iyon. Strike while the iron is hot?!
Ang mga mala-teleseryeng rebelasyon sa PBB ay microcosm ng reyalidad sa labas ng Bahay ni Kuya.
FASHION AT ABS-CBN BALL
Nag-fashion payanig ang Bench, meron ding fashion paandar sa PBB, at ganoon din sa ABS-CBN Ball 2025 kung saan masaya rin at mainit ang ibang comments habang lumalabas ang mga larawan.
May consistent na baduy na artista na mukhang buco pandan.
Meron din nagmukhang coming-out party ang pananamit, lalo na sa mga lalaking naghuhumiyaw ang tabas at kulay at style ng kanilang suit!
Meron ding isang guest na ang feeling ay parang namasahe ang kalamnan nang yakapin ng isang aktres na bumabaon ang kanyang may kakaibang bilug-bilog sa damit.
Pero kung may nangangabog na artista’t celeb, I should say hindi papatalo riyan sina Direk Erick Salud at Direk Jojo Saguin sa kanilang outfits!!!
Sana, may ganoon ding listahan sa mga nag-effort na mga taga-production at mga employees, di ba?
Read: Candid moments caught on the red carpet of ABS-CBN Ball 2025
GORGY RULA
Sa housemates-tandems na nominado para sa pangalawang eviction sa PBB Celebrity Collab, sinu-sino ba ang halatang kabado?
Meron ngang hindi naman nominado this time pero kabadong bilang na ang mga araw nila sa Bahay ni Kuya.
CASSANDRA YNARES TO ENTER SHOWBIZ?
Samantala, kabado ang kaibigan naming si Mrs. Andrea Ynares na rumampa sa ABS-CBN Ball kasama ang designer na si Paul Cabral.
Sinamahan niya kasi ang panganay na anak nila ni Mayor Junjun Ynares na si Cassandra Ynares.

Inimbitahan din si Cassandra sa ABS-CBN Ball dahil mukhang papasukin din nito ang showbiz.
Ang ganda ni Cassandra noong gabing yun na parang Korean star na rumampa sa red carpet.
Hindi niya maiwasang kiligin nang nagpa-picture siya kay Donny Pangilinan. Pero ang gusto raw talaga niyang makatsikahan nung gabing yun ay ang grupong BINI.
Tinanong si Cassandra ng mga press kung papasukin na rin ba niya ang pag-aartista at iha-handle ba siya ng Star Magic.
“I want to focus on my studies first. 'Cause I’m in junior high school. For sure, when I graduate,” pakli ng 17-year-old daughter nina Mayor Junjun at Andeng Ynares.
Bukod sa pag-aaral ay passionate advocate siya ngayon on youth development and welfare, with a special focus on children’s mental health.
