PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Choral group na kinabibilangan ng apo ni Lorna, wagi sa Spain

Lorna Tolentino, proud lola sa apong si Tori Fernandez.
by PEP Troika
Published Apr 8, 2025
lorna tolentino woodrose chorale
Lorna Tolentino happily announces that the choral group of her granddaughter Tori Fernandez (left photo), Woodrose Chorale (right photo), won at the Golden Voices of Montserrat held in Costa Brava, Spain.
PHOTO/S: Courtesy of Lorna Tolentino

GORGY RULA

Masayang ibinalita ni Lorna Tolentino sa PEP Troika na nagwagi ang choral group na kinabibilangan ng apo niyang si Tori Fernandez sa katatapos lang na Golden Voices of Montserrat na ginanap sa Costa Brava, Spain.

Bahagi si Tori ng Woodrose Chorale na nag-represent ng ating bansa sa isa sa most prestigious choral competitions sa buong mundo.

Nakuha ng Woodrose Chorale ang first place sa Folklore category, at nag-second place naman sila sa Children’s Choir category kung saan kinanta nila ang "Anak" ni Freddie Aguilar.

Read: Lorna Tolentino, magpapaka-stage lola muna sa kanyang apo

woodrose choral group
The members and coach of Woodrose Chorale, including Tori Fernandez (front row, fourth from right), grandddaughter of actress Lorna Tolentino,.
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasulit daw ang lahat ng effort at pagod ni Lorna sa pag-alalay sa kanyang apo.

Kasama rin sa Spain para sumuporta ang mommy ni Tori na si Leana Fernandez, at iba pang magulang ng mga kabilang sa Woodrose Chorale.

Ang ama ni Tori ay ang panganay na anak ni Lorna na si Ralph Fernandez.

lorna tolentino tori leana
Lorna Tolentino (right) with granddaughter Tori Fernandez (center) and daughter-in-law Leana Fernandez (left).
Photo/s: Courtesy of Lorna Tolentino
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SUPPORTIVE LOLA

Pero si Lorna yata ang pinaka-excited sa lahat dahil dinocument niya ang lahat ng activities ng mga bata roon.

Nag-Facebook live pa siya sa buong competition, kaya napanood din namin ang performance ng Woodrose Chorale.

“Excited talaga ako. Yan ang rason kung bakit nasa Spain ako.

“Para akong hinehele ng mga anghel dito. Sarap nila pakinggan,” text ni Lorna sa amin.

Kinunan din niya ang rehearsals ng grupo.

Dagdag pa ng aktres, “E, nasa tiyan pa lang si Tori, manifesting na ako na maging singer siya. Soprano pa.”

Tinanong ko si LT kung sa Mommy Leana ba ni Tori nagmana ang kanyang apo.

Diretsong sagot niya sa akin: “Sa side namin siguro. Ayaw ni Zsa Zsa [laugh emoji].”

Ang "Zsa Zsa" na tinutukoy ni Lorna ay ang pinsan niyang si Zsa Zsa Padilla.

Read: Lorna Tolentino, bakit inabot ng 17 years bago bumalik sa USA?

NOEL FERRER

Ang Golden Voices of Montserrat ang isa sa pinakamalaking international choir competition festival sa buong mundo na sinasalihan ng professional at amateur non-profit choirs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa Pilipinas, kasali rin sa kumpetisyon ang mga choral group mula sa Turkiye, Finland, Ireland, Italy, Indonesia, at iba pa.

Ngayong taon ay labing-isang choir ang kasali sa apat na categories.

Kasali ang Woodrose Chorale, kung saan kabilang ang apo ni Lorna, sa Folklore at Children’s Choir na pareho nitong napagwagian.

Wala raw itong cash prize, sabi ni Lorna.

Pero malaking achievement daw sa Woodrose Chorale na nakasali at nanalo sa isa sa pinaka-prestigious chorale competition sa buong mundo.

Kaya sa susunod na pagsali ng Woodrose, tutulong na raw si Lorna sa pagsagap ng funds na gagamitin ng mga bata sa competition.

Sobrang proud siya sa malaking achievement na ito ng kanyang apo.

Kaya talagang pinagbuhusan niya ito ng panahon para suportahan si Tori at ang buong Woodrose Chorale.

Read: Lorna Tolentino, inalala ang huling pagbisita kay Gloria Romero

JERRY OLEA

Wow, super-stage lola na talaga ang love love love nating si Miss Lorna T!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta, looking forward tayo sa gagawing movie ni Lorna with her best friend Sylvia Sanchez, na intended para sa MMFF 2025.

Suporta lang sila rito at mga bata ang bida. Kasama rin nga ba sa cast nito si Tonton Gutierrez?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino happily announces that the choral group of her granddaughter Tori Fernandez (left photo), Woodrose Chorale (right photo), won at the Golden Voices of Montserrat held in Costa Brava, Spain.
PHOTO/S: Courtesy of Lorna Tolentino
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results