PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael at River, magpapaalam na? Will at Bianca, mag-aaminan na?

Bianca, torn between Dustin at Will?
by PEP Troika
Published Apr 9, 2025
pbb celebrity collab
(Top) Michael Sager and River Joseph are nominated for eviction for the second time; (bottom) Bianca de Vera seems to be being pursued by both Will Ashley (left) and Dustin Yu (right).
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Isang buwan na sa loob ng Bahay Ni Kuya ang housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab, maliban sa mga bagong pasok na sina Emilio Daez at Vince Maristela.

Sobrang involved na ang mga sumusubaybay sa reality show na collab ng GMA-7 at ABS-CBN, at ang tindi ng hanash ng solid supporters ng ilang housemates lalo na yung mga nominado for eviction nitong darating na weekend.

Nominado na naman sina Michael Sager, River Joseph at Ralph de Leon.

Magka-duo sina Michael at River o MicVer, sina Ralph at AZ Martinez na RaZ, at ChaKira duo nina Charlie Flemming at Kira Balinger.

Read: Michael, River, at Ralph nominado uli sa PBB Celebrity Collab

RIVER AND MICHAEL ON BEING NOMINATED FOR THE SECOND TIME

Ayaw nang magpaapekto ni River sa muling pagkaka-nominate sa kanya.

Wala na raw siyang pakialam kung gusto siyang i-nominate o hindi. Hindi na raw niya kailangang baguhin kung ano siya sa loob ng Bahay Ni Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Honestly, I’ve come to a point na nominate lang kayo nang nominate sa akin, wala akong pake. Eto ako, e.

“If the housemates won’t accept who we are, bahala kayo,” hanash ni River nang magharap-harap silang male housemates.

Sabi naman niya kay Kuya: “I need to focus lang po on the things I can control, which is myself, my actions… Can’t change who we are.”

michael sager river joseph pbb celebrity collab
Michael Sager and River Joseph are nominated again for eviction this week.
Photo/s: GMA Network
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi naman naitago ni Michael ang sama ang loob, na feeling nito ay siya ang tinutukoy sa spiel ni Bianca Gonzalez na "insensitive."

“It’s funny lang kasi… yung plastikan lang. It’s the funny part,” mapakla ang ngiti ni Michael nang sinabi niya ito sa harap ng kanyang housemates.

Si Dustin Yu ang nagsabing "insensitive" si Michael kaya ni-nominate nila ito ng kanyang ka-duo na si Brent Manalo.

Nakikinig lang si Dustin habang inilalabas ni Michael ang kanyang sama ng loob.

Sabi pa ni Michael: “But for me kasi… if that’s the reason why they gonna call me out… huwag mong sabihing insensitive ako because… for me, like… bahala na yung labas talaga. Sila lang yung nakakaalam kung ano yung totoo.”

Sinabi rin niya sa confession room ni Kuya: “Hindi ko talaga matanggap na sabihan ako ng ganun.

"For me talaga, mabigat na word kasi, I don’t know, it’s one of my morals siguro po in life to not hurt yung mga kapwa ko, especially this famiy that I have,” himutok niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa pang tagpo na umiyak si Michael. Masama ang loob niyang madalas na lang daw siyang nami-misinterpret.

“If I protect myself… it was so hard. I’m getting misinterpreted na… always na lang.

“Siguro disappointed na ako sa sarili ko kasi, kahit ano ipakita ko, may mali pa rin.

"Kaya siguro po, hirap talaga ako makahanap ng mga kaibigan ko po,” saad nito.

Si Dustin tuloy ang napagdiskitahan ng fans ni Michael. Tinatawag siyang "plastic," gayong maayos naman daw ang pakikitungo ni Michael sa kanila.

Tingnan natin kung magsasanib ang supporters nina Michael at River para maisalba sila sa eviction sa Bahay Ni Kuya.

Read: Bianca De Vera, Mika Salamanca get immunity from 2nd nomination

NOEL FERRER

Hindi rin maiwasan ang magkadebelopan ang housemates sa loob ng Bahay ni Kuya dahil sa tagal na ring pagsasama nila.

Inamin ni Dustin Yu sa boys' night out nila na sa babaeng housemates, kay Bianca de Vera niya gustong mag-confess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I like her,” sabi ni Dustin, na ikinatuwa ng male housemates.

bianca dustin pbb celebrity ollab
Dustin Yu has confessed that he likes Bianca de Vera.
Photo/s: GMA Network

Kuhang-kuha sa kamera ang pagtalon ni Will Ashley, na mukhang nade-develop na rin kay Bianca.

Abangan natin kung ano itong sasabihin ni Will kay Bianca dahil mukhang may ipagtatapat ang Kapuso actor sa Kapamilya actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kay Dustin madalas natutukso si Bianca, dahil mukhang nahuhulog na rin ito sa tsinitong Kapuso actor.

will ashley bianca de vera pbb
Will Ashley has a confession to Bianca de Vera.
Photo/s: GMA Network

KIRA BALINGER & JOSH FORD

Bukod sa triangle kina Dustin, Bianca at Will, kinakikiligan din ang namumuong pagtitinginan nina Kira Balinger at Josh Ford.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakatawa ang pagsita ni Bianca kay Kira na kapag kaharap daw si Josh ay nagbe-baby talk ito.

“Pag si Josh ang kaharap, nagbe-baby talk?” sabi ni Bianca kay Kira, na itinatanggi naman nito.

“Ang cute niyong dalawa,” sambit pa ni Bianca kay Kira.

Nang minsang nagkaharap-harap sila, tinanong ni Bianca si Kira: “If you have to choose someone to marry in this room to save the earth, sino?”

Medyo naalangan pa si Kira na sagutin ito, pero si Josh ang binanggit niya.

Parang kinilig naman ang Kapuso actor na napayakap pa sa house guest nilang si Kim Ji Soo.

kira balinger josh ford pbb celebrity collab
Kira Balinger and Josh Ford are getting close together.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi maiwasang magkagustuhan ang housemates dahil sila-sila lang ang nagkikita sa matagal na panahon.

Ang maganda lang dito, nabuo talaga ang magandang relasyon nilang lahat bilang magkaibigan at parang pamilya na ang turing sa isa’t isa.

Read: Klarisse de Guzman comes out as bisexual

JERRY OLEA

Madalas nagte-trending ang PBB Celebrity Collab pati ang ilang housemates.

Solid ang suporta sa online, kaya mainit itong pinag-uusapan.

Pero hindi ganoon kataas ang rating na napapanood sa GMA-7.

Halos 4% lang ito sa araw-araw na episode, at medyo mataas sa weekend.

Noong nakaraang Sabado, April 5, ay naka-5.8% ang PBB Celebrity Collab.

Noong Linggo, April 6, ay naka-5.9% ito.

Read: PBB Celebrity Collab, mas humahataw sa online kumpara sa free TV

Mas mababa ang rating na nakukuha ng PBB Celebrity Collab kumpara sa mga dating programa sa timeslot na iyon, kagaya ng The Clash, The Voice Kids, at Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakikitang iba talaga ang viewers sa Kapuso shows.

Sa online naman ay mas lamang ang Kapamilya show na nagpasikat kina Fyang Smith at JM Ibarra ng PBB Gen 11.

Basta, tingnan natin kung bubuhos na naman ang support ng fans para kina Michael Sager, River Joseph, at Ralph de Leon.

May dilemma ang housemates sa tuwi-tuwina kung sinu-sino ang kanilang ino-nominate.

Kailangang meron silang strategy, at marunong mag-evaluate sa resulta ng botohan.

Kung ang susunod na ma-evict ay ang ChaKira duo nina Charlie Flemming at Kira Balinger, matanto sana ng natitirang housemates ang ipinahihiwatig ng resulta ng botohan.

Read: AC Bonifacio, Ashley Ortega first evictees in PBB Celeb Collab

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) Michael Sager and River Joseph are nominated for eviction for the second time; (bottom) Bianca de Vera seems to be being pursued by both Will Ashley (left) and Dustin Yu (right).
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results