JERRY OLEA
Better together ang isang poging aktor at isang mahusay na aktres sa nakaraang ABS-CBN Ball.
Kumusta naman ang ex-girlfriend ni Poging Aktor na si Beautiful Actress, na absent sa nasabing pagtitipon?
Nasagap ng PEP Troika na nakikipag-date si Beautiful Actress sa isang super-yayamaning negosyante na may lahing Chinese.
Aba!
SINUNDO NG CHOPPER!
Noong magkasakit recently si Beautiful Actress habang nagliliwaliw sa isang isla sa Mindanao, to the rescue si super-yayamaning negosyante.
Sinundo si Beautiful Actress ng chopper ni Super-yayamaning Negosyante para ipa-confine sa Kamaynilaan.
Naku! Parang nakatisod ng gold mine si beautiful actress, huh?!
Read: Male executive, hindi na mare-renew ang kontrata sa TV network
GORGY RULA
Nasa dating stage pa lang ba sina Beautiful Actress at Super-yayamaning Negosyante?
O sila na talaga?
Pero ito palang si Super-yayamaning Negosyante ay kilala ng ibang taga-showbiz.
Mahilig daw talaga itong manligaw sa mga magagandang stars. Pero madalas daw ay nababasted.
Bakit kaya?
Hindi raw nila nababalitaang may naging girlfriend itong taga-showbiz kahit super-yayamanin.
Tingnan natin itong kay Beautiful Actress kung magkatuluyan sila ni Super yayamaning Negosyante dahil pursigido raw talaga ito sa panliligaw.
Pero alam ba ninyo, mga ka-Troiks, na ang dating leading man nitong si Beautiful Actress ay nali-link din sa isang mayamang Chinese businessman?
Pareho raw ng hilig itong si Guwapong Leading Man at si mayaman ding Chinese businessman.
Bingo!
Read: Beautiful actress, bakit wala pang bagong teleserye?
NOEL FERRER
Naligaw yata ako roon… “pareho raw ng hilig itong si guwapong leading man at si mayaman ding Chinese businessman”?
Talaga?
Doon tayo sa totoo.
Kasi, anuman ang tago at pantatakip ng kung anik-anik ay sisingaw sa huli’t huli ang tunay at totoo.
Hangga’t hindi nagpapakatotoo, hindi lubusang makakamit ang tagumpay at ligaya.
Ipasok kaya natin ang mga taong involved sa Bahay Ni Kuya, baka sakaling may matutunan silang leksyon ukol sa pagpapakatotoo, di ba?
Read: Misis, nahuli ang pulitikong mister kasama ang sexy actress
