GORGY RULA
Dalawang tao na ang nagkuwento sa PEP Troika tungkol kay Mestizo Personality na nasa mid-20s pa lang.
Iisa ang naobserbahan nila: napakayabang daw nito.
Isang grupo raw ang nag-interview kay Mestizo Personality, at nagulat ang mga ito dahil hindi nila akalaing ganoon daw pala siya magsalita.
Ang dating kasi ay sobrang bilib sa sarili.
Kaagad naming kinontra ito dahil hindi naman namin siya nakitaan ng ganoon sa ilang beses na pag-i-interview sa kanya.
Pero hindi nag-agree itong nakausap ni Mestizo Personality.
Walang kagatul-gatol daw kasi na sinabi niyang ang mga babae ang naghahabol sa kanya.
Tahasan pa raw na sinasabi nitong hindi siya nakaka-relate sa mga mahihirap dahil hindi naman daw niya naranasang naging mahirap.
Kunsabagay, totoo naman dahil mapalad siyang iniluwal na may gintong kutsara sa kanyang bibig.
Sobrang protektado siya ng kanyang magulang.
Kaya nang nakarating ito sa ilang kaibigan ni Mestizo Personality, sinagot nilang talaga namang hindi siya galing sa hirap at never talaga silang naghirap.
Tama naman ang sinabi niyang hindi siya nakaka-relate sa mga mahihirap.
Pero ang sabi ng ilang nakarinig sa kuwentong yun, hindi na lang daw sana ito sinabi ni Mestizo Personality.
Ang hangin daw kasi ng dating ng pagkakasabi nitong mga babae ang naghahabol sa kanya, tapos nadagdagan pa ng hindi siya nakaka-relate sa mga mahihirap.
May something nga kaya sa ugali niya?
Read: Dennis Padilla recounts convo with Claudia on her wedding day
JERRY OLEA
MORE CLUES
Mabait pareho sa akin ang parents ni Mestizo Personality. Siguro, masyadong sheltered kaya may pagka-entitled?
Makaka-relate siya siguro sa dark comedy drama anthology na The White Lotus, hane?!
Read: Ivana Alawi, inalala ang aktor na ginawa siyang "sugar mama"
NOEL FERRER
Talaga ba?
Mabait din sa akin si Mestizo Personality, lalo na ang mga magulang niya.
Wala pa naman akong nakita o naramdaman na ganyang pakita niya sa ibang tao.
Pero I’m sure sa husay makisama ng mga magulang niya, lalo na ng nanay niya, mapagsasabihan ito nang diretso.
Pero as of now, I wish him well. Ang dasal ko lang, makagawa siya ng marka sa showbiz.
