JERRY OLEA:
Kagaya ng Bench Body model na si Mark Rivera, ekstra lamang si Dylan Menor sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na The Kingdom, kunsaan bida sina Vic Sotto at Piolo Pascual. Forgettable ang kanyang role sa nasabing movie. Negligible.
Read: MAKA young stars, na-intimidate kay Romnick Sarmenta
Pero matapos sumailalim sa Chubbuck acting workshop ni Direk Rahyan Carlos simula noong Enero, malaki ang chance ni Dylan na sumikat ngayong 2025.
"Anlaki na ng hinusay ni Dylan Menor!" bulalas ni Direk Rahyan sa mediacon nitong Abril 10, 2025, Huwebes ng gabi, sa CX Studio ng TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City.
"Since January, nagte-training siya sa akin. At ngayon, may pagbibidahan siyang vertical drama, A Cure Called Love. Siya ang bida. I think it will be directed by Derrick Cabrido.
"Tapos ngayon, tine-train ko siya. Actually, bukas meron kaming one-on-one."
Dating kasama sa Kapuso GenZ series na MAKA si Dylan.
Malaki ba ang improvement ni Dylan?
"Sobra, sobra. Ang laking bagay," ani Direk Rahyan.
DYLAN MENOR AS A TV5 ARTIST
Mapapasikat kaya si Dylan ng TV5, o MQuest Artists Agency, na pinamumunuan ni Jeffrey Remigio?
Mabilis na tugon ni Direk Rahyan, “Yes. I think kasi nakikitaan ko siya ng potential, e. Ang husay na niya, e. Pupuwede siyang maging lead dramatic actor.
"Kailangan lang tiyagain talaga, e. Masipag si Dylan, at disiplinado sa oras. Kasi, nate-train siya sa akin na bawal late."
Kahapon ay nag-storycon at table reading na ang bagong teleserye ni Kiko Estrada sa TV5, ang Totoy Bato.
Co-stars dito ni Kiko sina Bea Binene, Cindy Miranda, at Diego Loyzaga. Kasama sina Nonie Buencamino, Mon Confiado, Art Acuña, Mark Anthony Fernandez, Eula Valdes, at Jackie Lou Blanco.
Sina Dylan at Kiko kaya ang magiging magkaribal o major stars sa TV5?
Read: UPDATED: Filipino stars who married into affluent families
GORGY RULA:
Parang may nakita talaga ang TV5 na potential kay Dylan Menor para maging isang major star.
Una ko siyang nakapanayam sa GMA-7 nang inilunsad ang youth-oriented show na MAKA. Nang sumunod na season, wala na siya! Nasa TV5 na pala siya!
Hindi ko alam kung paano siya nailipat sa Kapatid Network, dahil sa pagkakaalam ko ay may existing contract pa siya sa GMA-7.
Promising iyung bata, kaya nagtataka kami bakit pinakawalan siya ng Kapuso Network.
Kaya siguro sinugalan siya ngayon sa TV5 ng magagandang projects. Meron na siyang pino-promote na single, at tinagurian siyang "Harana Heartthrob."
Sa pagkakaalam ko, kasali siya sa isang international film na The Last Resort na kinukunan dito sa Pilipinas.
Kilalang Hollywood director na si Donald Petrie ang director, at may Hollywood stars na kasali sa pelikulang ito.
TV5 TO DISCOVER MORE TALENTS
Sa tingin ko, hindi lang si Dylan ang susugalan nang bonggang-bongga ng TV5, lalo pa’t marami silang ginagawang vertical drama.
Meron pa iyan at kailangan na rin naman talaga nilang magpasikat ng sarili nilang talents.
Si Direk Rahyan Carlos ang nangangasiwa ng kanilang Chubbuck acting workshop sa ngayon.
Sa mediacon kahapon, kaugnay sa MQuest Artists Agency Acting Workshop, nag-demo sina Carmi Martin at Polo Ravales, at nag-critique si Direk Rahyan.
Huwag na rin tayong magulat kung sa darating na mga araw ay katuwang si Mr. Johnny Manahan o Mr. M na maggu-groom sa mga artista ng Kapatid Network.
Read: The Chosen Season 5 premiere: five touching scenes to watch for
NOEL FERRER:
MQuest Artists Agency (MQAA) is proud to announce an exciting opportunity for aspiring actors and industry veterans alike: summer workshops led by acting coach Direk Rahyan Carlos.
This summer, Direk Rahyan will bring his expertise to MQuest Artists Agency’s workshops, where he will introduce participants to the Chubbuck Technique, a transformative approach to acting that has shaped the careers of Hollywood’s elite.
Participants will also have the chance to be discovered and added to the MQAA Artists Registry, a step toward future opportunities in the entertainment industry.
In-person registration for the workshop will be held on April 12 and 13, 2025, at the 10th Floor, Launchpad Building, Reliance Street, Mandaluyong City.
For inquiries and registration, you may reach out to MQAA Workshops via Instagram and Facebook. Workshops begin in May 2025.
