JERRY OLEA:
Nakakaintriga ang teaser ng pelikulang Only We Know kunsaan bida sina Dingdong Dantes at Charo Santos-Concio.
“It’s a story about love,” sambit ni Ma'am Charo sa FDCP Parangal ng Sining 2025 nitong Abril 11, Biyernes ng gabi, sa Seda Vertis North, Quezon City.
“Iyan lang ang masasabi ko. It’s a story about love.”
Kumustang katrabaho ang Kapuso Primetime King?
“Ay! He’s very professional. It was a joy to work with Dingdong,” nakangiting sabi ni Ma'am Charo.
Read: Charo Santos, "nahanap" si Eva Darren sa 72nd FAMAS
CHARO SANTOS-CONCIO ON FPJ'S BATANG QUIAPO
Bongga ang development ng Tindeng character ni Ma'am sa top-rating teleserye na FPJ’s Batang Quiapo.
Komento ni Ma'am Charo, “Ay, naku! Bilib na bilib ako sa ating creative producer na si Coco Martin, si Tanggol.
“No other than Tanggol, dahil siya talaga ang genius behind the narrative of Batang Quiapo.
“Nagugulat ako kung saan talaga niya dadalhin yung kuwento ng Batang Quiapo at ng mga characters.
“Andami naming tanong minsan sa set, na parang, ‘Bakit Tindeng ang tawag sa akin ng anak ko? Bakit ganon?’ ‘Ma’am, relax ka lang. In the future, mabibigay sa yo ang sagot.’
“So, para akong miyembro na rin ng audience na naghihintay kung anong kasagutan sa mga tanong din ng ating mga manonood.
“Nakakabilib talaga. Magaling siyang magkuwento.”
Read: Businessman Cesar Rafael Concio Jr. passes away at 91
CHARO SANTOS-CONCIO AS FDCP AWARDEE
Isa si Ma’am Charo sa apat na Lifetime Achievement Awardees sa 3rd FDCP Parangal ng Sining.
Ang tatlo pa ay sina Joseph Estrada (represented by Senator Jinggoy Estrada), Direk Laurice Guillen, at Direk Lav Diaz.
Kasama ni Ma’am Charo na dumalo sa event ang dalawang anak na sina Francis at Martin.
NOEL FERRER:
Ginawang stage play ang pelikulang Kisapmata (MMFF 1981) na pinagbidahan nina Charito Solis, Jay Ilagan, Vic Silayan, at Charo Santos. Ang director ay si Mike de Leon.
May mga nagsusulong na gumanap si Charo ng Charito Solis role sa entablado.
“Oo nga, why not?! Di ba, ako naman si Charito Solis, pero tingnan natin kung dadating yung pagkakataon na yan, why not,” malumanay na sagot ni Charo.
Ilang stage plays din ang nilabasan niya dati.
“Nag-Tanghalang Pilipino ako under the late Tony Espejo,” pagbabalik-tanaw ni Ma’am Charo.
“Marami akong nagawang plays. And I also did for Metropolitan Theatre, A Doll’s House, under Direk Mel Chionglo.
“Noong kabataan ko… noong kabataan ko…”
Aabangan natin ang pagteteatro ni Charo. Marami pa siyang magagawa hindi lang para sa ating industriya at cultural sector kundi para sa ating bansa.
Kung iyun din lang ibang mga taga-industriya natin ang magsisipagwagi let’s say sa senado, sana si Charo na lang, di ba? Kahit VP o Presidente, ok na ok siya sana.
Read: Marian Rivera looks back on "selosa" days
GORGY RULA:
Maliban sa pagiging aktres ay marami pang naging papel sa showbiz si Charo Santos-Concio.
Naging movie producer siya at TV executive, isa sa mga haligi ng entertainment industry.
Ano ang maipapayo niya sa mga showbiz workers na tumitingala sa kanya?
“Ano lang, patuloy lang silang mangarap, at huwag nilang lagyan ng hadlang o barriers ang gusto nilang gawin,” tugon ni Ma’am Charo.
“Just go for whatever opportunities are there. Huwag kang matakot.
"At saka I think you should keep your sense of curiousity, your wanting to learn, and wanting to grow.
“At bubukas lahat ng pintuan para sa inyo. Kailangan gusto mo, e. Kung gusto mo, naniniwala ako na darating yung kasagutan sa mga hinahanap mo.”
Ginusto o minanifest ba niyang magbalik ang drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK)?
“Oo, minanifest ko rin yon. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Ma’am Charo.
“Nalungkot ako, masyado akong nalungkot nung nag-last day taping ako two and a half years ago.
“But in my heart, sabi ko, ‘Isang araw, bibigyan ako ng pagkakataon muli na makapaglahad ng mga magagandang kuwento ng ating mga kapwa Pilipino.’
“And here it is!”
Nag-taping na si Ma’am Charo for MMK noong Huwebes, Abril 10.
Bakit kaya ang bilis natupad iyong minanifest niyang pagbabalik ng MMK?
“Bakit ba? Siguro ano, mahal ako. Mahal ako ng ating Panginoon. I must have done something good in my life, you know, as the song goes,” saad ni Ma’am Charo.
“Yeah, so I’m really very, very grateful for everything that’s happening in my life. And I want to share that sense of joy and fulfillment that I’m feeling.”
