PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

P-pop group 1621, ramdam ang suporta ng SB19, BINI

SB19 Stell to 1621: "O, ngayon may tropa na kayo."
by PEP Troika
Published Apr 13, 2025
1621 members JM, JC, Migz, Win, DJ, and Pan thankful for SB19 and Bini's support
1621 on SB19: "Actually, they are also inviting us po na mag-watch po sa day two concert po nila sa Philippine Arena po. And sobrang humble at approachable po talaga nila." Seen here are (L-R) JM, JC, Migz, Win, DJ, and Pan.

GORGY RULA:

Namataan namin si Jillian Ward sa Sapulso EP launch ng P-pop group na 1621 na mina-manage ng Star Pop Artists at PPL Entertainment.

Read: PEP Most Influential 2024 OPM Superstars: SB19

Ginanap ang launch sa Holic Bar sa Quezon City noong Biyernes, April 11, 2025, na dinagsa ng fans na tinatawag nilang guardians.

Pero ang nakakatuwa pa rito ay sinuportahan din sila ng ilang P-pop group kagaya ng Calista, at nandoon si Jillian kasama ang kanyang mommy at kapatid.

P-pop group 1621
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

1621 COLLAB WITH SB19

Ipinagpapasalamat ng grupong ito ang suporta ng mga kaibigan, pati ang ilang sikat na grupo kagaya ng SB19.

Hinding-hindi raw nila makakalimutan ang kabaitan ng SB19 na pumayag na maka-collab nila sa TikTok para sa promo ng isang kanta nilang "Bababa."

Wala raw kaarte-arte ang SB19, na kahit mainit sa labas ng studio ng ABS-CBN ay pumayag na ma-shoot para sa naturang collaboration.

Sabi ng 1621 member na si Pan, "Nung naka-collab namin yung SB19, siyempre super overwhelming, and, at the same time, bias ko po talaga si Pablo kasi I admire him—his work ethics, kung papano siya magsulat, with his artistry, paano siya mag-isip, out of the box.

"After na-meet ko siya, nung gabing iyun nakapagsulat ako ng seven songs. Totoo yun.”

Si Pan ang nagsusulat ng ilang kanta na ni-record nila.

Dagdag na kuwento ng isa pang 1621 member na si JM, “Yung experience naman po with regards sa SB19, hindi po namin in-expect, honestly na makikipag-collab nga po sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Basta ano lang, nag-try lang po kami. Siyempre bago, rookie group lang po kami to be able to collab with kings of P-pop.

"Siyempre nagkaroon po ng exchange of conversations. Si Stell po, sobrang bait po niya.

"Sabi niya, ‘Meron ba kayong friends sa P-pop, ganyan-ganyan? ‘Wala po kuya, e.’ ‘O ngayon may tropa na kayo,’ ganyan.

"Nagkayayaan pa po kami na maglaro ng volleyball."

SB19 INVITES 1621 TO WATCH SB19 CONCERT

Niyaya pa raw silang manood ng concert nila sa Philippine Arena.

"Actually, they are also inviting us po na mag-watch po sa day two concert po nila sa Philippine Arena po. And sobrang humble at approachable po talaga nila.

"Kasi nag-TikTok po kami sa gitna ng initan po, sa may labas ng ASAP [studio] po. Sila pa po ang nagpapaulit,” dagdag na kuwento ng 1621 member na si Win.

Members din ng grupong 1621 sina JC, Migz, at DJ. Nabuo ang grupo nila two years ago. Sumali silang lahat sa isang reality show sa ABS-CBN na Dream Maker.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi sila nagwagi sa naturang show, kaya binuo nila ang kanilang grupo, na sinimulan muna sa pangalan ng grupong 1621 BC.

Pero ngayon ay naging 1621 na lang. Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang "Maria," "Bababa," at "Stuck." Idinagdag sa Extended Play ang "Sapulso."

NOEL FERRER:

Iyun daw ang maganda ngayon sa lahat na mga P-pop groups, nagsusuportahan at walang inggitan.

Naramdaman daw nila iyun sa suportang ibinigay sa kanila ng SB19, at kahit ang grupong BINI.

"Iyun po ang maganda sa P-pop industry kasi lahat po nagsusuportahan sa isa’t isa. Lahat po P-pop friends po talaga kami, kahit kung gaano man po sila kasikat.

"Talagang nili-live up nila ang P-pop community,” saad ni 1621 member Pan.

Sabi pa ni 1621 member JM, “Super grateful din po kami sa push din po talaga ng ABS-CBN, ng Star Pop sa amin po.

Talagang malaking bagay yung mga opportunity na binibigay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre po bago kami, tapos pa-perform-in kami sa Philippine Arena with BINIverse. Kami po yung nag-pre-show dun.

"So, yung tiwala po talaga ng management namin yung inaalagaan and bina-value po namin.”

Malaking tulong pa raw sa kanila nung isinama sila sa mall shows para sa promo ng pelikulang My Love Will Make You Disappear na dalawang beses daw sa loob ng isang araw silang iniikot sa iba’t ibang lugar para sa promo ng pelikulang iyun.

“Gusto rin po namin magpasalamat sa Star Cinema… pagpu-push din po sa amin sa mga mall shows para po sa movie ng My Love Will Make You Disappear, nakatulong po talaga.

"First time po namin magpunta ng Batangas at Lipa para mag-perform doon. Super grateful lang po talaga sa support ng management ng PPL, ng ABS, at Star po. Happy po kami,” masaya pang kuwento ni JM.

Pati raw tuloy mga KimPau fans ay natutuwa sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

1621 BEGINNINGS, K-POP TRAINING

Two years nang magkasama ang grupong ito. Magkakasama silang nakatira sa isang bahay.

Ang dami raw nilang natutunan magmula nang nabuo ang kanilang grupo dahil naging disiplinado sila.

Isa sa disiplina sa kanila ay ang di paghawak ng cellphone tuwing may rehearsals at shows o events.

Malaking bagay raw iyung training sa kanila na mala-K-pop nung sumali sila sa Dream Maker.

Sabi pa ni JM, "Siguro malaking bagay po talaga na mostly sa amin ay athletes noong high school at elementary namin. Kasi, dun talaga na-build yung disiplina.

"Especially me, athlete po talaga ako, e… Hindi ko talaga ini-expect na mapunta dito.

"Nung napuntahan po namin yung Korean training nung sa reality show na sinalihan namin, siyempre nabigla po kami na ay yun pala yung standard when it comes to honing the idols sa Korea na in-apply po siya dito.

"Nung nag-transition po kami after the show into P-pop, hinanap po namin yung ganung sistema talaga, tas yung hirap ng training at pagdidisiplina before sa pagkain, sa time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun po yung isa sa nakaapekto kung bakit po kahit papano nadisiplina po kami nang husto.”

Sinimulan daw ang pagdisiplina sa kanila noong contestant pa lang sila sa Dream Maker.

"Magkakasama po kami sa reality show na iyun… Yung mga diet, trainings, and then na-apply po namin siya ngayon,” pakli ni DJ.

Dagdag ni Win, “Nung una ay nahirapan po talaga kami, especially po when it comes sa training system ng Korea. Kasi iba po talaga. Talagang bugbugan po.

"Kahit masakit po yung katawan namin, kailangan niyo po talagang i-push niyo talaga yung sarili niyo every day.

"And iyun po yug natutunan at na-apply po namin as a group. Kasi parang nakasanayan na po talaga ng katawan namin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
1621 on SB19: "Actually, they are also inviting us po na mag-watch po sa day two concert po nila sa Philippine Arena po. And sobrang humble at approachable po talaga nila." Seen here are (L-R) JM, JC, Migz, Win, DJ, and Pan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results