GORGY RULA:
Hindi na idinetalye ng magkapatid na Jackie Lou Blanco at Monching Gutierrez kung ano ang sanhi ng pagpanaw ng kanilang inang si Pilita Corrales.
Pumanaw si Pilita sa edad na 87.
Read: Pilita Corrales dies at 87
Lahad ni Jackie Lou, “She died in her sleep actually, which I’m very thankful for because, you know, hindi siya nahirapan, hindi na-hospital, hindi siya in lingering illness, di ba?
“Para sa akin, okay na yun.”
Sa edad na 87 ay mahina na raw ang kanilang ina, at may sakit na ito, pero okay naman daw ito bago pumanaw.
“May heart problem ever since, saka lately yung memory ganyan, di ba?
“Pero health-wise, okay naman siya,” pakli ni Monching.
“But we don’t know if she had an attack during that sleep. We don’t know. But I mean, it doesn’t matter… but we don’t know,” dugtong ni Jackie Lou.
“Hindi na namin inalam. Basta she was sleeping,” sabi uli ni Monching.

Malakas ang kutob daw nilang hindi maganda ang ibabalita sa kanila nang nakatanggap sila ng tawag noong madaling araw ng Sabado, Abril 12, 2025.
Kuwento ni Monching, “Ang husband po niya si Tito Carlos, at ang isang kapatid namin, mga 2:00 A.M., tumawag sila. So, pumunta na kami dun.”
Dagdag ni Jackie Lou, “I had the feeling, sabi ko, 'Wow, parang they’re not going to call us naman at 2:00 A.M. Oh there’s something, di ba? So, we rushed.”
Nakatakda raw sana silang dumalaw sa kanilang ina ngayong Lunes, Abril 14.
Pero ito na nga ang nangyari.
Read: Jackie Lou Blanco, inalala ang payo mula sa ina na si Pilita
PILITA CORRALES "MADE PEACE WITH HER MAKER"
Kapag dumadalaw sila ay hindi naman daw nila pinag-uusapan kung ano ang gusto ni Pilita kung sakaling pumanaw na ito.
“Hindi namin napag-usapan ang tungkol sa ganito. Kami na lang ang nag-decide kung ike-cremate siya o ganyan, kami na lang ang nag-decide. Wala siyang ganun e,” pakli ni Monching.
Sabi naman ni Jackie Lou, alam niyang handa ang kanyang ina sa kung ano ang maaaring mangyari sa kanya.
“I believe she was,” bulalas ni Jackie Lou.
“My mom was very prayerful. In this past ano… every Sunday, pumupunta yung priest dun, and they give her Holy Communion with my stepdad.
“I know she was prepared. She made peace with her Maker, alam ko yun. Because my mom is very prayerful, very spiritual,” sabi pa ni Jackie Lou.

NOEL FERRER:
Nagpasalamat silang maayos ang pagpanaw ni Pilita, dahil hindi siya nahirapan.
Pero naging emotional si Jackie Lou nang tinanong kung meron pa ba siyang gustong sabihin sa kanyang ina na hindi pa niya nasabi.
Sabi ni Jackie Lou, nasabi naman daw niya lahat tuwing magkasama sila.
“Just to tell her how much I love her, and to thank her for everything,” lahad ni Jackie Lou.
“And to tell her that I will continue to honor her by the way I work, the way I live, by telling people how wonderful she is, and just to say thank you, thank you so much for bringing up me and Mond the best way she could.
“I will miss her so much. I will miss how wonderful she smells. She smells so good," ani Jackie Lou.
Malaki ang paghanga ni Jackie Lou sa pagtingin ng ina sa buhay.
“But she lived the best life, and I would give a standing ovation to her.
"For everything that she’s achieved in her career, in the way na she carried herself, with always so much grace despite minsan nahihirapan, minsan may mga trials.
“She would always say, 'Tomorrow is another day. Ang problema nandiyan, minsan nandiyan ang solusyon, minsan wala.
"'But in the meantime, and you know, hold your head high and do the best that you can.'”
Read: Pilita Corrales: Isang pagpupugay sa Asia's Queen of Songs
PILITA CORRALES SCHEDULE OF WAKE
Sa Miyerkules, April 16, na ang huling araw ng burol.
Hindi pa raw nila napagdesisyunan kung kailan nila ililibing ang ina sa Himlayang Pilipino.
“For now, hindi pa kami maka-decide sa family if they want to bring her to Himlayan, where her mom is and her brother, we have not decided.
“So, I think what we will do is probably bring home her ashes until we’ve made that decision for her.
“Parang right now, we really don’t know,” napangiting saad ni Jackie Lou.

JERRY OLEA:
Nakakagaan daw kina Jackie Lou at Monching ang mga magagandang alaalang iniwan ng kanilang ina hindi lang sa kanilang magkakapatid at mga anak, kundi sa lahat na mga nakatrabaho, nakasama at nakasalamuha nito sa entertainment industry.
“Yun yung legacy na iniwan ni Mommy. Ahh, parang when people think of her, the people who have met her always has kind words to say, di ba?
“Walang masamang tinapay sa nanay namin, e. And that is such a gift for us.
“In this time na… is very difficult for us, di ba?
“If you [meet] anybody that she has met, yun at yun ang sinasabi, nakaka-warm ng heart.
"Kahit papano, naiibsan yung nararamdaman because Mommy is not there."
Magandang ehemplo rin daw ang ina para sa mga anak, ayon kay Jackie Lou.
“And I also tell the kids that this is something that… this is something that you will have to continue.
“You honor your Mamita by doing good, being a good person, being excellent in whatever field of work. Lalo na yung mga anak namin na nasa business, di ba?
“So, regalo yun and the same time malaking responsibilidad din, because we have to honor her by continuing kung ano yung mga naiwan niya sa amin, kay Monching, sa mga apo niya."
Kaya wala na silang gustong sabihin pa kundi “a million thanks” daw sa lahat.
“A million thanks sa lahat. Si Mommy very generous kasi yan.
“A million thanks din sa [mga tao] that pray for her, at saka yung mga well-wishers,” sabi naman ni Monching.
